Chapter 18

24.9K 596 23
                                    

NAGLALAKAD AKO palabas ng presento at agad nakita ang naka ngiting mukha ni Atticus. May dala pa 'tong bouquet habang naka sandal ang likod niya sa kotse.

Mabuti nalang at hinatid niya ako kahapon sa apartment ko. Matapos niya akong takutin gamit ang dalawang aso para lang sagotin siya ay wala na akong nagawa. Natawa pa ako kahapon dahil nilagay niya sa reminders ng cellphone niya ang monthsary kuno namin.

Nangako siya sakin na araw-araw daw niya akong liligawan. Kaya siguro may dala siyang bouquet, ang akala ko nga ay hindi niya ako susunduin ngayong hapon dahil may inaasekaso daw silang dalawa ng kaibigan niya tungkol sa negosyo.

Napa-iling nalang ako habang naglalakad patungo sa kanya. Naalala ko kasi ang una naming pagkikita ni Atticus, lagi kasing seryoso ang mukha niya at hindi ko malaman kong pinaglihi ba siya sa sama ng loob dahil laging naka simangot. Ngunit, napapansin ko na simula ng kulitin niya ako ng kulitin ay ngumingiti na siya. Mas bagay sakanya ang seryoso niyang mukha pero mas lalo siyang gum'gwapo kapag naka ngiti.

"Hi, moya Iyubov, miss me?" tanong niya sakin ng makarating ako sa harap niya.

Agad kong iniling ang ulo ko saka siya tinaasan ng kilay. "Hindi kita na miss no!" masungit kong sagot sakanya.

"Kunwari ka pa, moya Iyubov, ayaw mo pang umamin," naka ngiti niyang sabi.

Hindi ko nalang siya sinagot at hinihintay na ibigay niya sakin ang hawak niyang bouquet. Pero, hindi niya inabot 'to agad, mas lalong tumaas ang isa kong kilay saka ko tinuro ang hawak niyang bouquet. "Para sakin ba yan?" lakas loob kong tanong sakanya.

"Hindi eh, pinabili lang 'to sakin, moya Iyubov." sagot niya kaya medyo napahiya ako. Expected ko pa naman ay para sakin ang hawak niyang bouquet.

"Para kanino ba yan?" tanong ko sakanya.

"Para sa nililigawan ko," sagot niya kaya agad ko siyang binatukan.

"Walangya ka! May nililigawan ka palang iba. One day palang tayo pero nagkasala kana sakin, Atticus. Babarilin na talaga kita," inis kong sabi sakanya saka piningot ang isang tengya niya.

"Aray! Aray! My love. Joke lang yun, syempre ikaw lang yung nililigawan ko kahit mukha kang tigre kapag nagalit," naka ngiwi niyang sabi.

"Ahh tigre pala ha!" saad ko saka mas lalong piningot ang teynga niya.

"Fuck! Masakit, baka mabingi ako at hindi ko marinig ang mga ungol mo, moya Iyubov." saad niya. Puro kalandian ang nasa katawan ng lalaking 'to, kailangan ko na yatan 'tong budburan ng asin para ma-cleansing ko.

Binitawan ko ang teynga niya saka ko siya inirapan. "Magsabi ka nga sakin ng totoo.. may nililigawan ka bang iba?" tanong ko sakanya.

"Wala ahh, binibiro lang talaga kita. Lalo ka kasing gumaganda kapag nagagalit ka eh," sabi niya habang hinahaplos ang teyngang piningot ko.

Hindi ako naka sagot sa sinabi niya kaya inagaw ko ang hawak niyang bouquet. Mahina siyang natawa saka hinawakan ang isa kong kamay at dinala niya 'to sa labi niya saka dinampian ng halik.

"Date tayo, moya Iyubov." sabi niya habang mapupungay ang matang naka tingin sakin.

Tumango nalang ako kaya pinag buksan niya ako ng pintuan ng kotse. Pumasok naman ako saka isinara ni Atticus ang pinto saka nag lakad patungo sa driver seat.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya ng makapasok 'to sa loob.

"Saan mo ba gusto kumain?" balik tanong niya sakin.

"Wala akong idea eh," sagot ko saka isinandal ang likod ko sa likod ng upuan. Ikinabit naman ni Atticus ang seatbelt ko saka niya dinampian ng halik ang labi ko.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now