Chapter 6

24.3K 630 160
                                    

NAGLALAKAD AKO PALABAS ng presento habang hinihimas ang batok ko. Nakakapagod ngayon ang araw ko pero ayos lang naman. Hindi ako naka kain ng pananghalian kanina, hindi ko kasi kinain ang pagkain na binigay ng lalaking yun. Binigay ko sa mga kasamahan ko na halos tuwang-tuwa dahil halatang masasarap ang mga pagkain.

Habang kumakain sila ay panay lang din ang tingin ko sakanila, gusto ko sanang kumain ngunit sa t'wing naiisip ko na galing yun kay Atticus ay nawawala ang gutom ko.

Napabuga ako ng hangin ng maalala ko ang nangyari sa kotse ko kaninang umaga. Kailangan ko tuloy mag commute pauwi.

Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Atticus na nakatayo na para bang hinihintay ako, mukang hindi yata siya umuwi simula pa kanina.

Nang makalapit ako sakanya ay agad niyang inilabas mula sa likuran niya ang isang bouquet. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa hawak niya. Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Atticus at sa hawak niyang bouquet.

"Para sayo," saad niya.

Hindi ko tuloy alam kung tatanggapin ko ba ang inaabot niya sakin. Tumikhim ako saka pinalibot ang tingin bago ko tinanggap ang bouquet na hawak niya kaya napangiti ang lalaki.

"Tae kaba?" tanong niya sakin na may ngiti sa labi.

Masama ko siyang tinignan saka ko hinampas ang hawak kong bulaklak sa katawan niya. "Bwesit ka talaga! Gusto mong ingud-ngud kita sa lupa!!" sigaw ko sakanya sabay hampas ulit ng bulaklak sakanya. Todo ilag naman 'to sa ginagawa ko habang naka ngiwi.

"Dapat kasi sinagot mo ang sinabi ko ng bakit?
pick-up line kaya yun." seryoso niyang sabi kaya hinampas ko na naman siya ulit.

"Abnormal ka talaga! Kailan mo ba ako lalayuan ha?!" sigaw ko sakanya saka hinagis ang bulaklak sakanya.

Nasalo naman niya ito at malungkot na nakatitig sa bouquet. Nasira na kasi dahil sa paghampas ko sakanya. Na guilty tuloy ako habang nakatingin kay Atticus na nakatitig parin sa hawak niyang bouquet.

Shit, kaya ayaw kong maka panakit ng damdamin dahil alam kung hindi ko mako-kontrol ang sarili ko kapag nainis ako.

Ibinaba ni Atticus ang kamay niya na may hawak ng bouquet habang naka yuko. Dahan-dahan siyang tumalikod sa gawi ko saka ito naglakad palayo sakin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa papalayong si Atticus. Kinakain talaga ako ng konsensya ko. Ang hirap maging masama at the same time may pusong anghel.

Naglakad ako ng mabilis hanggang sa nahabol ko si Atticus. Agad kong inagaw ang hawak niyang bouquet dahilan para huminto siya sa paghakbang. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sakin. 

"Ahm.. binigay mo 'to sakin diba? Kaya akin na 'to." saad ko saka nag-iwas ng tingin kay Atticus.

"Itapon mo nalang yan," Malamig niyang sabi saka ito naglakad ulit.

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin kay Atticus. Mukang nainis talaga siya sa ginawa ko kanina.

Tumalikod nalang ako saka naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Bahala siya kong magalit man siya sakin. Mas mabuti narin yun para hindi na niya ako guluhin or puntahan dito.

Nang makarating ako sa sakayan ay agad akong sumakay. Hawak-hawak ko parin ang bouquet na sira-sira na, nabali pa nga ang iba habang ang ibang rose ay nawalan ng petals.

Hindi pa naman umaandar ang jeep dahil kailangan mapuno muna ito, kulang pa kasi ng tatlong pasahero. Nakatitig lang ako sa babaeng nag
ce-cellphone na naka upo malapit sa pintuan ng jeep. Nang may biglang lumapit na lalaki kung saan kami ako nakasakay. Ang akala ko ay sasakay ito ngunit agad akong napatayo ng mabilis niyang hinablot ang cellphone ng babaeng naka upo malapit sa pintuan ng jeep.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon