Chapter 9

27.5K 651 54
                                    

WALA AKONG pasok ngayong araw. Nag leave muna ako ng three days para makapag pahinga ng maayos. Inaprobahan naman agad ang request ko lalo na't alam nila na hindi naging maayos ang araw ko simula ng mangyari ang hostage taking.

Nasa apartment lang ako habang nakahiga sa kama at nanonood ng balita sa cellphone ko. Ngunit agad akong napabalikwas ng bangon ng may marinig akong katok sa labas ng pinto ko.

Kumunot ang nuo ko kung sino yun saka naglakad papunta sa pinto para pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Agad bumungad sa paningin ko ang matamlay na mukha ni Atticus.

Hindi ko alam kung bakit naka pasok ang lalaking 'to sa building na 'to. Ang alam ko kasi ay mahigpit ang may-ari dito at hindi basta-basta nagpapasok kung hindi naman taga dito nakatira, pwera nalang kung pinapasok ng tenants.

Pinasadahan ko siya ng tingin bago ako nagsalita. "Ano na naman ginagawa mo dito ha?! At pano ka naka pasok?" Tanong ko sakanya.

Hindi naman 'to sumagot agad, napaka seryoso ng mukha niya habang nakatitig sa 'kin. Nagulat ako ng hawakan niya ang isang kamay ko at inilagay 'yon sa nuo niya. Naramdaman ko naman na mainit siya, nilagnat pa yata sa ka bastosan niya.

"Nilalagnat ako." Matamlay niyang sabi. Agad ko namang hinila ang kamay ko at naka pameywang sa harap niya sabay taas ng isang kilay.

"Eh, alam mo naman palang nilalagnat ka, bakit pakalat-kalat ka." Sabi ko saka inirapan siya.

Ngumuso naman siya sa 'kin at nagpapaawa ang mukha niya. "Alagaan mo ko," saad niya.

Pinandilatan ko naman siya ng mata ko saka ako nagsalita. "Bakit naman kita aalagaan? Hindi naman kita ka ano-ano." Sabi ko sakanya. Mas lalo lang siyang ngumuso sa harap ko.

"Baby mo naman ako eh," sabi niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.

"Kailan pa kita naging baby? Umuwi kana nga sa inyo para magkapahinga ka!" Inis kong sabi.

"Ayaw! Wala namang mag-aalaga sa 'kin do'n. Dito nalang ako sa'yo. Sige na, amponin mo muna ako." Naka nguso niyang sabi.

Kumunot ang nuo ko ng mapansin ko ang mga kamay niya ay nakatago sa likod niya na para bang may tinatago. "Ano yang nasa likod mo?" Tanong ko sakanya at baka kung ano na ang dala niya.

"Damit ko." Tipid niyang sagot saka pinakita ang isang travelling bag sa 'kin. Nanlaki naman ang mata ko at napa kurap-kurap nalang sa lalaking 'to.

"Aba, matindi ka! Nagdala ka pa talaga ng gamit mo. Umuwi kana nga!" Sigaw ko saka umatras papasok para sana isara ang pinto. Ngunit, mabilis na hinarang ni Atticus ang isang paa niya dahilan para hindi ko maisara.

"Nahihilo ako, August. Alagaan mo naman ako." Sabi niya habang sapo ang kanyang ulo.

Napabuga ako ng hangin ng may dumaang mga tao at nakatingin samin ni Atticus. Hinila ko nalang si Atticus papasok saka piningot ang teynga niya.

"Aray! Aray! Aray!" Daing niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa teynga niya.

"Sabi ko alagaan mo ko," saad niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko. "Manahimik ka!" Inis kong sabi saka binitawan ang teynga niya.

"Doon ka!" Sigaw ko sabay turo sa kama ko. Agad naman siyang naglakad sa higaan at tinanggal ang sapatos niya at pina-ilalim 'yun sa ilalim ng kama ko Humiga siya sa kama kahit hindi ko naman sinabing humiga siya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at walang choice kundi magluto ng pagkain para sa bwesita ko. Imbis na day off ko ngayong araw, ginugulo naman ako ng hinayupak na 'to.

Pero nanalo ang konsensya ko ng maisip ko ang pag sagip sa 'kin ni Atticus. Nag simula na akong mag-saing saka kumuha ng noodless sa lagayan ng pagkain ko. Pag talagang nag-inarte siya sa niluto ko ibubuhos ko talaga 'to sakanya.

Assassin Series 7: Atticus RomeroNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ