Day 30: Senaryo

3 3 0
                                    

This poem is dedicated to Kimberly Monforte.... Hope you like the poem.

Munting mga bulaklak ika'y, namumulaklak,
Sa malawak na hardin.
Kasama ang mga ibong humuhuni,
Kantang kay gandang pakinggan.
Mga damong sumasayaw,
Kasabay ang himig at lamyos ng hangin.
Sa bughaw na kalangitan,
Munting senaryo makikita.
Kay gandang tingnan,
Aking pagod at lungkot ay mawawaglit.

Minyu's Diary Of Poems (ON HOLD) Where stories live. Discover now