CHAPTER 11 (Part 2)

3.4K 66 3
                                    

ISA-ISANG tinitigan ni Serena ang maga-
gandang damit-pangkasal na nakasabit sa rack at naka-display sa estante ng isang kilalang boutique. Isang linggo na ang nakalipas mula nang mamanhikan sina Lola Eleanor at Jared sa kanila.

At ngayon nga ay nasa Makati sila upang
mamili ng mga gagamitin sa kasal. Kanina ay nang-galing na rin sila sa isang jeweler at isang set ng mamahaling engagement ring at wedding ring ang binili nito para sa kanilang dalawa.

"Maaari naman akong magsuot ng simpleng
damit lang sa kasal natin, Jared."

"It is still our wedding, Serena," he said,
smiling gorgeously at the manager of the boutique. "Totoong simple lang ang plano nating kasal pero gusto kong gawin sa tamang proseso, with all the trimmings and frills."

Nang bahagyang lumayo ang manager ay
nagpatuloy ito sa mahinang tinig. "Besides, hindi ko gustong isipin ng mga abogado na sinadya at minadali ang kasal na ito para lamang maisa-katuparan ang codicil sa testamento ni Lolo Benedicto. There might be repercussions. Lalo at kailan din lang ikinasal si Jordan,"

"Pero hindi ba at ganoon namang talaga?" Her voice oozed with mild sarcasm.

"That's true. Pero maaari namang gawing
disimulado, hindi ba? At sa paraang mag-e-enjoy ka. Pilin mo ang damit-pangkasal na gusto mo, darling," he said with a mocking grin on his lips.

Kung ano man ang isasagot niya ay hindi na nito narinig dahil nasa tabi na nila uli ang manager at ipinakita ang isang magandang wedding gown.

"Hindi ko kailangan ng traditional wedding
gown, miss," wika niya. "All I want is a white simple dress--"

"Tiyakin mong hindi ka magmumukhang dadalo sa isang high school graduation, darling," amused na putol ni Jared sa sinasabi niya.

"Oh, I won't mock my own wedding that way,
Jared. Tama ka, anuman ang motibo mo..." natin, she added silently, "it is still our wedding." Itinuro niya ang isang below the knee off-white dress na suot ng mannequin.

Off-shouldered at body-hugging ang pagkakayan subalit pagdating sa ibaba ng balakang ay bias-cut and uneven length ang laylayan. It was modern and sexy, off-white at may ilang mamahaling Japanese sequences at kung ano-ano pang mga malilit na bato sa bahagi ng dibdib.

Agad na inutusan ng manager ang saleslady
nito na pumasok sa estante upang hubarin ang damit mula sa mannequin.

"We don't duplicate any of our wedding dress,
Ma'am," may pagmamalaking sabi ng manager.
"Kaya nakatitiyak kayong walang makakamukba ang damit-pangkasal ninyo."

Serena smiled at the woman, pretending to be
pleased. Kinuha niya ang wedding dress mula sa saleslady at pumasok sa fitting room. Naghubad siya at isinukat ang damit-pangkasal.

Sinipat niya ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Napangiti siya sa kabuuan ng damit-pangkasal sa kanya. It fitted perfectly. Tila tinahi ayon sa sukat niya.

Natanto niyang tama si Jared. Ano man ang
motibo nito sa pagpapakasal sa kanya, kasal pa rin niya iyon. At minsan lang siyang ikakasal.

Pumasok sa isip niya ang suliranin sa mga ari-
arian nila. She would have laid down her own terms, too. Na kailangang matubos ang pagkakasanla ng lupain nila sa bangko.

But not a single word came out of her mouth.
Hindi niya kayang isatinig iyon. Hindi niya
maintindihan kung bakit gayong pareho naman silang may kanya-kanyang dahilan para pakasalan ang isa't isa. It would have been her chance to be honest. But she suddenly found it coldhearted and calculating.

Pero saan man daanin, ganoon din ano
kalalabasan ng magiging kasal nila. Maliban sa
hindi iyon pansamantalang kasal lang.

Nang lumabas siya mula sa fitting room upang
ipakita kay Jared ang damit ay nakita niyang may kausap itong security guard.

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon