Chapter Two

964 16 0
                                    


THE CRY of a baby woke me up. Napatingin ako sa bedside clock at nakita kong one AM pa lang. I groaned and closed my eyes again and tried to get back to my fucking sleep but I can't. Inis kong binuksan ang lamp shade at lumapit sa crib kung nasaan ang baby.

"Zach, what do you want?" I asked in annoyance but he just kicked and cried louder. Binuhat ko naman to at binigay sa kanya ang bottle niya para dumede ngunit ayaw niya naman. "Damn it. I still have a meeting today!"

He cried and I felt my eyes getting heavier. I'm so damn tired and I just want to sleep. Ilang meeting ba ang ginawa ko sa araw na 'to? Hiniga ko ang baby sa crib niya dahil hindi ko naman naiintindihan kung anong gusto niya. Napakamot ako sa ulo at binuksan ang ilaw tsaka muling binigay sa kanya ang bote niya pero iniiwas niya ang bibig niya.

"What the fuck do you want?" naiinis na tanong ko. Namumula na ang pisngi niya sa kakaiyak at nagsisimula na din akong mapikon. "Goddamn it!"

I took a toy and start shaking it in his face. His cry start to subside and I sighed in relief. Binigay ko sa kanya ang laruan ngunit umiyak na naman to kaya inangat ko ulit 'yun at inalog. Kinuha ko ang couch sa sulok ng kuwarto ko at nilapit 'yun sa crib. I played with him until I fell asleep.

Nagising ako nang maramdaman na may umaalog sa balikat ko. Pilit kong binuksan ang mata ko kahit na antok pa ko. I feel restless and tired and sleepy but the sun is already high in the sky. I heard mom's voice making me open my eyes. I groaned in annoyance.

"Zeph, gumising ka na at baka ma-late ka sa trabaho. Bakit dito ka natutulog?" tanong niya. I stretched my aching back and I feel sore all over my body.

"Ayaw kasing matulog ni Zacharias. Iyak siya ng iyak kagabi at ayaw naman niyang dumede."

"Did you check his diapers?" she asked. Napakamot naman ako sa ulo at umiling. "You need to check that one too Zephyr. Geez, akala ko ba natandaan mo na mga bilin ko?"

"I forgot, okay? I was feeling groggy when I woke up last night," sagot ko. Napa-iling naman si mommy at dahan-dahan na nilipat si Zach sa kama. Tinanggal niya ang pajamas nito at binuksan ang diaper. I coughed when I smelled his shit lingered the room. "Jesus! What the fuck!"

"Language, kaharap mo ko baka nakakalimutan mo." Tinignan ako ni mommy nang masama bago niya muling hinarap si Zach. "Masanay ka na. Kapag umiiyak ang baby, baka may poop siya or puno na ang diapers niya. O kaya gutom na siya. Puwede din na masakit ang tyan niya."

"Okay, okay." I answered while pinching my nose. "Maliligo na ko."

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ko ng office attire ko. I wore my white Prada button ups and coat, Armani straight cut slacks and Versace brown leather shoes. Late na ako ng thirty minutes kaya naman nagmamadali na ko. Paglabas ng walk-in closet ay naabutan kong gising na si Zach at buhat-buhat siya ni mommy.

"Bye mom. I need to go." I said and glance at the kid. Hindi ko na inantay ang sagot ni mom at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Hindi na din ako nakapagpaalam kay dad na nanonood sa salas.

Pagdating sa office ay halos takbuhin ko na ang conference room dahil isang oras na kong late para sa meeting. I apologized and let them start the meeting. As they update me the company's financial status, my eyes were slowly closing. Antok na antok ako at tila isang lullaby ang sinasabi ng board member ko. I was about to drift to dreamland when a hand shake me.

"Sir." Tawag sa'kin ng secretary ko kaya nagising ang diwa ko. I cleared my throat before trying to put my attention to the meeting.

After like eternity, natapos din ang meeting. Pagpasok ko ng opisina ko ay hinilot ko ang sentido ko at nagpa-timpla ng kape. I still have a ton of work to do and piles of papers to read and sign. I need to focus and end this day without falling asleep. Sa awa naman ng Diyos ay nalagpasan ko ang araw na to nang hindi nakakatulog. Agad akong umuwi sa penthouse dahil pagod na pagod ako. I just want to have a good sleep but when I got home, I remembered that I have a baby to take care of.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONWhere stories live. Discover now