CHAPTER 21

3.7K 71 8
                                    

MULA sa pagkakaidip ay napapitlag si Serena.
Umaabot sa pandinig niya ang mga nagsisigawang tinig. Napatitig siya sa kisame. Makiramdam. Mga tinig ba ang naririnig niya o nananaginip lang siya? Nilinga niya ang relo sa tabi. Ala-una y media ng hapon. Kung ganoon ay halos isang oras siyang naidlip.

Nang mula sa kung saan ay isang malakas na
tinig ang narinig niya, sinundan iyon ng putok ng baril. Napabalikwas siya ng bangon at patakbong lumabas ng silid.

Kung maaari lang ay talunin niya ang hagdanan pababa. Nasa kalagitnaan siya ng hagdan ay naririnig niya ang malakas na pagmumura ni Christian. Sumisigaw ito. Sa library nanggagaling ang tinig nito.

Pagkatapos ay isang putok pa uli ang narinig niya at muntik na siyang mapasigaw. Halos
liparin niya ang ilang natitirang baitang.

Pabalya niyang binuksan ang pinto. Gayon
na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa nabungaran. Nasa tabi ng study desk ng stepfather niya si Tiya Adel at hawak ang baril ng papa niya.

Sa isang sulok naman ay naroon ang nanginginig na si Elvie, nakatalungko sa sahig.
Tatlong metro mula kay Tiya Adel, sa tapat
ng mga paintings nilang mag-anak ay naroon si Christian, nakalugmok sa sahig, sapo ang duguang balikat.

Tinakbo niya ito. "Ano ang nangyari? Oh, my
god! Christian, may tama kal"

"Dinaplisan niya ako sa unang putok, pero hindi sa pangalawa," naghihisteryang sabi ni Christian. "Baliw ang matandang iyan, Serena! Papatayin niya ako!"

"Dahil hindi ka lang impostor, magnanakaw ka
pa!" balik ni Tiya Adel, nanlilisik ang mga mata.

Nagugulumihanang nilingon ni Serena si Tiya
Adel. Nakatutok ang baril nito sa kinalalagyan nila. "Ano ang ibig sabihin nito, Tiya Adel?"

"Narinig mo ako, Serena. Impostor ang lalaking
iyan. Sa palagay mo ba'y hindi ko makikilala ang aking si Christian? Ako ang nagpaanak sa kanya. Kilala ko siya ilang taon man ang lumipas. Nadaya mo si Serena pero hindi ako!"

"Serena, mauubusan ako ng dugo! Dalhin mo
ako sa ospital!"

Hindi niya malaman kung saan idadako ang
mga mata. "Tiya Adel, bitiwan ninyo ang baril
ng Papa, please. Kailangang madala sa ospital si Christian!"

"Bakit ko gagawin iyon gayong
intensiyon kong patayin ang magnanakaw na
iyan? Tangka niyang nakawin ang mga alahas.
Natuklasan niya kung saan ito itinago ni Edmundo!"

"Alahas?" usal niya. At saka pa lang niya
napansin na may dalawang floorboards ang
nakatuklap sa sahig sa harapan ni Christian.
Napasinghap siya.

D-don't.. sell... housse... Foor... boorrs...

Floorboards! lyon ang ibig sabihin ng stepfather niya.

"Nasilip ko kahapon ang matandang iyan na
may sinisipat sa sahig, Serena," padaing na sabi ni Christian. "tinatago niya sa iyo ang mga alahas."

Muli niyang ibinalik ang paningin sa sahig.
Wala sa loob na tinuklap niya ang isa pang tabla at nahantad sa kanya ang pamiiyar na malaking jewelry box ng mga magulang. At nang tangka niya itong iangat mula sa ilalim ng sahig ay muling pumutok ang baril at tumama iyon sa sahig.

Napaigtad si Serena at bumagsak pabalik sa
kinalalagyan nito ang jewelry box.

"Huwag kang magkakamaling kuhanin ang
mga alahas, Serena, at sa iyo ko ipapatama
ang susunod na bala! lbalik mo ang natuklap na mga tabla," utos nito. Nang mag-atubili si Serena ay iniumang nito sa kanya ang baril. "Hindi ako mahusay pumuntirya pero sa lapit nating ito, natitiyak kong tatama sa iyo ang alinman sa mga bala ng baril na ito"

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now