Chapter 8

24.7K 626 102
                                    

PUMUNTA AKO SA bahay nila Ruwi dahil birthday nilang mag-asawa. Destiny talaga silang dalawa ng asawa niya, magkapareho pa sila ng birthday talaga.

Kasama ko si Salem na nagsusulat sa papel dahil tatayaan daw niya sa lotto ang birthday ni Ruwi at boss Lucian.

"April 18, tapos ang edad ni Ruwi 30 tama ba?" Tanong sa 'kin ni Salem. Tumango nalang ako sa kalokohan niya.

"Si boss Lucian naman ay 32 or 33?" Tanong na naman niya ulit sa 'kin.

"Bakit hindi mo tanungin si boss Lucian mamaya," walang buhay kong sagot sakanya.

"Sinasabi ko sayong tangina ka! Hindi kita bibigyan ng balato kapag nanalo ako." Pagbabanta niya
sa 'kin. Hindi nalang ako umimik sa tabi niya.

Tumabi ako sa gilid ng may makasalubong kaming kotse. Huminto pa 'to sa harapan namin ni Salem kaya napatigil sa pagsusulat si Salem.

Bumaba ang bintana ng kotse at isang matandang babae ang nakita namin. "Excuse me, magtatanong lang sana ako kung saan ang bahay ni Mr. Plaza. Kanina pa kasi ako paikot-ikot pero hindi ko mahanap ang house number." Mahabang sabi ng matandang babae.

"Ahh.. si Mr. Plaza po ba?" Tanong naman ni Salem sa matandang babae habang ang isang kamay niya ay nasa baba niya.

Kumunot ang nuo ko habang nakatingin kay Salem. "Kilala mo ba?" Tanong ko sa gago kong kaibigan.

"Hindi." Sagot niya habang nagkakamot sa likod ng ulo niya. Mabilis ko naman siyang binatukan sa ulo. Parang tanga kasi.

Nakangusong nagkakamot si Salem sa ulo niya saka kinausap ulit ang babaeng nagtatanong samin. Ayaw kong makipag usap dahil wala ako sa mood simula pa kagabi. Inaway na naman kasi ako ng malditang si August. Kapag talaga hindi ako nakapagtimpi sa babaeng 'yon didilaan ko na talaga lahat ng katawan niya.

Naglakad ako ulit at hinayaan nalang si Salem na nakikipag usap sa matandang babae. Napahinto lang ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko na sobrang lakas.

Agad kong kinuha sa likod ng pantalon ko saka tinignan ang nangyayari. Nag install kasi ako ng device sa cellphone ni August na hindi niya napapansin.

Napamura ako habang nararamdaman ang takot ni August dahil na de-detect nito kung anong nararamdaman ni August. Hindi na ako nagpaalam kay Salem na hanggang ngayon ay nakikipag chikahan parin sa babaeng matanda.

Agad akong naglakad pabalik ng bahay ko saka ako sumakay sa naka paradang kotse ko sa labas saka pinaharurot 'to.

I need to make sure that August is safe. Sinusundan ko lang ang red dot na nag bli-blink sa cellphone ko hanggang sa makarating ako sa mataong lugar.

Iginilid ko lang ang sasakyan ko saka ako bumaba at agad na tumakbo sa maraming taong nag kukumpolan. Tumingala ako sa ika-tatlong palapag at agad nakita si August hawak ng isang lalaki sa leeg habang nakatutok ang baril sa ulo ng babaeng mahal ko.

Umalis ako sa nagkukumpolang mga tao at mga pulis na naka palibot sa paligid. Dumaan ako sa likod at naghanap ng pwedeng daanan ko.

Nang wala akong mahanap ay agad kong sinira ang naka kandadong gate. Sinipa-sipa ko 'to habang nakikinig sa lalaking nagsasalita sa megaphone.

Nagtagumpay ako sa pag sira ng gate saka ako dahan-dahang pumasok sa loob. Naghanap ako ng pwede kong maakyatan para makapunta sa building kung saan na hostage si August.

Nang maka akyat ako ay agad kong itinapak ang isa kong paa sa sahig habang nakatingin sa paligid. Naglakad ako papunta sa kwarto kung nasaan si August at ang hostage taker.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now