Chapter Thirty Two

428 10 0
                                    


Habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang kaba sa dibdib ko lalo na pag dumadalaw si Laurent sa bahay ni Zephyr. He would meaningfully look at me every time he has a chance. Hindi ko alam kung nakakaramdam na ba si Zephyr pero kinakabahan ako. Natatakot ako.

I still want to be with the man I love. Gusto ko pa tong makasama ng matagal at ayoko munang umamin. Ilang buwan pa lang mula nang magkaayos kami ni Zephyr at ayoko munang sirain muli ang naayos na naming relas'yun.

"Bela, can we talk?" Tawag ni Zephyr sa'kin mula sa opisina niya. Agad naman akong lumapit dito.

"Ano 'yun?"

"I would like you to stay in my house Bela." Anito kaya kumunot ang noo ko.

"But I'm already staying there."

"I mean, gusto kong tumigil ka na sa pagta-trabaho at manatili na lang sa bahay."

"Bakit? May mali ba kong nagawa?"

"No it's not like that baby. I just want to come home seeing you with my son, cooking our dinner and waiting for me." He smiled.

"But—"

"Hindi naman kita pinipilit. Puwede mong pagisipan." Sagot nito kaya tumango ako. Pagbalik ko sa kinauupuan ko ay siya namang pagbukas ng pinto ng opisina. Pumasok ang isang babae at tinignan ako bago siya dumiretso sa kinaroroonan ni Zephyr.

"Babe!" Saad nito.

"Ven? What are you doing here?" Tanong ni Zephyr at napatingin sa'kin ngunit agad akong umiwas ng tingin. I suddenly felt a pain in my chest when I remembered who is that woman. Pag ba sinabi ko na kay Zephyr ang totoo makakahanap ba siya ng iba? Sa isiping 'yun ay parang gusto kong maiyak.

"Zephyr, I'm waiting for you to call me! Hindi ba't aasikasuhin pa natin ang bachelor party mo?"

"I don't remember anything about that party Ven." Rinig kong sagot ni Zephyr.

"Duh? Sinabi mo yan sa'kin noong nasa US pa tayo." Ani ng babae. Sumulyap naman ako at nakita kong nakayakap ang babae kay Zephyr. Napalunok naman ako at tumayo bago ako lumabas ng opisina. Hindi ko kasi matiis na panoorin sila.

Mabilis kong pinindot ang button ng elevator. Naninikip na kasi ang dibdib ko at gusto ko nang makaalis dito. Nasasaktan akong makita sila pero mas masakit pala kapag naiisip kong pagtapos ng lahat ng to ay tuluyan nang mawawala sa'kin si Zephyr.

Bago pa ko makapasok sa elevator ay isang kamay ang humila sa braso ko at kinulong ako sa bisig niya.

"Don't leave." Bulong ni Zephyr sa'kin.

"Zephyr..."

"I'm sorry but Vienna is nothing but a friend to me. Please wag kang umalis."

Hindi naman ako nakasagot. Pag ba sinabi ko na ang totoo sa kanya ay sasabihin din ba niya yan o siya mismo ang magpapaalis sa'kin? Ang dami nang scenario ang pumapasok sa isip ko ngayon pa lang. Gustong kumawala ng mga luha sa mata ko pero sa kabilang banda ay napapagod na din akong lumuha.

"I'm just going to get some fresh air." I whispered.

"Sasamahan kita." Aniya. Tumango na lang ako at sabay kaming bumaba ng opisina.

Bakit ba hindi ko naalala ang gabing 'yun? Bakit ngayon pa kung kelan masaya na kong muli? Sari-saring pagsisisi na naman ang bumabaha sa puso ko. Everything I thought was right suddenly felt wrong. It feels like being with Zephyr is a mistake and I wanted to run away from him.

Dahil sa'kin naging magulo ang buhay ni Zephyr. Dahil sa katangahan ko nasira ko ang masaya sanang buhay niya. Hindi dapat to nangyari kundi lang dahil sa'kin.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें