Chapter 5

25.1K 672 73
                                    

BUMANGON AKO sa kama at nagmamadaling tinungo ang banyo. Napasarap yata ang tulog ko kaya hindi ko na narinig ang tunog ng alarm clock ko.

Halos naka tatlong buhos lang ako sa sobrang pagmamadali ko dahil mag pa-patrol pa naman ako ngayong araw.

Nagmamadali akong sinuot ang uniporme ko at agad sinuklayan ang buhok ko. Sa kotse nalang ako mag-aayos ng buhok dahil basa pa ang buhok ko. Pagkatapos ko ay agad kong chineck ang sarili ko kung may kulang pa ba sa 'kin. Nang masiguro kong kompleto na ay agad akong lumabas ng apartment ko saka 'to nilock.

Halos takbuhin ko na ang pagbaba ng hagdan para makababa ako agad. Malalaki ang mga hakbang ko na tinungo ang nakaparadang sasakyan ko sa harap ng apartment.

Akmang sasakay na sana ako ng mapansin ko ang gulong sa harapan ng kotse ko. Napayuko ako para icheck 'to at halos mag mura ako ng makita ko ang gulong ko na parang sinadyang binutasan. Hinaplos ko ang butas saka napa mura ulit dahil halatang patalim ang ginamit sa pag butas nito.

Piste talaga ang gumawa nito. Kabago-bago ko palang pinaayos ang sasakyan ko dahil do'n sa lalaking bumangga ng kotse ko tapos ngayon.. ito na naman. Another gastos na naman ako, punyemas na buhay 'to.

Umayos ako ng tayo para maghanap ng masasakyan. Kung kailan nagmamadali ako saka pa nangyari talaga 'to. Mamaya talaga, kukunin ko ang kuha ng cctv malapit sa apartment namin para makita ko kung sino ang gumawa.

Akmang hahakbang na sana ako para tumawid sa kabilang kalsada ng may humarang sa 'kin. Sa kamalas-malasan pa 'tong lalaki na naman 'to ang nakita ko. Mas lalo lang tuloy nasira ang araw ko.

"Need ride?" Tanong niya sa 'kin. Alam kung nakatitig siya sa 'kin kahit may suot siyang sunglass. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at agad napangiti ng makita kong naka benda 'to.

Agad akong umiwas ng tingin bago ako sumagot sakanya. "Wag na!" Tipid kong sagot at agad na nilagpasan siya.

Tumawid ako sa kabilang kalsada at nag abang ng taxi. Wala kasing jeep na dumadaan dito kaya taxi nalang ang sasakyan ko. Nalukot ang mukha ko ng makita ko ang kina-iinisan kong lalaki na nakatayo habang nakasandal sa sasakyan ko.

Nakaharap ito sa gawi ko na para bang pinagmamasdan ang mga galaw ko. Hindi ko nalang siya pinansin. Kanina pa ako nakatayo dito pero walang dumadaan na taxi kahit isa man lang. Anong kamalasan ba ang nangyayari sa 'kin ngayon at talagang nagsabay-sabay pa.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at agad naglakad kung saan ang daanan ng jeep. Medyo malayo ang lalakarin ko kaya nagmamadali akong naglalakad.

Pero agad akong napahinto ng may humawak sa kamay ko. Masama kong tinignan ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan, wala din naman akong paki sa pangalan niya. Pwede na siguro ang kutong lupa dahil gustong-gusto ko na siyang tirisin.

"Pwede ba! Wala akong oras sa mga kalokohan mo." Seryoso kong sabi saka hinila ang kamay ko na hawak niya.

"Ihahatid kita sa presinto." Sabi niya na mas lalo lang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Hindi ka ba nakakaintindi sa sinabi ko kanina?" Tanong ko sabay inirapan siya.

"Malalate ka na 'di ba?" Tanong niya na agad ikina-kunot ng nuo ko. Paano naman kaya niya nalaman na mala-late ako.

"C'mon, ihahatid kita. Pambawi ko man lang sa ginawa ko n'ong isang gabi." Sabi niya saka ako hinila. Nagpatianod lang ako sakanya habang tumatawid kami sa kabilang kalsada. Naglakad siya papunta sa bmw niyang kotse at agad niya akong pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat. Mukang mayaman yata 'tong lalaking 'to dahil paiba-iba siya ng kotse. Nong binangga  niya ang kotse ko ay gamit niya ang porsche na sasakyan at n'ong napagkamalan ko siyang ka blind date ko ay Lamborghini ang gamit niya.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon