Special Chapter

763 16 1
                                    


A glimpse of future

"Happy anniversary, mom and dad!"

"Happy anniversary mama and dad!"

"Thank you mga anak." I smiled before I hug my children, "Akala ko nakalimutan niyo na ang anniversary namin ng daddy niyo."

"Of course not, mom! I will never ever forget it. Lagi kaya natin yan sine-celebrate noong bata ako." Sagot ni Emmanuel habang may ngiti sa labi niya.

"Yeah! I remember the first time we bake cake for dad. Sinurpresa pa nga natin siya noon sa opisina niya." Masayang dagdag naman ni Zechariah.

"Thank you for coming here today. Kagabi pa inaatake ng pagka-paranoid ang mommy niyo at baka hindi daw kayo pumunta dito." Singit ni Zephyr. Pinanlakihan ko naman to ng mata. Sabi ko naman sa kanya na wag niyang sasabihin yun sa mga anak namin eh.

"Mom, we will never forget your anniversary okay? Kahit naman po may mga sarili na kaming pamilya palagi pa din kaming pupunta dito. And duh? We always get together every weekends!"

"Kasi naman alam kong busy kayo sa mga trabaho niyo ngayon lalo na't wednesday pa lang. Akala ko talaga hindi kayo dadating." Malungkot kong sagot. Ganito ata talaga pag tumatanda na, nagiging malungkutin.

"You guys are more important than our work, mama. Si kuya Zach na lang ang wala pa dito. Sabi kasi niya sakin kagabi nagkasakit ang bunso niya kaya baka ma-late siya ng dating."

"Hey people!"

"Oh, speaking of the devil." Ngumisi si Zech kaya lumingon kami sa front door. Sinalubong ko si Zach na agad yumakap sakin.

"Mom, happy anniversary po sa inyo ni dad." Bulong nito bago humalik sa noo ko. I smiled and cupped his face. Kahit ilang taon na ang lumipas si Zach pa din ang first baby boy ko.

"Thank you baby."

"Mom, stop." He grinned at me making me chuckle.

"Yes, you're not a baby anymore but for your mother, you are still my baby." I said and kissed his cheek. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan kung saan bata pa silang tatlo.

"Baby Zach has a poo-poo, Emma change his diapers!" Pangaasar ni Zech.

"Idiot." Sagot naman ni Zach. Mahina akong natawa sa kanila. May mga bagay pa din talagang hindi nagbabago.

"Kayo, may mga bigote't balbas na kayo hindi pa din kayo nagbabago." Sita ni Zephyr tsaka niya ko hinila para umupo sa tabi niya, "I remember when you're still a bunch of brats, Zech always makes his little sister cry. Si Zach naman ang taga-awat at taga-amo kay Emma."

"That's why I love kuya Zach than kuya Zech!" Emma said and stuck her tongue out to Zechariah.

"Same, bruh. Ampon ka kasi kaya kita lagi inaasar."

"Hindi ako ampon!"

"Who says? Pinulot ka lang ni mama at dad sa basura kasi naawa sila sayo."

"Mom si kuya oh!"

"Tama na yan. Hanggang ngayon ba naman Zech yan ang pangasar mo sa kapatid mo." Sagot ko habang tumatawa. Malakas naman na tawa ang sinagot ni Zech sakin.

"Feeling ko tuloy si uncle Jupiter ang tatay ko. Yung totoo, dad? Anak ako ni uncle Jupiter at auntie no?"

"Ow, ikaw naman pala talaga ang ampon eh." Sabat ni Zach sa kanya.

"Shut up kuya. Hanggang dito lang usapan oh." Ani Zech at kunwaring naglagay ng guhit sa pagitan namin at ni Zach na nakaupo sa tapat naming sofa. Binato tuloy siya ng kuya niya.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONWhere stories live. Discover now