Chapter Twenty Four

531 10 0
                                    


Monday when I started being Zephyr's secretary again. Nag-suot ako ng pencil cut skirt at puting longsleeve blouse na nakabukas ang ilang butones tsaka wedge heels. Tinali ko din sa isang pony tail ang buhok ko at naglagay ng konting makeup.

"Good morning Sir." Bati ko kay Zephyr. Hindi ito sumagot kaya nag-kibit balikat na lang ako. Pagupo sa mesa ko ay may isang bouquet ng white roses don at nang tignan ko ang card ay galing ito kay Allein. I smiled and took the flowers to a vase.

"What's my schedule today?" Mahinang saad ni Zephyr. Nilingon ko to at nakapikit lang to habang nakasandal sa swivel chair niya. Agad akong lumapit habang dala ang papel na naglalaman ng sched niya.

"At ten am you have a board meeting. At twelve you have a lunch meeting with Attorney Garcia. At three—"

"Cancel everything."

"Sir?"

"Just cancel everything. Wag ka munang tatanggap ng appointment sa kahit sino ngayon."

"Pero Sir ang board—"

"J-Just cancel it Bela. Mahirap ba 'yun intindihin?" Mahinahon na tanong niya at tumitig sa'kin.

"Sorry. Ka-cancel ko na." Sagot ko at bumalik sa pwesto ko at tinawagan ang mga ka-meeting niya. Muli kong nilingon si Zephyr at nakayuko na ito sa mesa niya. Anong problema niya?

Lunch time ay nag-order na ko ng pagkain para kay Zephyr ngunit naka-yuko pa din ito sa mesa niya. Nilapitan ko to tsaka nilapag sa mesa niya ang paper bag bago lumakad sa tabi niya.

"Zephyr." Tawag ko dito, "I already ordered your lunch. Kumain ka na. Masama ba ang pakiramdam mo?"

"No." Bulong niya at umayos ng upo.

"Kamusta pala si Zach? Papasok na ba siya ng school?" Tanong ko. Tumango ito habang nakatingin sa kawalan, "What's your problem?"

Nang hindi ito sumagot ay napabuga ko ng hangin tsaka lumabas ng opisina niya. Inaya kasi ako ni Allein na mag-lunch kaya bumaba ako sa opisina niya. I knocked twice before entering his office. May kausap tong lalake kaya sinenyasan niya ko na mag-antay. I nodded and stood outside his office. Napapalingon sa'kin ang mga babaeng nagdadaan kaya nginingitian ko sila.

Bumukas ang pinto at lumabas ang kausap ni Allein kanina. Sumilip ako sa glass wall ng office nito tsaka ko pumasok sa loob.

"Hey, ready for our lunch? Pasensya na at nag-antay ka pa. Kailangan ko kasi ang report niya tungkol sa branch sa Ortigas." Explain nito.

"It's okay." I answered him. Lumaki ang ngiti nito at lumapit sa'kin tsaka humalik sa noo ko.

"Ang ganda mo." Puri niya na kinatawa ko, "Let's go?"

"Okay." I nodded and he wrapped his arm around my waist and we walk towards the elevator. Papasara na sana ang pinto nang habulin 'yun ni Allein tsaka kami pumasok sa loob. May isang lalaki sa loob ng elevator na nakilala kong si Zephyr.

"Good noon Mr. Montenegro." Bati ni Allein.

"Yeah." Tanging tugon nito at tumingin sa'kin. Umiwas na lang ako ng tingin. Biglang naging awkward ang paligid at parang bumagal ang pagbaba ng elevator. Ano ba to?

"Where do you want to have lunch, Isabela?" Allein asked.

"May maire-recommend ka ba?"

"Hmm. There's a new restaurant near here. Do you eat korean food?"

"Yes." I nodded.

"Great. Doon na lang tayo."

Nang bumukas ang elevator ay lumabas kami ni Allein. Bago pa man kami makalabas ng lobby ay narinig ko ang pagtawag ni Zephyr sa'kin. Lumingon ako dito at nilapitan niya ko.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONWhere stories live. Discover now