Chapter Twenty One

536 9 1
                                    


A week after I start working in the Montenegro Corporation, still, I'm not getting any progress with my right for my child. Inisip kong kumuha ng attorney ngunit alam kong matatalo lang din naman ako. Isang Montenegro ang kalaban ko kaya alam ko ng wala kong pag-asa manalo.

Zephyr is still cold towards me. Tatawagin lang ako nito pag may iuutos siya tungkol sa trabaho at pagtapos non ay wala na. Minsan isang beses lang niya ko tinatawag sa isang araw at minsan wala pa nga.

Kasalukuyan akong nasa cafeteria ng kompanya para mag-lunch. Mag-isa lang ako sa table at pinagmamasdan ko lang ang mga empleyado na bumili sa mga stalls dito.

"Good afternoon VP."

"Kain po, VP."

Napalingon ako nang may pumasok na lalake sa canteen at halos lahat ng empleyado ay binabati to. He smiled widely at the employees and waved at them. Tila para tong nangangampanya bilang Presidente kung maka-kaway. Hindi ko na lang to pinansin dahil hindi ko din naman siya kilala.

"Can I share a seat?" Usal ng isang boses. Umangat ang tingin ko at nakatitig sa'kin ang mala-tsokolateng mata nito. Ang mapulang labi niya ay naka-ngiti dahilan para lalong sumingkit ang mata niya.

"Ahm, okay?"

"Cool, thanks." Saad nito tsaka nilapag ang tray na hawak niya, "I'm Allein Chua."

"Isabela." Pakilala ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Bago ka lang, no? Ngayon lang kasi kita nakita dito."

"Mm-mm. Kakaumpisa ko lang last week." Sagot ko. Muli itong ngumiti sa'kin.

"Same here. I started working here six months ago. Saang department ka pala?"

"Ahm, secretary ako ni Mr. Montenegro."

"Really?" Tumango ako, "Swerte." Bulong pa niya kaya kumunot ang noo ko, "Gusto mong lumipat bilang secretary ko?"

"Ha?"

"Just kidding. Pero baka gusto mo lang naman. I badly need one. Matanda na kasi si Mrs. Perez tsaka malapit na 'yun mag-retire."

"N-Nako, hindi ko alam eh." Saad ko. Ngumiti naman to sa'kin, "Anong department ka ba?"

"I'm the Vice President of Montenegro Corporation." Ngumiti ito sa'kin kaya nanlaki ang mata ko.

"Hala Sir, sorry po. Hindi ko alam. Naging friendly pa ko VP ka pala, Sir." Napatayo ako.

"No, no, it's okay Isabela. We can be friends." Sagot niya, "Please, umupo ka ulit."

"Sir—"

"Allein. I want you to call me Allein." Seryosong tugon niya. Wala naman akong nagawa kundi tumango kaya muli itong ngumiti.

"Okay lang ba maging friends tayo?" Tanong ko. Wala din akong kilala dito, eh. At least kung papayag siya may isa na kong kaibigan.

"Of course. Bakit naman hindi?" Sagot nito pero hindi ako umimik, "Well? Ayaw bang makipag-kaibigan sa'yo ni Mr. CEO?"

"No, it's not like that. Ahm, syempre siya ''yung boss dito. Hindi naman siya makikipag-kaibigan sa secretary niya." Kahit na mas higit pa sa pagkakaibigan ang nangyari sa'min noon. Dugtong ko na lang sa isip ko.

"I can be your friend." Ngumiti ito na kina-ngiti ko na din. Lumagpas ang tingin ko kay Allein nang mahagip ng mata ko si Zephyr na nakatayo sa entrance ng cafeteria. Nawala ang ngiti sa labi ko dahil masama ang tingin niya sa'kin bago ito umalis. Hindi pa naman tapos ang break time ko. Anong problema niya?

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon