CHAPTER 22

6.9K 144 22
                                    

"How's Elvie?" tanong ni Jared.

Mula sa binabasa ay napatingin sa asawa si
Serena. She smiled faintly. "She's fine. Ipinainom ko sa kanya ang sedative na ibinigay ng doktor kanina sa ospital. Hindi niya gustong saktan ako ni Tiya Adel, Jared."

"She cares for you. And I owe her my life.
Kung hindi niya dinaluhong si Tiya Adel ay baka napasama ang tama ko."

Bahagyang pinanlamigan ng katawan si Serena nang maisip na maaaring napahamak ang asawa kung hindi dahil kay Elvie. At bagaman gusto ng doktor na manatili kahit na isang araw sa ospital si Jared ay hindi ito pumayag. Nang mabendahan ang balikat nito ay agad itong nagyayang umalis ng ospital.

Nasa labas ng ER si Trace at naghihintay sa
kanila. Halos isang oras na nag-usap ang dalawa habang inaasikaso naman niya si Elvie.
Malungkot siyang tumango. Itinupi, ang binabasa.

"Ano ang nakalagay sa certificate na iyan mula
sa bangko?" tanong ni Jared.
She sighed. Nakuha na niya mula sa floorboards ang malaking jewelry box ng mga magulang. Puno iyon ng mga matataas na uri ng brilyante mula sa ibang bansa. Hindi na nagkaroon ng panahon ang stepfather na ipangalakal iyon. The stones alone, in different sizes and rare colors, were worth a king's ransom.

Then there was also her mother's choker.

Muli siyang nagbuntong-hininga at ibinalik sa
chest ang dokumento mula sa isang bangko sa
Maynila. "Nasa safe deposit ng isang bangko sa Maynila ang Juan Luna painting," she said.

"So, you are now a very rich woman, Serena,"
ani Jared sa walang emosyong tono. "Natitiyak
kong hindi mo na ako kailangan..."

Hindi niya sinagot iyon. Because she would
always need him. Sa halip ay, "Muntik ka nang
mapahamak nang dahil sa akin..."

Jared filled his lungs with air. Bumangon at
inihilig ang katawan sa sandalan. "You are my wife, Serena, and I promised you no one will hurt you. At muntik na akong mahuli ng dating..."

"Ano ang nangyari sa summerhouse, Jared?
May nasaktan ba? Sina Kathleen?"

"Come, sit beside me," anyaya nito. Sumunod
si Serena, tumayo mula sa swivel chair at lumapit dito. Naupo siya sa kaliwang bahagi nito. Inakbayan siya ni Jared at hinapit.

"Noong araw ding iyon na manggaling si
Kathleen sa villa ay inihatid ko silang mag-ina
sa pier. Kinausap ko ang mama niya habang
nagbibiyahe kami at nagkaintindihan kami."

Kung gayon ay nagsinungaling si Tiya Adel sa
kanya. Napailing siya. "Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Tiya Adel ang lahat ng ito, Jared," puno ng kalungkutan ang tinig niya. "Minahal ko siya tulad sa sarili kong ina.. "

"I know, baby. Forget her. She's not worth it."
Hinagkan siya nito sa buhok.

"Ano ang mangyayari sa kanya?"

"Bahala na ang batas sa kanya. Kung mapa-
patunayang wala na siya sa sariling katinuan
ay maaaring maipadala siya sa mental hospital.
Umiiyak at tumatawa siya kanina habang dinadala ng mga pulis sa sasakyan."

Sa kabila ng lahat ay may awa na humaplos sa
puso ni Serena. Mayamaya ay tinitigan niya ang asawa, "Sino si Trace?"

"Naalala mong binanggit ko sa iyo si Kurt
La Pierre?" Tumango si Serena. "Trace is Kurt's
comrade who happened to have just arrived in
Manila. Noong Lunes ay nalaman ko ang resulta nang tawagan ako ni Kurt. Nagkataong nasa opisina niya si Trace at nagbabalak na magbakasyon kaya inirekomenda na nito ang Manzanares at para dalhin na rin sa akin ang resulta ng imbestigasyon tungkol kay Crispin Altura, ang nagpapanggap na Christian.

"Oh," nanlulumong usal ni Serena nang maisip
si Christian.

Pinisil ni Jared ang kamay niya. "I'm sorry, darling, but he's not your brother. Christian died four years ago."

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now