CHAPTER 4

2.9K 55 2
                                    

"KAHAPON lang kayo nagkakilala ng Jared na
iyon," nakasimangot na sabi ni Christian nang
sumungaw ito sa dining room habang abala
si Serena sa paggagayak ng mesa. Bigla itong
nahinto sa paghakbang nang matitigan siya.

May isang saglit na gumuhit sa mga mata nito
ang paghanga, na marahil ay hindi naman
talaga nakita ni Serena dahil nahalinhan iyon ng iritasyon. "Bakit kailangang anyayahan mo siyang maghapunan dito sa atin?" patuloy nito,
tiningnan ang pagkakaayos ng mesa.

She licked the sauce on her finger. Pagkatapos
ay nginitian ang kapatid at isa-isang inilagay ang linen napkin sa ibabaw ng pinggan.

"We are neighbors, Christian. At natural lamang na makilala natin ang pinakamalapit nating kapitbahay. Pareho tayong ngayon lang muli nagbalik dito sa asyenda."

May ilang sandali ang pinalipas nito bago
nagsalita. "Hindi ko gusto ang lalaking iyon.
Mukhang mayabang. Umangat ang kilay niya sa sinabi nito. Mayabang? lyon ba ang assessment ni Christian dito? Was it because Jared seemed to be so sure of himself?

Sandaling gumitaw sa isip niya ang anyo ni Jared Atienza. Tall, dark, and ridiculously handsome. Jared was very male. Devastatingly so. Squared jaw, dark, and penetrating eyes. At may katawan na tila lumabas mula sa mga pahina ng GQ.

"We also invited his grandmother," wika niya.
Sinuyod ng tingin ang pagkakaayos ng mesa.
She smiled with satisfaction.

"Bakit kailangang gamitin natin ang dining
room na ito?" Inikot nito ang tingin sa malaki
at maluwang na silid at sa mesang para sa
labindalawa-katao.

May maganda at antigong aranya na
nakatanglaw sa antigong mesang kainan. Ang
makintab na mga upuan ay upholstered at tulad ng edges ng mesa, may mga elaborate carvings.

At may apat na putahe ang ipinaluto ni Serena
kay Tiya Adel at sa nag-iisang katulong na natira sa Villa Manzanares.

"Pang-animan ang mesa sa dining room malapit sa kusina, bakit hindi doon? Napakarangya ng hapunang ito, Serena. Mula nang dumating ako'y ngayon lang kayo nagluto ng apat na putahe," he said sulkily.

Masuyong tinapik niya sa balikat ang kapatid.
"Bihira tayong magkabisita, Christian. At hindi
ordinaryong tao ang mga Atienza. Nararapat
lamang ang ginagawa naming paghahanda ni
Tiya Adel. Isang pagtanaw ng utang-na-loob
dahil sa pagkakaligtas ni Jared sa akin."

"Ginawa mong malaking bagay ang
pagkakaligtas sa iyo ng lalaking iyon,"
pasimangot nitong sabi. "Kahit sino'y magagawa iyon sa iyo, Serena. Magagawa ko iyon kung hindi lang patpatin ang kabayong ipinapagamit mo sa akin."

She smiled at him lovingly. Naalala niya ang
batang Christian na lagi na'y gusto siyang
protektahan. "Of course, I know you could have saved me. Don't let us talk about the incident anymore. Now, go up and change. They will be here any moment now."

Marahas nitong pinalis ang kamay niya na nasa balikat nito. "Huwag mo akong Inglisin, Serena. Naiintindihan kita, oo. Pero alam mong hindi ko kayang makipag-usap sa iyo nang deretso sa banyagang wikang iyan!
Ipinararamdam mo lang sa akin ang malaking kakulangan ko! Pero putang kasalanan ko ba iyon?"

Serena gasped softly. Nakita niya ang galit
na sumungaw sa mga mata nito. Agad ang
pagbangon ng simpatya at habag niya para sa
kapatid. Subalit hindi niya gustong ipakita rito
ang pagkaawa.

"Huwag kang mag-alala, Christian," banayad
niyang sabi. "Planuhin natin ang pagkakaroon
mo ng pribadong tutor. O di kaya ay mag-aral ka sa pamamagitan ng correspondence at-"

"Hindi na kailangan!" magaspang nitong sabi. "Hindi ko gustong mapahiya na sa edad kong ito'y wala akong pinag-aralan!" Pagkasabi niyon ay mabilis itong tumalikod. Naiwang sinusundan ni Serena ng tanaw ang kapatid.

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon