Chapter 22

20.5K 574 47
                                    

NAKA TULALA AKO habang naka salampak ng upo sa garden nila Ruwi. Dito ako agad pumunta ng malaman ni August ang tungkol sa maskara.

I know malalaman at malalaman niya ang tinatago ko pero hindi ko lang inaasahan na ngayon niya malalaman. Gusto ko sanang sabihin sa kanya yun ngunit nag hahanap lang ako ng tamang oras at panahon.

Tumingin ako sa madilim na kalangitan at mapait na ngumiti.

"Bakit dyan ka naka upo?" biglang sulpot ni Ruwi sa likod ko saka 'to umupo din sa lupa.

"Anong gagawin ko, Ruwi?" tanong ko sa kaibigan ko.

Inabotan naman niya ako ng beer na naka bukas na kaya agad kong inabot 'yon saka tinungga.

"Hindi naman ikaw ang pumatay sa ama niya," saad ni Ruwi.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Ruwi. Kung sasabihin ko kay August ang totoo.. makukulong naman ang kaibigan nating si Nuroi. Ayaw kong mangyari yun lalo na't may pamilya siya. Kapag hindi ko naman sinabi kay August ang totoo ay mas lalo lang siya magagalit sakin." malungkot kong sabi.

Nong nag kwento si August na pinatay ang ama niya sa lalaking naka maskara ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Ayaw ko lang sabihin ang totoo dahil ayaw kong mapahamak ang kaibigan kong si Nuroi.

Balak ko sanang.. akuin ang kasalanan ni Nuroi, ngunit ayaw pumayag ni Ruwi. Walang ka-alam-alam ang kaibigan namin na matagal na pala siyang hinahanap ni August.

Kaya naman pala nong una kaming nagkita ni August ay galit na galit siya sakin. Tinawag pa niya akong kriminal nong gabing yun dahil sa suot kong maskara na katulad kay Nuroi.

"Baka bukas, Ruwi ay huhuliin na ako." saad ko kay Ruwi na tumutungga ng beer.

"Wag mo ng ituloy ang binabalak mo, Atticus. Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon kapag sinalo mo ang kasalanan ni Nuroi." saad niya sakin.

"Anong gusto mong gawin ko? Ang ipahamak ko si Nuroi? Wala sa samahan natin ang laglagan, Ruwi. Kaya ayaw kong sabihin kay August ang totoo." saad ko.

"Yeah, wala nga sa vocabulary natin ang salitang laglagan. Pero nasa vocabulary natin ang walang iwanan, Atticus. Kaya hindi kita iiwan sa problemang kinakaharap mo, gagawa tayo ng paraan.. mas maganda kung malalaman ni August ang totoo at hindi ang kasinungalingan, Atticus." sabi ni Ruwi saka ako inakbayan sa balikat.

"Wag kang mag-alala kay Nuroi, hindi ko naman siya pababayaan. Sa katanuyan ay nandito siya ngayon para upakan ka," naka ngising sabi ni Ruwi. Naramdaman ko namang may malakas na bumatok sa ulo ko kaya agad akong lumingon sa likod ko.

"Abnormal ka talaga kahit kailan," saad ni Nuroi saka umupo sa tabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong niya sakin saka inagaw ang beer na hawak ko saka ito tumungga.

"Para ano pa? Para makulong ka?" tanong ko sakanya.

"Gago! Bakit mo aakuin ang kasalanan ko eh, hindi naman ikaw ang gumawa n'on." saad ni Nuroi.

"Hinahalungkat na ni Lord ang dating gawain ng ama ni August," biglang saad ni Ruwi.

"Sinong Lord? Yung nasa itaas ba?" takang tanong ni Nuroi kay Ruwi, maging ako ay kumunot din ang nuo habang hinihintay ang sagot ni Ruwi.

"Nahh! Lucian's tracker," sagot niya saka tumungga ulit ng beer.

"Tracker? May bago siyang tracker?" tanong ko sakanya dahil naka trabaho ko na ang tracker ni boss Lucian.

"Yeah. Hinahanap na niya ang ibang detalye sa ama ni August. Asahan mong ibabaliktad ko ang mangyayari, Atticus." naka ngising sabi ni Ruwi kaya bigla akong kinabahan.

Assassin Series 7: Atticus RomeroUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum