Day 27: Gabi

2 2 0
                                    

This poem is dedicated to Roxanne Catersang Rosagas.... Hope you like it...

Nakatingin sa kalangitan,
Puno ng talang kumikininang,
Nagbibigay ganda sa gabing kay lamig,
Kasama ang buwan na tila walang kulay,
Animo'y malungkot sa itaas.

Pinapakingan ang mga tunog ng kulig-lig,
Sa mga kanto ng bahay,
Nagbibigay ingay sa tahimik na gabi,
Animo'y maraming kwento gustong sabihin.

Pinakikiramdaman ang hampas ng hangin,
Mga balahibong tumatayo dahil sa lamig,
Hinahagkan ang sarili.

Sa gabing kay tahimik,
Pusong sabik,
Ika'y makitang muli.

Ngunit gaya ng buwan,
Ako'y nalulungkot sa aking nakikita,
Nauubusan ng liwanag,
Pag-asa na di ko man lang alam saan hahanapin.

Gaya ng kulig-lig,
Aking isipan puno ng katanongan,
Nagbibigay ingay sa akin,
Ngunit di ko masabi-sabi.

Gaya ng hangin,
Ika'y nanlalamig sa akin,
Yinayakap ang sarili.

Minyu's Diary Of Poems (ON HOLD) Where stories live. Discover now