CHAPTER 16

3.2K 65 12
                                    

NANLAKl ang mga mata ni Serena sa narinig.
Ginagap niya ang pasimano ng bintana upang
umamot doon ng lakas. Tila hindi kakayanin ng mga tuhod niya ang nangyayari.

Mawawala sa kanila ni Christian ang buong Manzanares property!

At ngayon ay kasali pa ang villa!

Pero hindi ba at iyon din naman ang motibo ni
Christian? At sa malaon at madali ay magagawan din nito ng paraang mabaligtad ang testamento ni Don Edmundo Manzanares at mauuwi sa lehitimong anak ang mga ari-arian?

Don't sell.. the house, Serena...

Ang pananakit ng katawan dala ng nangyari
kanina sa hagdanan ay natabunan ng sakit ng
damdamin at panlulumo.

I'm sorry, Papa, usal niya, pinipigil ang
mapahikbi.

Pero sandali lang ang panlulumo niya. She
squared her shoulders. Buong nakalipas na mga taon ay marami siyang isinakripisyo huwag lamang mawala sa kanila ang banay na iyon. She couldn't be defeated now.

"I am your wife, Jared," aniya at itinaas ang mukha. "Sa sandaling maghiwalay tayo ay
mapapasaakin din ang bahay. Magiging conjugal property ito at ng iba mo pang mga pag-aari. Naisip mo sanang papirmahin ako ng prenup agreement bago tayo ikinasal..."

Gustong matakot ni Serena sa galit na lumatay
sa mga mata nito subalit pinatatag niya ang sarili. Surely Jared wouldn't harm her physically, she thought weakly. She married a total stranger. Ano ang malay niya kung may tendensiyang maging bayolente ito.

Wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito
maliban sa mga binasa niya mula sa mga lumang magasin at peryodiko na sinimulan niyang hanapin mula nang makilala niya ito.

But in her heart of hearts, hindi siya naniniwalang sasaktan siya nito. Na kung gusto nitong gawin ay kanina pa dapat.

"You... you scheming bitch!"

She flinched, inawat niya ang sariling sabihin
dito na wala naman siyang balak hingin dito ang pantubos sa nakasanlang lupain nila. Na sa loob ng isang taon ay makapag-iisip siya ng paraan kung paano makakaipon ng salapi.

Perhaps from gifts he would shower her... O di kaya ay ang buong suweldo niya na magagawa na niyang ibayad nang buo sa bangko kada buwan.

"Naisip mo ba talagang magagawa mo sa akin
iyan?" mapanganib nitong tanong.

Napahugot siya ng hininga. "You are leaving
me no choIce. Pero gusto kong sabihin sa iyong interesado lang ako sa sariling akin."

Jared laughed without humor. "Minamadali mo
ang foreclosure ng utang mo sa bangko, darling," he said, taunting her. "I can easily call the bank people on Monday. And I'm not a bit worried about the prenup. Since you have no money, hindi ka darating doon. At kahit makakuha ka ng abogadong pro bono, wala ka pa ring pera para sa maraming abala sa korte."

"And if you want me to be more cruel." He
paused, ang galit sa mga mata nito ay sapat upang panginigan ng laman si Serena. "Tomorrow's Sunday. Nasa kamay pa ng nagkasal sa atin ang mga dokumento na ipadadala sa NSO... if you know what I mean, Serena.."

She was shocked. Nanlalaki ang mga matang
napatitig kay Jared. His money and influence could make the wedding null and void, na tila ba hindi nangyari iyon kanina. At ni hindi makakarating sa NSO ang mga dokumento!

It was bribery. lllegal. Corrupt. But Jared could
easily do that, couldn't he?

And then what? Pagtatawanan siya ng buong
Manzanares? Kahahabagan siya ni Tiya Adel..
lalaitin siya ni Christian... at mawawala pa sa kanilan nang tuluyan ang villa!

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Onde histórias criam vida. Descubra agora