Special Chapter II

22K 634 141
                                    

NAKASANDAL AKO SA LIKOD ng upuan habang nakikinig kay Lucifier sa kabilang linya. Inutusan ko kasi 'to na ibili ako ng alak dahil nasa grocery naman na siya.

Kanina pa niya ako pinapangaralan ng kung ano-ano kaya nalukot ang mukha ko. May balak yata 'tong maging pastor.

"Oo na," sagot ko nalang kay Lucifier para matapos na.

"Umayos ka Atticus. Hindi yung alak ka ng alak. Akala mo ba hindi nag susumbong si Xanth samin. Ipalo ko kaya sa ulo mo ang bote ng alak, gusto mo?" saad niya kaya nalukot ang mukha ko lalo.

"Nagsumbong ang anak ko? Kailan?" tanong ko.

"Matagal na. Lagi ka nalang daw umiinom ng alak," saad ni Lucifier kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.

Pagkatapos ko kasing patulugin si Xanth sa gabi ay agad akong pumupunta sa terrace para uminom. Ginagawa ko yun para maibsan man lang ang lungkot ko. Gustong-gusto ko na talagang makita at mayakap si August. Mababaliw na yata ako kaya dinadaan ko nalang sa paglaklak ng alak.

Akala ko talaga ay hindi alam ni Xanth pag lalasing ko. Lagi ko lang kasing pinapakita sakanya na ang iniinom ko ay yung hindi nakaka lasing kaya ayos lang sakanya na samahan ako habang umiinom siya ng chuckie.

"Alam kong may pinagdadaanan ka. Ngunit alalahanin mo din ang anak mong si Xanth. Magaling magkunwari ang anak mo na ayos lang siya pero ang totoo ay sinasarili niya lang ang lungkot. Manang mana sayong gago ka!" saad ni Lucifier sa kabilang linya.

Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita. "Bilhan mo nalang ng chuckie ang anak ko," saad ko.

"Good. Akala ko magpapahampas ka sa ulo eh," saad ni Lucifier saka pinatay ang tawag.

Tumingala ako sa kisame habang iniisip ang mukha ni August. "I miss you, moya Iyubov." bulong ko sa hangin. Uminit ang gilid ng mata ko kaya agad kong pinahid yun dahil alam kong tutulo na naman ang luha ko.

Baka maabutan pa ako ni Xanth at mapansin ang mga mata ko. Matalas pa naman ang mata n'on.

Umayos ako ng upo at halos magulat ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig 'to sakin. Magulo ang buhok nito habang naka suot ng leather jacket kahit mainit naman ang panahon.

Masama ko siyang tinignan saka ako umayos ng upo. "Gago kaba? Bakit ka ng gugulat?" tanong ko sa animal na Genesis na 'to.

"Kanina pa ako tumatawag sa'yo, pero hindi mo naman sinasagot. Kaya naman pala.. nag e-emot ka pala dyan! Gusto mo mag patugtog ako ng gintong araw?" saad niya. Pinakita ko lang sakanya ang gitnang daliri ko kaya ngumisi lang 'to sakin.

Umupo si Genesis sa katapat kong upuan saka niya tinanggal ang suot niyang leather jacket. "Potek ang init," reklamo niyang sabi.

"Sino ba naman kasing nag sabi sa'yo sa mag leather jacket ka? Mukha kang tanga!" pangbabara ko sa get up niya.

"Pakyu ka! Matapos kong gawin ang lahat para sa'yo, tapos sasabihan mo lang tanga ang outfit ko," madrama niyang sabi habang naka hawak sa dibdib niya. Hindi ko alam kung saan napulot ni Ruwi at Lucian ang mga tauhan nila. Mga abnoy kasi lalo na yung si Lorcan.

"May balita kaba?" tanong ko sakanya dahil hindi naman 'to basta basta lumalabas sa lungga niya.

"Oo. Pero dahil inaway mo ang leather jacket ko hindi ko nalang sasabihin," saad niya kaya nalukot ang mukha ko.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now