Special Chapter I

23K 560 94
                                    

NAKA ABANG LANG AKO sa anak kong si Xanth sa labas ng gate habang hinihintay ko siyang lumabas. Kanina pa ako dito pero hindi parin lumalabas ang anak ko. Balak ko na nga sanang pumasok sa gate ng school ng makita ko ang anak kong si Xanth na naglalakad papunta sa gate.

May kasama ang anak ko na matangkad na babae na duda ko ay teacher niya dahil naka suot 'to ng uniform habang may naka sukbit 'to na folder sa kaliwa niyang braso.

Nag-angat ng tingin ang anak ko kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Titig na titig ako sa anak ko na parang hindi komportable sa kasama niyang babae. Kilala ko ang anak ko, alam ko kapag hindi niya gusto ang isang tao dahil ganun din ako.

"Papa!" tawag sakin ng anak ko saka tumakbo papunta sakin.

Nag fist bump agad kaming dalawa ng makalapit siya sakin. Lumingon ako sa babae sabay hawak sa anak kong si Xanth sa kamay.

Yumukod ako para igalang ang babae lalo na't isa 'tong teacher.

Ngumiti siya sakin saka 'to tumingin kay Xanth habang naka ngiti parin. "Goodbye, Xanth. See you on monday," naka ngiting sabi ng teacher ni Xanth.

"Goodbye din po, teacher!" magalang na sabi ng anak ko saka yumukod.

Tumango lang ako sa teacher ni Xanth dahil ayaw kong makipag-usap sakanya. Hindi ko kasi gusto ang mga titig niya sakin. Kaya ayaw kong umaattend ng meeting sa school nila Xanth dahil naiilang ako sa teacher ng anak ko.

Binuksan ko ang pintuan sa passenger seat saka ko inalalayan ang anak ko para makapasok sa loob ng kotse. Isinara ko ang pinto para umikot papunta sa driver seat. Ngunit, bigla akong pinigilan ng teacher ni Xanth na humawak pa talaga sa braso ko.

Tumingin ako sa kamay niya na naka hawak sa braso ko saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at baka mabaklas ko ang kamay niya at makalimutan kong teacher siya ng anak ko. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ako. Tanging si August lang at ang anak ko ang pwedeng humawak sakin pati narin ang mga kaibigan ko.

Nahalata niya yata na hindi ko gusto ang kamay niya na nasa braso ko kaya agad 'tong bumitaw saka tumikhim. "Ahm.. Can we talk for a moment?" she asked me with a smile on her face.

Pinawalang emosyon ko ang mukha ko saka ako nagsalita. "Tungkol po ba sa anak ko ang pag-uusapan natin?" I asked her.

Umiling naman siya agad saka ngumiti ulit sakin. "No. Sobrang bait at matalino nga ni Xanth eh, kaya ko siya paborito," puri niya sa anak ko.

"So.. what are we going to talk about?" seryoso kong tanong sakanya.

"Ahm.. gusto sana kitang imbitahan for dinner. Kahit isama mo nalang si Xanth, gusto lang sana kitang ma—

"No, thanks!" putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

"Mauna na po kami, Ma'am." saad ko saka umalis sa harap niya.

Binuksan ko agad ang pintuan ng driver seat saka ako pumasok sa loob ng kotse. Mahina akong natawa ng makita ko ang hitsura ng anak ko na masamang naka tingin sakin.

"What? Bakit ganyan makatingin ang baby boy ko ahh," saad ko sa anak ko saka ko binuhay ang makina ng kotse. Nilingon ko pa ng ilang beses ang teacher ni Xanth na nakatayo parin habang nakatitig sa kotse namin.

"Ilipat mo ko ng school, papa." saad ng anak ko habang naka nguso. Napa-iling nalang ako habang pinapa-usad ko ang sasakyan.

"Nakakainis si teacher," dagdag niyang sabi. Ayaw na ayaw talaga ng anak ko na may umaaligid sakin na babae. Katulad nalang ng kumain kami last week sa isang restaurant. Napansin yata ng anak ko na pabalik-balik ang waitress sa table namin at tanong ng tanong kong may kailangan pa ba kami.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now