CHAPTER 1

3.7K 50 0
                                    

MULA sa mataas na bahagi ng burol ay
sinisipat nang husto ni Serena ang lalaking nasa ibaba at nagmamando sa apat pang lalaking nagkukumpuni ng sirang bakod na naghahati sa dalawang lupain.

"May bago bang kapatas ang katabing
rancho, Tiya Adel?" tanong niya sa matandang
nangunguha ng pakô sa gilid ng bundok. "Ngayon ko lang siya nakita rito sa atin."

Itinuwid ng matandang babae ang katawan,
inilagay sa basket ang mga naaning pakô. "Sino ba ang sinasabi mong kapatas?"

Inginuso niya ang mga nasa ibaba ng burol. "Iyon hong nakapamaywang." Bagaman hindi gaanong malinaw sa paningin niya ang mukha ng lalaki dahil mataas ang burol na kinaroroonan nila ay nakikita niyang mataas ito. Higit na mataas kaysa sa mga taong kasama nito.

He was also naked from the waist up, with
muscular body. The way he stood made him
distinct from the rest of the men. Para sa isang
kapatas lang ay makatawag-pansin ang lalaki.

Hinawi ni Tiya Adel ang sanga ng
punong-kawayan at sinipat sa ibaba ang
sinasabi niya. Kumunot ang noo nito sa
pagsisikap na kilalanin ang itinuturo niya.

"Kung hindi ako nagkakamali ay iyan ang apo ni Eleanor," wika nito. "Isa sa kambal. Hindi ko nga lang matiyak kung ang bunso o ang panganay." Muling binitiwan ni Tiya Adel ang sanga ng punong-kawayan.

Nagsalubong ang mga kilay ni Serena. Sa
pagitan ng mga sanga at dahon ng kawayan ay muli niyang itinuon ang pansin sa ibaba.

"Eleanor? Kambal? Sinong Eleanor ang sinasabi ninyo?"

"Tagarito ang pamilya ni Eleanor, Serena.
Taga-llaya. Mga apo niya ang kambal. Hindi
mo nga pala nabalitaang ipinagbili na ni Mrs.
del Castro ang lupain nila sa mga Atienza nang
mamatay ang asawa niya. Hindi ka naman kasi
naglalagi rito sa Manzanares," sagot nito habang patuloy sa pamimitas ng talbos ng pakô. Serena was thoughtful.

"Tiya Adel, hindi ba at malawak ang lupain ng mga del Castro? Higit na malawak kaysa sa atin?"

"Totoo iyon," sagot ng matanda. "At kaya lang
naman lumawak ang lupain ng mga del Castro
kaysa sa lupain natin ay dahil naipagbili sa kanila ng papa mo ang dalawampung ektaryang lupain ninyo."

Ang sinabi nito ay nagdulot ng pait sa
dibdib niya. Pero agad niyang pinalis ang
nararamdaman. Anuman ang gawin niya ay hindi na mababalik sa kanila ang kanilang lupain.

"At lahat ng dating lupain ng mga del Castro ay pag-aari na ngayon ng-" Sandali nitong inisip ang pangalang binanggit ng mayordoma"-ng mga Atienza?"

"Ganoon na nga. Ang babaeng del Castro ay sa
ibang bansa na namirmihan, sa anak niya roon."

Sinuri ni Tiya Adel ang mga pakông napitas.
"Tama na itong ensalada," wika nito, mas sa sarili ang sinasabi.

"Kung nabili ng mgaito ang ekta-ektaryang
lupain ng mga del Castro, kasama na ang dati
nating lupa, di tiyak na milyonarya ang Eleanor
na ito, Tiya Adel."

"Kung si Eleanor mismo ang tinutukoy mo
ay hindi siya masalapi, Serena, kundi ang
manugang niya. Ang isang anak niyang
babae ay nakapag-asawa ng may-sinasabi.
Ang manugang niya ang bumili ng mga
karatig-lupain."

"Hmm.." Nakuha nang husto ang interes niya.
Pagkatapos ay muli niyang hinayon ng tingin ang ibaba ng burol, naroroon pa rin ang mataas at matipunong lalaki.

Sa pagkakataong iyon ay natanaw niyang
tinutulungan nito ang tatlong tauhang itayo ang poste na pagkakapitan ng barbed wire.
Kumislap ang pawis nito sa likod mula sa panghapong sikat ng araw. She could almost see his back muscles flexed.

"Ano ang negosyo ng mga Atienza, Tiya Adel?
Ang buong pamilya bay nakatira sa dating bahay ng mga del castro?"

"Aba, hindi. Pinatayuan ng bagong bahay si
Eleanor ng manugang niya. Nanatiling katiwala ng mga Atienza ang nakatira sa bahay ng mga del Castro. At sa pagkakakuwento ni Eleanor sa akin ay isang kilalang negosyante ang manugang niya. Sa lupa at bahay yata ang negosyo nito at hindi ko masyadong naintindihan yong isa pang sinabi."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now