Chapter 2

28K 692 121
                                    

NAKAUPO AKO sa sala habang nakaharap sa laptop nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa main door ko. Hinintay ko lang saglit na pumasok si Salem sa sala.

"Yow!" Biti niya sa 'kin saka siya umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot nuo kong tanong kay Salem.

Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkos ay may inilapag siya sa harap ko na invitation card. Pinulot ko naman 'to at agad binuksan.

"Pumunta ka sa binyag ng pangalawa kong anak na si Hannah." Sabi niya sa 'kin. Naka pikit ang mga mata niya habang naka sandal sa likod ng upuan.

"Naliligo ka pa bang hayop ka?" Tanong ko dahil sa hitsura niya.

Agad 'tong nag mulat ng tingin at tumingin sa suot niyang damit. Mahina akong natawa ng mapamura siya ng ilang beses dahil ngayon lang niya napansin na may kunting mantsa ang damit niya sa harap. I think, poops 'yun ng anak niya.

Sinamaan niya ako ng tingin ng makita niyang gumalaw ang balikat ko dahil sa pagtawa. "Sige. Tumawa ka lang. Kapag ikaw ang nagka anak, tignan ko lang kung saan ka pupulutin." Inis niyang sabi habang pinupunasan ng wipes ang damit niya na nakuha niya sa mesa ko.

"Tignan mo nga hitsura mo! Natutulog ka pa ba?" Tanong ko saka sumandal sa likod ng upuan.

Mangiyak-ngiyak siyang naka tingin sa 'kin na parang mag susumbong sa talambuhay niya. "Ngayon ko lang nalaman na ang hirap pala kapag new born ang baby, bud. Kaya ayon, lagi akong nasayaw kapag gabi hanggang madaling araw." Sumbonh niya sa 'kin kaya agad akong napangiwi.

"Dagdagan mo pa anak mo para tuluyan ka ng pumangit." Pang-aasar ko.

"Gwapo parin ako kahit puyat ako, bud. Hindi nakakabawas ng ka pogian ko ang puyat-puyat na yan." Mahangin niyang sabi.

"Tumingin ka nga sa salamin.. muka kang panda dahil sa lalim ng eye bags mo." Sabi ko kaya agad siyang napatayo at agad naghanap ng salamin sa bahay ko. Pinabayaan ko nalang si Salem sa ginagawa niya. Umayos ulit ako ng upo at agad nilipat ang ginagawa ko sa lagi kong pinapanood.

Napangiti ako ng makita ang babae na naglalakad papunta sa apartment niya habang hawak-hawak ang batok niya. Mukang stress yata siya ngayong gabi dahil sa nangyari kaninang hapon.

Napangiti ako ng maalala ko kanina ang nangyari. Sinadya ko talagang bangain ang kotse niya para habulin ako ng babaeng pulis.

Nagulat ako ng biglang sumuplot si Salem sa balikat ko at tumingin sa pinapanood ko. "Walangya ka! stalker kana ba ngayon?" Sabi niya habang pinapanood ang babaeng pulis.

Agad kong isinara ang laptop at mabilis siyang sinuntok sa balikat. Tumatawa naman siyang umupo sa kaharap kong upuan habang nakakalokong nakatingin sa 'kin.

"Uyy.. nag bibinata na talaga siya." Nakangisi niyang sabi saka malakas na tumawa na parang baliw. Wala pa naman akong pinagsasabihan na pinapanood ko ang babae. Ang alam lang ng mga kaibigan ko ay lagi akong binabasted ng babaeng pulis pero ang totoo, hindi pa talaga ako nagpapakilala sa babae. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Kaya lagi ko nalang siya sinusundan kahit saan siya magpunta. Kapag umuuwi naman ang babae sa apartment niya ay inaabangan ko siya sa cctv.

Matalim ko siyang tinignan saka ko siya binato ng sapatos ko na mabilis niyang nasalag.

"Teka.. tuli ka na ba?" Pang-aasar niya sa 'kin kaya agad akong tumayo para suntukin siya. Ngunit, mabilis siyang nakatakbo papunta sa pinto.

"Atticus hindi tuli!!" Sigaw ng gago habang tumatakbo palabas. Hinabol ko pa siya para sana saksakin ngunit mabilis 'tong naka labas ng gate.

Lumabas din ako habang tinatanaw si Salem na tumatakbo sa kalsada. "Wag kang magpapakita saking animal ka!!" Sigaw ko habang itinataas ang kutsilyong hawak ko. Tumawa naman siya ng malakas habang tumatakbo. Gago talaga!

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now