Day 40: Babae Sa Puting Kwarto

1 1 0
                                    

Sa puting kwarto,
May dalagang dumadaing sa sakit,
Bakit nga ba siya naparoon?
Mga tubong nakatusok sa mahinang katawan.

Mga makinang nagbibigay buhay,
Sa kanyang humihinang katawan,
Maputla ang kanyang kulay,
Parang di nasisilayan ng araw.

"Ayoko na!"
Bukang bibig niya,
"Laban pa! Kaya mo yan!"
Payo nila.

Gusto na niyang magpahinga,
Ang katawan at pusong pagod,
Ngunit isipan niyang sumasalungat,
Ngunit unti-unting nawawalan ng lakas.

"Gusto ko na magpahinga."
Munting saad niya sa kesameng puti.
Ngunit pala isipan sa kanya ang magiging mangyayari,
Sa munting sigundo lumaban siya para sa sarili.

Minyu's Diary Of Poems (ON HOLD) Where stories live. Discover now