CHAPTER 8

2.6K 51 3
                                    

"KUNG paano kayo nakatatagal sa init dito'y
hindi ko maintindihan," padabog na sabi ni Christian na sumungaw sa silid ni Tiya Adel sa ibaba. Ni hindi ito kumatok. Si Serena na pinapanood ang pagtatahi ng matandang babae sa sirang mantel ay biglang napalingon sa pinto.

"Christian?"

"Kahit ang sala'y madilim!" patuloy ang reklamo nito.

"Ngayong alam mo na ang pinansiyal na
kalagayan natin ay inaasahan kong maiintindihan mong nagtitipid tayo sa kuryente, Christian," banayad niyang sabi rito.
"Bakit hindi mo na lang buksan ang lahat ng bintana sa silid mo? Malakas ang hangin sa itaas."

"Anak ng...! Kahit television ay wala. May radyo
man ay AM pa! Umaasa akong sa pag-uwi ko'y
katapusan na ng paghihirap ko! lyon pala'y higit pa ang dadanasin ko sa pesteng bahay na ito." Tinitigan siya nang matalim nito.

"Tingnan mo ikaw, paypay ka nang paypay diyan na parang loka. Buksan mo iyang ceiling fan!"

Itiniklop niya ang abaniko at napabuntong-
hininga. "Kunin mo ang electric fan sa silid ko.
Gamitin mo."

"Ipagbili mo na ang natitirang pag-aari ng aking ama, Serena, at sa Maynila na tayo manirahan. Magnegosyo tayo... kahit na ano."

"Pero, Christian-"

"Ang malabong kalutasan ng suliranin nati'y hindi na nagbalik!" paismid nitong sabi.

"Natitiyak kong alam ng mga Atienza ang pinansiyal nating kalagayan. Sino ang gustong makapag-asawa ng isang babaeng may nakakargang malaking pagkakautang sa mga balikat!"

"Christian, please..."

"Nauubos ang mga araw, Serena," babala nito
at pagkatapos ay tumalikod at lumabas ng silid. Naiwan sila ni Tiya Adel na nagkatinginan. Siya ang unang nagbaba ng tingin, tumayo at tinungo ang bintana at sige pa rin ang paypay nang wala sa loob. Natetensiyon siya. Tatlong araw na ang lumipas at hindi na muling nagbalik si Jared sa Hacienda Manzanares.

Kung tutuusin ay hindi na mapakali si Serena.
Nauubos ang isip niya sa paghahanap ng dahilan kung paano sila magkikitang muli at kung paano makatatawid sa kabilang asyenda nang hindi siya magmumukhang kahiya-hiya.

She wasn't so naive as not to realize that Jared
was attracted to her on day one. Kaya natitiyak niyang walang dahilan upang hindi ito makipag-kitang muli sa kanya. Unless that kiss really meant nothing to him.

Pero nangako itong babalik kinabukasan-na
hindi nangyari. Maaaring may girlfriend itong iniwan sa Maynila, and Jared was the faithful type.

Na lalo lang nagpasakit sa loob niya dahil ang
dalawang naging kasintahan niya'y parehong
sinungaling at mandaraya. And it wasn't fair that a rich man like Jared could be faithful to whoever was his girlfriend.

"Tama si Christian, Serena," komento ni Tiya
Adel habang muling pinaandar ang makinang
panahi. "Lamang, hindi ko gusto ang paraan niya ng pakikipag-usap sa iyo. Tinalo pa niya ang hari kung umasta."

"Nag-iisip tuloy akong tumawid na sa kabilang
rancho, Tiya..." nag-aalangang sabi niya.

"Kalimutan mo na ang kalokohan mong iyan sa
lalaking Atienza at wala ring mangyayari.
Napabuntong-hininga si Tiya Adel. "Hindi kita
naiintindihan. Sa loob ng nakalipas na panahon ay wala kang solusyon sa panggigipit ng bangko. Alam nating pareho na kung hindi sa pagkailit ay mapipilitan kang ipagbili ang lupain. Ano at gusto mong ubusin ang natitirang araw?"

"I cannot sell the house, Tiya Adel. Kung sa
kahuli-hulihang araw at wala akong nagawang
paraan, the land will be sold. Pero hindi ang bahay at ang mismong lupang kinatitirikan nito. Ipagbibili ko ang bahay natin sa Quezon City para sa villa. Naipaliwanag ko na kay Attorney Vidal ang bagay na iyan. Tutal ay hindi sagabal ang bahay sa kung sino man ang bibili ng lupain, kung sakali. This house was almost near the public road."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora