Chapter 6 : Ignore

4.4K 168 10
                                    

Soliel's POV

Umalis ako sa harap niya at naghanap ng pagtutuunan ng pansin. Pagkatapos kong bumili ay bumalik na ako sa spa na pinag-iwanan ko kila Mom.

"Babe! Ang tagal mo naman, tapos na oh" sambit ni Mom at pinakita pa ang kanyang mga daliri na may kulay.

"It's so pretty, Mom" sarcastic kong sambit kaya inirapan niya ako.

"Ang kj mo!" natawa naman ako sa sinabi niya, lumingon ako sa gawi ni Tita.

"Matagal pa ba 'yan Mommy?" tanong ko habang nakatingin sa kamay ni Tita Alessia, shet ang habaaa!!! este ang ganda.

"Malapit na 'yan, naligaw daw kasi si Sia pabalik dito. Nagpaalam kasi siya kanina na magc-cr lang tapos ayun, she got lost nung pabalik na" maarteng paliwanag ni Mom. She lied mom! She lied!

Sumulyap ako kay Tita Alessia at hindi inaasahang nakatingin din ito sa akin at nung nakita niyang nakatitig ako sa kanya ay nahihiyang nag-iwas tingin ako.

Hinintay naming matapos si Tita at nagbabalak nang-uuwi na ngunit nagyaya pa si Mom na bumili ng damit. Walang nakahindi sa kanya kaya't sumunod nalang kami kay Mom.

Tita is walking beside me, I tried to get her bag because it may ruined her nails but she refused it.

"Try this!!" excited na sabi ni Mom, binigay niya sa akin yung damit. Wala naman akong magagawa kahit na sabihin kong ayaw ko.

Sinuot ko iyon at tumingin sa salamin, I feel so sexy right now. Lumabas ako ng may confidence, kitang-kita kung paano natuwa si Mom. Kahit dati pa kasi ay lagi na niya akong inaayusan and her as a model, ayaw niya sa salitang "okay lang" gusto niya ay laging "exception".

Hindi nakaligtas sa akin ang patagong irap at pagtatagis bagang ni Tita Alessia ngunit wala siyang nang sinabi na kahit ano.

"Let's get that, and this, this and that" blablabla... si Mom lang ang decide sa mga damit na bibilhin niya para sa akin. Pansin ko ring pumipili si Tita ng kanya, nakita kong mga pangprofessional ang kinuha niya.

Saan kaya niya 'yon gagamitin?

Kumain na rin kami saglit sa isang restaurant na nasa loob ng mall. Masarap naman at enjoy naman ang araw namin ngayon, yun nga lang sobra ring daming gastos. Hindi naman kasi ako maluhong tao kaya mas okay na sa aking mag-ipon nalang kahit na hindi naman na kailangan.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Hindi ko alam na naidlip ako sa kotse, nagising nalang ako bigla sa hindi malamang dahilan. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nakahilig ako kay Tita Alessia. Nilibot ko ang aking mata ngunit wala na roon si Mom, nahihiyang inalis ko kay tita ang ulo kong nasa dibdib niya. She suddenly get up and left me with no words.

Pumanik na ako sa kwarto at nag-ayos ng mga gamit na napamili namin ni Mom kanina. Marami-rami na rin akong ipapamigay na damit na once ko lang nasuot. Hindi ko alam kay Mom but once we used it ay parang hindi na pwedeng maulit or what.

Four pm palang ng hapon ngunit nakaramdam na agad ako ng pagod at antok. Hinayaan ko ang sariling makatulog muli, nagising nalang ako ay dinner na namin.

I saw Tita Alessia wearing her Hello ki
Kitty pajama set, nakikita ko siyang parang yung nababasa ko sa wattpad, yung "professor na mataray pero may soft side kapag nasa bahay na", ganong style ba. ang cute!

"Mom, sabi ni Meghan magsleep over daw siya rito sa Friday" wala kasi si Mom sa Friday dahil sa anniversary nila ni Dad.

"Oh really? That girl you had a crush on?" w-what?! Where the hell she get that idea.

"What? Mom!" kinurot-kurot pa niya ang tagiliran ko. Tumigil lang kami nung may marinig kaming padabog na tunog ng pinggan at kutsara.

"Introduce Meghan to Sia, you know that kid, gustong-gusto ang model industry" Tumikhim si mommy bago nagsalita, my best friend likes to be a model one day.

"How old is she, Elyse?" biglang tanong ni Tita Alessia kay Mom.

"I think around 23 to 24 lang yung batang 'yon, why?" nakita ko kung paano humigpit ang kapit ni Tita sa hawak niya.

"Why don't you help her to apply to our agency?" may age limit kasi ang agency nila Mom pero ayaw ko ring malagay doon ang best friend ko dahil mahihiwalay na ito sa akin kung nagkataon dahil sa Italy nakabased ang agency nila Mom.

"That's not mommy's business anymore" I abruptly said, I don't want that idea.

"You know what Sia? You're right" bwisit naman 'tong si Tita bakit ba naisip pang sabihin yun, ayan tulog si Mom.

"Anak chat your crush to be here early on Friday" bakit ba ulit-ulit siya sa word na "crush", I don't have a crush on my best friend.

"What? She's not my crush mom." at wala akong balak na gawin siyang isa, kitang-kita ko kasi ang mukha ni Tita parang handa na siyang pumatay. I mean ako lang pala papatayin.

"Stop being in denial, Soliel" hindi na ako sumagot dahil mapupunta na naman kasi sa walang hanggang pagtatalo, patago ko nalang inirapan si Mom at tinuloy ang pagkain.

Pansin kong kaunti lang ang nakakain ni Tita, hindi tulad ng dati. She excuse herself to us pagkatapos niyang kumain, masama raw ang pakiramdam niya.

"Mom, bakit ba umuwi si Tita Alessia sa pilipinas?" tanong ko nang kaming dalawa nalang ang natira sa mesa.

"May favor daw siya sa kaibigan niya, mayaman 'yan kaya maarte sa bahay na gustong bilhin" kaya pala nakikitira siya dahil wala pa itong nagugustuhan.

"May profession ba siya, Mom?" nakita ko kasi siyang namimili ng damit kaninang pangprofessional.

"Maraming investments yan si Sia, alam ko may sarili rin siyang company sa Italy" sugar mommy pala si Tita e, I mean ang yaman niya.

"Ang bagal mo kumain, mauna na ako sa kwarto ko. Magvideocall pa kami ni Dad mo" excited na sambit ni Mom, tumango nalang ako rito at umalis na siya.

Maya-maya pa ay napagpasiyahan kong umayaw na rin sa pagkain, pupunta na sana ako sa kwarto ko nang makita kong nakaawang ang pinto ni Tita. Lumapit ako rito at sumilip, hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod siya.

Tumikhim ako at nakita kong napagitla ito. "Leave" sambit niya habang hindi pa rin humaharap sa akin.

"Tita, I'm here to say sorry" paunang sabi ko, hindi ko naman kasi alam kung paano magre-react sa sinabi niya last time.

"I said leave" mapait na sambit nito.

She hate me now and I don't know what I'm feeling, naramdaman kong nanikip ang dibdib ko ngunit piniling kalimutan iyon.

Loving, Tita AlessiaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora