PROLOGUE

10.3K 100 5
                                    

"SASABIHIN ko ba kay Kathleen kung saan
ka nagpunta, Jared?" tanong ni Jordan sa
kakambal na may kasamang panunudyo. Si Kathleen ang latest nitong girlfriend na gusto na nitong idispatsa subalit tila ito talaba na mahigpit na nakakapit sa gilid ng bato.

"Tell her or anyone else where I am and you're
dead meat!" Jared stared at his older brother
threateningly. Pagkatapos ay sumakay na sa four-wheel drive Jeep at ikinabit ang seat belt.

"Kaya ko lang sinasabi sa iyo kung saan ako pupunta ay para madali mo akong matunton kung may importanteng pangyayari."

"Seryoso si Carrie na magpakasal sa bago
niyang boyfriend. Don't you think that's important?"

Jared's face softened. "I am happy for her.
Napaimbestigahan mo na ang Emilio Mendrez na ito at napatunayan mong mabuting tao. Sana'y maging maligaya si Carrie sa pagkakataong ito. Hindi ako nangangako, but I will try to be back on or before the wedding. May plano na ba kung kailan?"

"Nothing definite. But knowing Carrie, it's gonna be soon. Anyway, ano sa palagay mo ang mapapala mo sa ginagawa mong ito?" Ibinalik nito ang usapan sa pag-alis ni Jared.
Nakasandal ito sa poste ng garahe at nakakrus ang mga braso sa dibdib.

The twins could have been identical.
Magkasintaas at halos magkahawig ang dalawa, maliban sa may kaputian si Jordan at si Jared naman ay kulay-kamagong ang balat. And both were extremely good-looking.

Pero doon nagtatapos ang similarity ng
magkapatid. Jared was the brown-eyed charmer and was dazzled by long-legged women with mo boobs than brains.
While Jordan, who was ten minutes older, was
fascinated by matured and intelligent women who carry briefcases larger than his.

And the Atienza brothers were the favorites
of the paparazzi. Bawat iskandalong maaaring
ikapit sa magkapatid ay pinagpipiyestahan ng
mga ito.

"Gusto kong mag-unwind... mag-isip, bago
dumating ang Papa at Mama mula sa Europa,"
sagot ni Jared sa tanong ng kapatid.

"At sa asyenda sa Marinduque mo gustong
magtungo?" nakangiting sabi nito.

"Kunsabagay, natitiyak kong matutuwa si Lola Eleanor kapag dumalaw ka. It's been more than a year since we last saw Grandma."

Matagal-tagal na nilang hindi nadadalaw si
Eleanor-their mother's mother. Nang mamatay si Roberto, ang lolo nila, ipinasya ni Eleanor na
mamirmihan na lang sa Marinduque. Ang papa nila, si Jake Atienza, ay biniling muli ang kapirasong lupang dating pag-aari ng pamilya ni Eleanor.

Hindi lang iyon, kasamang binili ni Jake ang
malawak na lupaing katabi ng lupain ng nama-
yapang mga magulang ni Eleanor. Kasabay niyon ay nagpatayo ng bahay-bakasyunan sa nabiling lupain si Jake para sa biyenan.

"Then there's no need to lie of your where-
abouts," patuloy ni Jordan. "Natitiyak kong hindi ka susundan ni Kathleen doon at ng iba pang girlfriends mo." He slanted a teasing smile at his brother. "Kathleen hated country life."

Jared grunted. "Oh, she will follow me to hell,
Jordan." His smile was self-mocking.

Pagkatapos ay nagpakawala siya ng malalim na hininga. "If only grandfather hadn't made that stupid codicil in his testament."

"It was your fault, anyway," wika ni Jordan,
dumilim ang mukha. "Binigyan mo ng dahilan ang Lolo para gawin iyon sa atin. Sukat mo ba namang sabihing wala kang intensiyong mag-asawa!"

"And I would have!" Jared's sigh was troubled

"Kung hindi lang dahil diyan sa codicil na iyan:
Itinaas niya ang kamay at itinuro ang forefinger sa kapatid. "But don't count on it."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now