CHAPTER 19

3.5K 70 6
                                    


"SORRY," ani Jared, a frown on his forehead.
"I didn't mean to startle you."

A sigh of relief came out of her throat. Mabilis
na inabot ni Serena ang tuwalya mula sa rack at ibinalabal sa hubad na katawan. Matalim ang mga matang itinuon nito sa kanya.

"Hindi ko inaasahang makakabalik ka kaagad"
Her tone was sharp and Jared grinned.

"I said I won't be long," he said huskily, his eyes raked through her. "You didn't wait for me,
we could have showered toge-" He stopped in
mid-sentence. Ang pagnanasa sa mga mata niya ay biglang naglaho.

He reached for her right arm."Ano ang mga ito,
Serena?" he asked, horror in his voice.

Dinama niya ang kanang balikat ng asawa.
Napahugot siya ng hininga nang makitang may mga pasa ito roon at ganoon din sa likod ng kanang braso nito.

"Am I responsible for these?"

Siya ba ang may kagagawan ng mga pasa?
Jared thought with horror. He had never made love to a woman before the way he had wildly made love to Serena. But surely, he couldn't be responsible for the bruises? Passion bruises or not, they were horrible. Hindi siya naniniwala sa rough lovemaking lalo na kung ganito ang resulta.

Itinaas niya ang braso nito at umungol si
Serena. In pain.

Oh, shit. May mga gasgas ito sa siko!
"Have I inflicted this bruises, Serena?"

Sinundan ni Serena ng tingin ang mga itinuro
niya. "What bruise.. oh..."

"Have I done this?"

"Oh, no," umiling ito. "Nahulog ako sa hagdanan kagabi.."

"What?" bulalas niya. "Anong nahulog ang
sinasabi mo? Kailan nangyari ito?"

Muling niyuko ni Serena ang mga pasang
itinuro niya. "N-nangingitim na pala..."

"Dammit, Serena, ano ang ibig mong sabihing
nangingitim na pala at anong nahulog ang sinasabi mo?"

Humakbang patungo sa pinto ng banyo si
Serena at lumabas. Sumunod si Jared na nahahati sa pagitan ng galit at pagkagulumihanan.

"N-nagising ako kaninang madaling-araw...
wala ka sa tabi ko," she said in a small voice. And Jared didn't miss the accusation.

He muttered a curse to himself silently.
"Nagtungo ako sa library sa ibaba, ang balak ko'y uminom ng kaunti at mag-isip. Hindi ko namalayang nakatulog ako."

It was half lie. Sinadya niyang sa ibaba mahin
upang mag-isip. Binalak niyang pumanhik bago mag-umaga pero nakatulog sa silya nang tuluyan.

Pinutol ni Serena ang daloy ng isip niya. "Ang
nasa isip ko'y nasa kabilang Silid ka. Na sinadya mong huwag matulog na kasama ako tulad na.. ng gabing iyon sa mansiyon..." she said bitterly.

Napaungol si Jared. He raised his arms
helplessly.

"Nakaramdam ako ng gutom at naisip kong
bumaba at uminom ng gatas. Sa ikalawang baitang ay hindi ko nakitang may mga nagkalat na holen..." She shivered a little, remembering the incident.

"At nahulog ka sa hagdan!" He was horrified.

"N-nakahawak ako sa barandilya bago ako tuluyang gumulong pababa..."

Litany of curses came out of Jared's mouth and saw her flinched. Nagising siya kaninang madaling-araw dahil narinig niya si Serena at binale-wala niya iyon. Paano kung hindi ito nakakapit sa balustre ng hagdan? Paano kung tuloy-tuloy itong nahulog dahil binale-wala niya ang babala?

"Narinig kita," aniya. "Nagising ako sandali.
Pero naisip kong baka nananaginip ako dahil iniwan kitang natutulog sa itaas."

She frowned. "I-I knew I called your name. But
I am sure no sound came out of my throat, Jared. Ni hindi ko nagawang sumigaw."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now