Chapter Twenty

525 6 0
                                    


"Bela!"

"Hello po." Bati ko nang makita si tito Saturn. Wala pa ding kupas ang ka-gwapuhan nito kahit na may edad na. He smiled widely at me and gave me a hug.

"Oh, look at you! You're still beautiful as always. How are you, Bela? It's been what? Six years since we last meet. Panigurado ay matutuwa ang asawa ko na makita ka."

"Maayos naman po ako, tito. Heto, naghahanap ng trabaho. Mabuti at nakita ko si Jupiter kahapon at nag-offer siya ng trabaho. Nakakahiya man po pero salamat po sa pagtanggap n'yo sa'kin."

"No problem, hija. You're always welcome in our family. Nakakalungkot nga at hindi ka na nagpakita sa'min noon."

"Pasensya na po." Saad ko. Tumango-tango ito bago ako inaya papasok ng malaking kompanya. Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang makatapak ako sa loob ng Montenegro Corporation. Ito ang naging saksi ng pagkakabigo ko noon kay Zephyr. This place witnessed everything. The heartbreak I had when I told Zephyr I'm pregnant and the last day that Zephyr and I talked.

"I'm pretty sure he'll be surprised."

"I know, son."

Napatingin ako kay tito Saturn at Jupiter na nagbubulungan habang mahinang tumatawa. Ano kayang pinaguusapan nila?

Tahimik lang akong sumunod sa kanila hanggang sa sumakay kami sa elevator. Kinamusta ako ni tito Saturn at nag-kwentuhan kami hanggang sa mag-stop ang elevator sa pinaka-tuktok na floor ng building. Ngiting-ngiti si Jupiter sa'kin na pinagtaka ko.

"You look good today ate Bela. Ang sexy mo." Saad ni Jupiter.

"Right, Bela. I pretty sure he will—oh nevermind." Si tito Saturn naman ay natawang muli. Kumunot ang noo ko sa mag-ama na to dahil nawiwirduhan ako sa kanila.

"I still want the hairy one, ate Bela."

"Ha?"

"Nothing." Sagot nito at ngumisi. Nang makarating kami sa isang black double door ay bigla kong kinabahan sa di malamang dahilan. Sa pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa si Zephyr kaya dapat wala kong ipagalala 'di ba? Pero bakit parang mahihimatay ata ako sa nerbyos?

"Welcome to Montenegro Corporation, Bela. You'll be the new secretary of the CEO from now on. I hope you can enjoy your work with us." Tito Saturn said and smiled. Nagpasalamat naman ako.

"Don't let your hormones control you." Habol ni Jupiter. Kumunot ang noo ko nang kumindat ito, "Good luck."

"S-Salamat." Sagot ko. Binuksan ni Jupiter ang pinto kaya tumango ako at pumasok don. Inayos ko ang gusot sa palda ko at taas noong lumakad papunta sa boss ko at natigilan ako sa lalaking nakatayo at nakatanaw sa labas ng glass wall. Umatras ako at lumingon kila Jupiter na naka-silip na sumesenyas ng heart shape sa kamay bago sila umalis.

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa'kin at nanlamig ang kamay ko. Kelan pa siya bumalik? Bakit nandito siya? Bakit hindi ko to inasahan? Dapat alam kong siya ang magiging boss ko pero bakit nagulat ako? Dahil ba alam kong nasa ibang bansa siya? But no! He's really here!

"I need my schedule for today and the rest of the week. Bring me a black coffee afterwards and prepare my meeting with Mr. Tuazon. I have a merging proposal with Narciso Incorporation at four PM, cancel it. You understand?"

Sunod-sunod ang utos niya ngunit ni isa ay walang pumasok sa utak ko. Ang tanging naiisip ko lang ngayon ay ang pagka-miss ko sa kanya. Kung gaano ka-baritono ang boses niya at ang pagsariwa ng mga alaala ng nakaraan namin.

"Do you understand?" Ulit niya at humarap sa'kin. Pareho kaming natigilan nang magtama ang mata namin. Wala ni isang salita ang lumabas mula sa bibig namin at tanging ang tunog ng aircon lang ang maririnig sa mga sandaling ito.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONWhere stories live. Discover now