Chapter Twenty Three

550 8 0
                                    


Pagpasok ko pa lang ng hotel kung saan gaganapin ang anniversary ng Montenegro Corporation ay lahat ng mata ay nasa akin na. I confidently walked towards the grand ballroom and scanned the surroundings. May lalaking tumabi sa'kin at patingin tingin ito sa'kin. Nakilala ko tong si Allein kaya napa-ngiti ako.

"I-Isabela?" Bulong nito kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti, "N-No way. No, no, no fucking way Isabela!"

"Hi Allein. Long time no see." I greeted him.

"God, Isabela. You look...you look gorgeous! No, no! Hindi sapat ang gorgeous para i-describe ka. You're perfect."

"Ang OA mo naman." Natawa ako sa kanya.

"Seryoso ako. Napaka-ganda mo." Anito. Halos nakatulala na ito sa'kin, "Can I be your date tonight? Or for the rest of your life?"

"Sure." Ngumiti ulit ako.

"What do you mean sure? Sure na date mo ko nga''yung gabi o sure na pang-habang buhay na?"

I chuckled at him, "Sure. I can be your date tonight."

"Okay. But I still prefer the second one." Ngumiti ito. Inalok niya ang braso niya sa'kin kaya kinuwit ko ang kamay ko don. Pansin ko pa din ang mga matang nakamasid sa'kin hanggang sa mahagip ng mata ko ang mata ni Zephyr at nagtama ang mata namin. I smiled at him and looked away. Nakipagusap ako sa ibang mga empleyado at nagpakilala.

"Allein." Lumingon kami nang mag isang matandang lumapit sa'min. May kasama itong babae na may edad na din.

"Dad." Bati ni Allein at yumakap dito. Humalik naman siya sa babae na tingin ko ay ina niya.

"Well, who is this beautiful woman with you?"

"This is Isabela, my date for tonight."

"Hi, good evening." I greeted them.

"Wow. You're so beautiful, hija. Ilang taon ka na?"

"I'm thirty." I answered.

"Thirty? Thirty ka na? You look like in twenties!" Saad ng matandang lalake na kinatawa ko.

"Bagay na bagay kayo ni Allein." Ani naman ng babae.

"I hope she's the one, son." Saad ng ama niya. Nginitian ko lang to at nagpaalam sila na makikipagusap sa iba.

"I'm sorry about my parents." Saad ni Allein, "Excited lang talaga silang mag-asawa ako. Sabik kasi sa apo."

"Bakit hindi ka pa nagaasawa?" Tanong ko dito.

"Hmm, kelan mo ba balak na magpakasal tayo?" Aniya na kinatawa ko.

"Palabiro ka talaga, Allein." Ngumiti lang to at napakamot sa ulo. Sunod naman ay lumapit sa'min si Jupiter kasama si Aurora at nakasunod sa kanila si Regan at Sandro.

"Wow! Is that you Bela?!" Sigaw ni Regan at mabilis akong hinila sa tabi niya, "I'll be your date for tonight, baby."

"I'm sorry but I already have my date." I answered and went back to Allein's side.

"Good answer!" Bulong ni Jupiter na pinagtaka ko. Tumingin ito sa gilid ko kaya sinundan ko ang tingin niya at doon, nakita ko si Zephyr na nakatitig sa'min. Ang mga mata nito ay nagaalab sa isang emos'yun...selos?

"You hungry?" Bulong ni Allein sa tenga ko kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. Ang kamay niya ay humahaplos sa likod ko kaya nginitian ko siya.

"Are you hungry?" I asked him.

"Oo." Humawak ito sa tyan niya at bumungisngis, "Nakita ko ''yung pagkain dun mukhang masarap. Kain na tayo?"

"Sure." Tumango ako at iginaya niya ko sa buffet table.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon