Day 56: Paumanhin Maria Clara

2 2 0
                                    

Paumanhin,
Sapagkat hindi ako ang babaeng kay hinhin,
Suot ang saya na gandang tingnan, 
Habang ako ay nakasuot ng tshirt at isang short na kay ikli naman.

Paumanhin Clarita,
Pagkat ako'y isang binibining hindi magiging tulad mo,
Pangit ng aking kinagisnan,
Mukha ang pataasan,
Talo ang kay pangit na tulad ko.

Hirap maging isang babaeng gustong-gusto ng pagmamahal,
Dahil hindi isang Crisostomo ang aking nakaharap,
Isang mapanggap at taksil,
Sinugatan lang aking pusong kay lambot.

Ako'y binibining hindi ka tulad mo,
Sapagkat ako ay na mulat sa ibang panahon,
Kung saan ang pag-ibig ay sinusukat sa namumulaklak na mga salita,
Ngunit puno ng kasinungalingan lamang.

Paumanhin Maria Clara,
Ako'y na mulat sa maling panahon,
Ngunit hindi gaya mo ay may lalaking nagmamahal sa'yo,
Isa lamang hamak na hangal sa pag-ibig ang isang tulad ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Minyu's Diary Of Poems (ON HOLD) Where stories live. Discover now