CHAPTER 20

3.6K 75 7
                                    

KINALUNESAN ay nagtungo silang dalawa
ni Jared sa bangko sa bayan. Sa pamamagitan ng pakikipag-ayos sa main branch nito sa Maynila ay inayos nito ang pagkakatubos ng mga lupain nila.

"Hindi ka tumupad sa usapan!" galit niyang
singhal dito nang nasa sasakyan na sila pauwi. "Bakit sinabi mo sa abogado na ilagay sa pangalan nating dalawa ang Manzanares property?"

Jared sighed. "Trust me on this, Serena.
Para din sa iyo ang ginagawa kong ito. Hindi ako interesado sa propiedad ninyo."

"Just as much as I am not interested in yours.
Christian owns half of the property!"

"Calm down. Gusto ko lang mahayag sa lahat na bilang asawa mo'y kahati ako sa propiedad ng mga Manzanares. At kung sakaling may mag-usisang sino man ay mabuti nang may mga dokumentong magpapatunay ng legalidad. But my lawyers will draft another contract na ipinagkakaloob kong muli sa iyo ang bahagi ko sa mga ari-arian mo, pero hindi ko gustong ipaalam mo kahit na kanino ang bagay na ito... pansamantala."

"I-I don't understand..."

Sinulyapan siya nito. "As I said, trust me on this. Will you?"

Unti-unti niyang ibinalik ang likod sa
pagkakasandal. It was irrational, but yes, she
trusted him. "At least, tell me why."

"Someone wants you dead, Serena, and don't
you dare deny thatl" he said grimly. "At kung
malalaman ng kung sino mang nagtatangka sa iyo na kahati ako sa mga ari-arian ninyo ay natitiyak kong gagawa siya ng hakbang, sooner."

Pinanlamigan siya ng katawan. Itinatangging
pilit iyon ng isip niya dahil alam nilang pareho kung sino lang ang maaaring may motibong pagtangkaan siya. And it hurt to even think about it.

"Should you die, Christian will inherit the
Manzanares property, Serena," ani Jared na tila
nahuhulaan ang laman ng isip niya. "Gayundin ang bahay at lupa sa Quezon City."

"H-hindi ako makapaniwalang magagawa ng..
ng kapatid ko ang pagtangkaan akong patayin, Jared." Nabasag ang tinig niya roon.

"You are not blood related," paglilinaw nito. "So, okay, malapit kayo sa isa't isa bago siya nawala. Pero halos isang taon lang lyon, Serena. May mga taong pumapatay ng magulang. kapatid, kamag-anak, ng dahil sa kaunting pera."

"Sa... kapirasong panahong nagkasama kami
ni Christian ay napatunayan kong mahal niya
ako, Jared. Noong... noong araw na lumubog ang ferryboat..." She choked a sob.

"Serena..."

"No! Gusto kong ilabas ito sa dibdib ko."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya,
"Kanya-kanyang pagliligtas sa sarili ang nangyari. Nag-aagawan sa iilang life vest ang mga pasahero. Nakakuha ng life vest si Christian at pilit pang inaagaw iyon ng isang lalaki. But Christian pushed him with all the strength of a fifteen-year-old. Pagkatapos... isinuot niya sa akin ang life vest..."

Sob after sob racked her body. Nakaipon sa
dibdib niya ang bagay na iyon sa nakalipas na
labindalawang taon. Inihinto ni Jared sa tabi ang sasakyan at kinabig siya patungo sa dibdib nito.

"He... said..." patuloy niya sa pagitan ng pag-
iyak, "he was a good swimmer... lumaki siya malapit sa dagat... that he would have a bigger chance of making it than I do if I didn't put the vest on."

Kumawala siya at tumingala rito. "Alam mo ba kung paano ako inuusig ng budhi ko sa nakalipas na mga taon? Na halos mabaliw ang Papa sa hindi malamang kinahinatnan ni Christian? At na hindi ko masabi sa kanila na ibinigay ng kapatid ko ang life vest niya sa akin?"

"Serena..."

"Ngayon, paano ko tatanggapin sa puso at isip ko na ang binatilyong iniligtas ako sa tiyak
na kamatayan ay pagtatangkaan akong patayin ngayon?"

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon