CHAPTER 15

3.2K 74 1
                                    

TINUNGO niya ang kusina nang sa pagpasok
niya ay siya namang pagpasok din ni Elvie mula sa labas ng bahay. Bitbit nito ang wala nang lamang trashcan.

"Ay, nandito ka pala, Ate," wika nito. "Gusto mo
bang ipaghain kita? Kayo ni Kuya?"

"linom na lang ako ng gatas, Elvie."Humakbang
siya patungo sa refrigerator. "Si Tiya Ade!? Kumain na ba kayo?"

"Kanina pa, Ate," sagot nito, "Nandito kanina ang mga dating tauhan ni Don Edmundo, magkakasalo kaming kumain. Tuwang-tuwa silang nag-asawa ka na. Baka raw muling maging maayos ang pamamalakad sa asyenda."

Isang payak na ngiti ang isinagot niya roon.
Bukod sa reception sa beach kanina ay nagpahanda at nagpaluto si Jared para sa mga tauhan sa dalawang asyenda. Inaasahan nitong may mga tauhan pang naglilingkod sa kanila.

Kunsabagay ay mayroon pa naman talagang
nagtatrabaho sa asyenda, yaong mga nanatili at nagtatanim at nagkokopra. Ang mga ito rin ang nagbibigay sa kanila ng rasyon ng bigas at ilang panggastos. At ang kinikita mula sa pagkokopra ay ang pinagkukunan niya ng pambayad ng interes sa bangko.

"Si Tiya Adel ay busog daw mula sa handaan
kanina. Napagod at nagpahinga," patuloy ni Elvie.

"Magsara ka na at magpahinga na rin. Si
Christian?"

"Hindi pa yata umuuwi, Ate." Nahuli niya ang
takot na gumuhit sa mukha nito bago ito yumuko upang ibalik sa ilalim ng cabinet sa ibaba ng lababo ang trashcan.

Napakunot-noo si Serena. "May... problema ba
kay Christian, Elvie?"

Hindi sumagot si Elvie. Lumakad patungo sa
pinto sa kusina at ikinandado iyon.

"Elvie, gusto kong malaman kung may problema ka kay Christian?"

"W-wala pong anuman, Ate," wika nito na
bahagyang nanginig ang tinig. "Sisikapin ko na
lang pong hindi ako mapag-isa na kasama si Kuya Christian."

Napaungol si Serena. "Ano ang ginawa ni
Christian sa iyo?"

Sandali itong nag-atubili bago sumagot,
"N-naliligo po ako, Ate, nang biglang pumasok si Kuya Christian sa banyo..." Lumunok ito, gumuhit ang pinagsamang takot at poot sa mukha. "Ayaw po niyang lumabas kahit na nang sabihin kong sisigaw ako. Ala naman daw pong tao rito. I-inabot po niya ako at.. at pinaghahawakan niya ang... ang dibdib
ko." Bigla itong bumulalas ng iyak.

Dumilim ang mukha ni Serena. Hindi maka-
paniwalang magagawa ni Christian iyon.

Tinitigan niya si Elvie. Ayon kay Tiya Adel, anak ito ng dating katulong sa villa. llang buwan pagkamatay ng stepfather niya ay dumating sa villa si Elvie, ulilang lubos na. She was plump and had an ordinary face. But she had breasts that were too big for a fifteen-year-old.

Pinag-aaral niya si Elvie sa public school sa
bayan. At dahil nga kapos sa pera at sa Maynila naman siya naglalagi, hindi niya napagtuunan ng pansin na nangangailangan ito ng bagong damit, higit sa lahat, ng bra.

Lihim siyang napaungol doon. Titiyakin niyang
mabibilhan niya kahit paano ng mga pangunahing pangangailangan si Elvie. Bukas na bukas din ay uutusan niya sa bayan si Tiya Adel upang bilhan ng mga panloob ang dalagita.

Nilapitan niya ito at hinawakan sa mga balikat.
"May... nangyari ba, Elvie?" Naghahalo ang kaba at galit sa dibdib niya.

Huminto ito sa pag-iyak. Nahihiyang pinahid
ng kamay ang mga luha. Umiling. "T-tama pong dumating si Tiya Adel mula sa palengke. Sa sala pa lang ay tinatawag na niya ako. Saka pa lang po biglang lumabas ng banyo si Kuya Christian..."

"Sinabi mo kay Tiya Adel?"

Umiling ito. "Pagod na pagod po si Tiya Adel
nang dumating. Basta na lang po iniwan sa akin ang mga pinamili at magpapahinga lang daw po muna siya."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon