CHAPTER 6

2.3K 44 0
                                    

"NASAAN ang Juan Luna painting, Serena?"
sita ni Christian sa kanya nang makaalis sina
Jared at Lola Eleanor. Umaalingawngaw ang tinignito sa buong kabahayan.

Hindi agad siya makasagot. Hindi niya akalaing
naisip at naalala nito ang priceless painting. But then, why not? Buong labing-apat na taon ng buhay nito'y nakikita nito ang kuwadrong iyon na nakasabit sa mismong pinagsasabitan ngayon ng larawan ng mga magulang nila.
"N-nasa bahay sa Quezon City, Christian.
Nasabi ko na ba sa iyong-"

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo,
Serena," awat ni Tiya Adel sa tangkang pagsisinungaling niya.

Bigla niyang nilingon ang matandang babae.
Nakikiusap at nagbababala ang mga mata niya. Subalit wala sa kanya ang paningin ni Tiya Adel kundi na kay Christian.

"Malutas mo man ang suliranin sa asyenda'y
hindi mo na mababawi pa ang kuwadro-kung
nasaan man iyon ipinagbili ng ama ninyo," patuloy nito. "Hindi biro ang halaga niyon... na hindi ko maintindihan kung bakit ang isang iginuhit ng matagal nang namayapang pintor ay kayamanan ang halaga."

Lumipad ang nanlilisik na mga mata ni Christian kay Tiya Adel at pagkatapos ay ibinalik sa kanya. "Ano ang ibig niyang sabihin?"

Umiwas siya ng tingin, humakbang patungo sa
bintana, at tumanaw sa kadiliman sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala mula sa kanya.

"H-hindi ko alam kung nasaan ang Juan Luna
painting, Christian. Iyon ang totoo," she said in
trembling voices.

"Ano ang ibig mong sabihing hindi mo alam?"
he almost screamed. "Ninakaw mula sa bahay na ito? Itinago?"

Umiling siya. "Marahil ay ipinagbili ni Papa
ang painting nang magkasakit si Mama, kasama ng ilang gamit. Hindi niya nabanggit sa akin. Ang kabuhayan natin ay unti-unting naubos nang mawala ka. Sa loob ng ilang taon ay hindi birong halaga ang ginastos ni Papa para matagpuan ka."

"Hindi iilang tao at agency ang binayaran niya. Ang ilan ay nagpapaasa para lang patuloy na makatanggap ng pera mula sa kanya. But you can't blame him. Nais ka niyang matagpuan... ang malaman kung ano talaga ang nangyari sa iyo."
Humarap siya rito. "Nahinto sa pagbibiyahe si Papa. Napabayaan ang asyenda at pagkatapos ay nagkasakit si Mama..."

"Sa maikling salita, Serena!" he said impatiently, angrily.

"Wala nang natitira sa kabuhayan natin. Ang
bahay at ilang ektaryang lupaing nakapaligid ay nakasanla sa bangko at malapit nang mailit..."

"Putang-!" marahas na mura nito na ikinagulat
nilang dalawa ni Tiya Adel.

"Christian?" gulat niyang usal. Huwag na ang
pagmumura nito kundi ang matinding kabangisan na nakita niyang sumungaw sa mga mata nito.

Inihilamos ni Christian ang kamay sa mukha at
ilang sandaling hindi kumibo na tila kinakalma ang sarili. Pagkuwa'y humarap ito sa kanya.

"Ipagpaumanhin mo, Serena. Nabigla ako sa
sinabi mo. Hindi mo ipinahiwatig sa akin iyan
magmula nang dumating ako..." wika nito sa
mababa nang tono. "At ang painting na iyon ay
hindi biru-biro ang halaga."

"Alam ko," mahinang usal niya. "Hindi ko rin
alam na ipinagbili ni Papa. Hindi ko sinabi sa iyo dahil ayokong mag-alala ka. Ginagawan ko ng paraan ang pinansiyal nating suliranin."

"Sa papaanong paraan?" Bahagyang tumaas
muli ang tono nito. "Ang sabi mo'y maiilit na ng
bangko ang kabuhayan ko..." Inikot nito ng tingin ang buong bahay bago ibinalik sa kanya. "Gaano katagal bago mailit ng bangko ang ari-arian ng mga Manzanares?"

"Dalawang buwan-"

"Dalawang buwan!" bulalas nito, hindi
makapaniwala. "Paano mong magagawan ng
paraan ang bagay na ito?" Nagpalakad-lakad ito sa buong sala.

"Ang suhestiyon ni Attorney Vidal ay ipagbili ang propiedad. May kaunting matitira sa atin kapag nabawas na ang halaga ng pagkakasanla at interes. Maaari tayong makapagsimula sa Maynila. May bahay tayo roon, Christian. Binili ni Papa matapos ang nangyari sa... sa dagat dahil mas madaling makipag-ugnayan doon sa mga awtoridad."

Biglang umangat ang mukha nito sa kanya.
"Magkano ang halaga ng bahay na sinasabi mo?"

She met his eyes squarely. "Hindi ko binalak
ipagbili iyon, Christian. Paano tayo kung pati iyon ay mawawala?"

"Magkano ang matitira sa atin, Serena, kung
ipagbibili ang asyenda at ang bahay na ito?" he
asked abruptly, hindi pa man niya halos natatapos ang sinasabi.

Muli silang nagkatinginan ni Tiya Adel. "Ayon
kay Attorney Vidal ay hindi kukulangin sa dalawang milyon..."

"Ganoon lang?" Hindi makapaniwalang sabi
nito. "Tantiya ko, ang bahay lang na ito'y hindi
kukulangin sa sampung milyon ang halaga. Ang lupa pa?"

Serena sighed wearily. "Matagal nang unti-
unting naisanla ni Papa ang ilang bahagi ng lupain. lilang ektarya na lang ang natitira. At sa nakalipas na halos anim na taon ay bahagi lang ng interes ang binabayaran ko sa bangko at nagkapatung-patong na iyon."

Sandali itong natigilan. Pagkuwa'y kumislap
ang mga mata nito nang muling humarap sa kanya.

"lyan ba ang dahilan ng pakikipag-ugnayan mo sa mga Atienza? Kaya ba ipinakita mo ang buong kabahayan? Interesado ba silang bilhin ang bahay at lupa?" excited at sunud-sunod nitong tanong.

Alanganin siyang umiling at tumingin kay Tiya
Adel na napapailing din. "H-hindi."

"Hindi?" Muling tumaas ang tinig nito. "Hindi
negosyo ang dahilan ng pagpunta rito ng mga
Atienza? Sosyalan lang? Kung ganoon ay sino
ang bibili ng propiedad, Serena? Kailan ang pinal na usapan?"

"Walang taong bibili ng Manzanares property,
Christian. Hindi ko balak ipagbili ang natitirang pag-aari ng mga Manzanares," she said, unaware of the determination in her voice.

"D-don't... sell... houssse..." her stepfather had
slurred the words. Umiiyak at nakadukwang siya rito upang marinig lamang ang sinasabi nito.
"Pain...ing... foorr....boors..." Hindi nagawang tapusin ni Edmundo ang sinasabi at binawian na ng buhay. At ni wala siyang naintindihan sa huling sinabi nito maliban sa huwag ipagbili ang villa.

"Ipaiilit mo sa bangko ang mga ari-arian ko?"
singhal ni Christian na nagpakislot sa kanya.

"Hindi, Christian. Magpapakasal ako kay
Jared Atienza upang matubos ang pagkakasanla ng ating mga ari-arian," she said with uncertainty.

Magpapakasal? She just met the man
yesterday. And she only had two months to
produce the money.

"Magpapakasal? Paano ka magpapakasal sa
isang lalaking kahapon lang ng umaga mo
nakilala?" Inulit lang nito ang laman ng isip niya.

"Problema ko na iyon," wika niya, itinaas ang
mukha.

"Ipagbili mo ang mga ari-arian." Nag-uutos ang tinig nito. "Bilang anak ay iyan mismo ang aking pasya!"

"But that would be our last resort, Christian,"
aniya. "Anyway, ayon sa abogado'y may naka-
handang buyer anumang sandali natin naising
ipagbili ang mga ito. Pansamantala'y ipaubaya mo muna sa akin ang paghanap ng solusyon."

"Sa loob ng dalawang buwan?" sarkastikong
balik nito. "Malabo ang gusto mong mangyari,
Serena. Gusto kong ipagbili ang mga ari-arian. Iyon ang pinakamabuting gawin mo. Bukas din mismo ay aasikasuhin ko ang bagay na iyan. Kakausapin ko kung sino man ang dapat na kausapin."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. "Nasa pangalan ko ang lahat ng mga natitirang ari-arian ni Papa, Christian."

Muli itong marahas na nagmura. "Inilagay ni
Papa sa pangalan mo ang mga ari-arian ko! Hindi ako makapaniwala! Isang malaking kalokohan ito!"

"Walang umaasang mula sa mga patay ay
babangon ka, Christian," sabat ni Tiya Adel sa
unang pagkakataon sa sarkastiko at mariing tinig.

Napalingon dito si Christian. Ilang sandaling
matalim na tinitigan ang matandang babae subalit ni hindi umiwas ng tingin si Tiya Adel. Si Christian ang unang nagbaba ng tingin.

Pagkuwa'y itinaas nito sa ere ang mga kamay.
"Sige, gawin mo ang sa palagay mo'y nararapat, Serena. Tiyakin mo lang na hindi mauuwi sa wala ang mga ari-arian ng Manzanares." He turned and
went out of the room.

KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart?Where stories live. Discover now