Day 41: Liham

1 1 0
                                    

Sa buwan na tayo'y nagkakakilala,
Hindi ko namalayan ang damdamin,
Aking puso ika'y hinahangaan,
Sa mahikang hindi ko alam kung saan ng galing.

Ako'y taong may pusong sawi,
Ayaw na magmahal muli,
Sa mga nakaraan nakaukit,
Sa pusong hindi na humihilom.

Ngunit hindi maintindihan ang sarili,
Hindi dapat ito ang aking nararamdaman, yan ang aking sinasambit,
Kaibigan kita at yun lang dapat.

Hindi ko pinipilit,
Ako'y nag papasalamat,
Ika'y nandiyan sa pagod na puso,
Pinapangiti ang labing humihikbi.

Kung Ako'y magsusulat ng liham para sayo,
Sa Pebrerong nakalipas na,
Wala akong ibang sasambitin kundi salamat,
Salamat sa lahat aking kaibigan.

Minyu's Diary Of Poems (ON HOLD) Where stories live. Discover now