CHAPTER 2

3K 51 0
                                    

NAG-ANGAT ng ulo si Jared nang marinig ang
malakas na tinig ng isang babae at ang mga
yabag ng tumatakbong kabayo.

Napakunot ang noo niya nang makita ang
mabilis na pagtakbo pababa ng burol ng magilas at malaking kabayo. Tumaas-baba sa saddle ang sakay nito. Ang maiksing blusa nito ay umaangat din, exposing her midriff. Ang buhok ay inililipad ng hangin palayo sa mukha nito.

On top of the runaway horse, the woman looked like a warrior. Sa ibang pagkakataon, he would be fascinated, both by the horse and its rider. It was like watching a scene in a movie, only it wasn't. Nakaramdam si Jared ng panganib para sa babae. Nakikita niyang tila wala itong kontrol sa kabayo.

Nauulinigan niya ang malakas nitong sigawn
habang pinahihinto ang stallion.

"Ihuhulog ng kabayo ang babaeng iyon, boss!"
bulalas ng isa sa mga tauhan niya.

Aw, shit.

Instinctively, tinakbo ni Jared ang Wrangler
Jeep niyang nakaparada sa di-kalayuan. Wala
siyang ideya kung paano pahihintuin ang isang runaway horse. Ni hindi siya marunong man lang mangabayo. All his life he lived in the city. Pero iisa ang nasa isip niyang gagawin.
Sasalubungin niya ang mga ito sa kabilang direksiyon.

"WHOA, Thor!" sigaw ni Serena, umaasang
maririnig siya ng thoroughbred. Subalit patuloy sa mabilis na pagtakbo ang hayop.
Gusto nang sumabog ng dibdib niya sa malakas na balya ng hangin.

Hindi niya naintindihan. Walang dahilan upang
umalma nang ganoon ang kabayo. Ang alam
niyang dahilan upang tumakbo nang ganito
ang alinmang kabayo ay kung natakot. Takot na maaaring manggaling sa ahas, sa putok ng baril, o di kaya ay sa halinghing ng kapwa kabayo.

"Thor, please! Hoo... hoo!"

She clutched the reins tightly and held on for
dear life. Kahit paano ay pilapilan ang tinatakbo ng kabayo. Wala na ang mga sanga at dahon ng mga punong tumatama sa mukha niya.

Her heart was pounding in her ears. Ang
malamig na hangin ay tila bumabayo sa dibdib
niya. Nagsisimula na siyang makadama ng takot.

Or was it hysteria?

Hindi siya dapat mag-panic. Kapag
pahihintulutan niyang mangyari iyon ay baka
tuluyan siyang mapahamak.

"Thor, please! Hoo!" muli niyang sigaw, her voice was trembling. Now she knew she was really scared.

Hanggang saan tatakbo ang kabayo? Paano
kung ang patutunguhan nila ay ang burol sa
kabilang dulo ng lupain? At kung tatalon siya sa kabayo ngayon, para na rin niyang tiniyak ang kapahamakan niya.

Ang lupaing tinatakbo ni Thor ay dating bahagi ng Hacienda Manzanares. Natitiyak niyang bagaman pilapilan ang lupang tinatakbo nila ay burol ang dulo ng kapatagang natatanaw niya na ang ibaba ay dalampasigan.

Hindi matarik ang burol, humigit-kumulang
walong talampakan lang ang taas niyon. At
buhanginan ang ibaba. Sa ibang pagkakataon,
kaya niyang patalunin doon si Thor tulad ng
ginagawa niya noong dalagita pa.

Pero hindi sa pagkakataong iyon na wala siyang kontrol sa hayop. Hindi sa sandaling iyon na natatakot ang kabayo sa kung ano mang dahilan. It was as if Thor was running for its very life.

Mahusay siyang mangabayo. Doce años siya
nang magsimulang paturuang sumakay sa
kabayo ni Edmundo Manzanares ilang buwan
lamang matapos nitong pakasalan ang kanyang ina. Katunayan, nang matiyak ni Don Edmundo na mahusay na siyang mangabayo ay iniregalo nito sa kanya si Thor-na nang mga panahong iyon ay isang munting bisiro.
At alam niyang kahit na sinong mahusay na
mangangabayo ay posibleng ihagis ng kabayo
mula sa likuran nito, lalo sa ganitong sitwasyon.

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now