Chapter 24 : MMW Professor

3K 84 13
                                    

"What do you want to eat?" tanong ko agad nang makarating kami sa University Canteen.

"Uhmm..Ate, can we eat somewhere outside the University?" I'm about to say no when Meghan said "Yes, of course! Anything you want, baby girl blablabla"

"Let's go to Jollibee, Ate Meg" sambit naman ng bulilit. "Jabee it is then." Nagdrive ako papuntang Jollibee but because nagw-worry ako baka hanapin siya ng Daddy niya, minessage ko ang Dad niya thru dm and he replied na kung pwede raw ba siyang magcall samin.

"Meg, chinat ko dad ni Sian and gusto niya magcall." sabi ko kay Meghan. "Hala gagooooo!! Ikaw kumausap d'yan."

"Sure ka?" tanong ko ulit at todo yes naman siya. Nagtype ako ng yes kay Sir at wala pang ilang minuto ay nagvideocall ito. Sir hindi pa ako ready, charot.

"Good morning, Sir." bati ko agad dito. "Good morning, where's my daughter?" agad niyang sambit, ang pogi talaga ng boses niya.

"Meghan, akina muna si Sian" sabi ko kay Meg at agad din naman niyang binigay.

"Good morning, Daddy!" masayang bati ng bata. "Good morning, Sianna. Where are you?" seryosong bigkas ng Daddy niya, kung ako yon kakabahan na ako. Binuo ba naman first name ko.

"Nasa Jollibee po, I'm with Ate Sol. Yung nakita mo pong kasama ko sa Activity Center." ang bait sumagot ng batang 'to.

"I told you not to go with anyone, right?" naramdaman kong may naging seryoso ito. "I'm hungry na po" sambit ni Sian at alam kong medyo kinakabahan na ang bata.

"Sir, your daughter is safe with me. Nadapa siya sa harap ko kanina and narecognize niya po ako and I asked her if naglunch na siya and sabi niya is no kaya I asked her again kung saan niya gusto kumain and dito niya tinuro.

"Hindi dahil hindi kita pinagkakatiwalaan Miss Soliel but ayokong maulit pa 'to, Sianna." ang brusko ng boses niya kahit ako ay masisindak dito. "Noted, Daddy."

"Don't worry sir, babalik ko po ang anak niyo after namin kumain" I assured him na safe ang anak niya with me. "I trust you, Soliel." I gave him a polite and a genuine smile before nag-end ang call.

"WHAT THE FU--" agad kong sinampal ang bunganga ng kaibigan ko.

"Don't say bad words, Ate Meghan" sambit ni Sianna. "My God! Bata pa ang nangangaral sayo, mahiya ka nga!"

"Sorry agad Sian, hindi mo naman kasi sinabi agad na Daddy pala ni Sian si Sir Creamy Hottie" hooooooy! Wtf 'tong si Meg.

"Ate, why do you call my Dad, Sir Creamy Hottie?" paano ko ipapaliwanag 'to sa bata, tiningnan ko ng masama si Meghan at binigyan siya ng tinging "bahala ka sa buhay mong mag-explain sa bata"

"Ahh..ganto kasi yon" alam kong napressure siyang mag-isip ng kung ano ang dadahilan niya. "Ano kasi, si Dad mo may dalang ano..kape tapos nakita ko super creamy tapos Hot coffee kaya Creamy Hottie" ito namang si Sian ay napa"ooooh" buti nalang nakalusot ka roon, Meghan.

Tulad ng sabi ko sa Daddy niya, binalik ko agad si Sianna sa University. Sinabi niyang dalhin ko si Sianna sa specific room sa faculty kaya ginawa ko.

"Sianna, don't you ever do that again." sambit ng Dad niya sabay hug sa anak. "I'm sorry dad for making you feel worried." Sambit niya at niyakap pabalik ang ama.

Iniwan ko na sila sa ganoong posisyon at nakita ko si Meghan na naghihintay sa labas. "Ano? Okay ba? May sinabi ba? Nagalit ba?" sunod-sunod niyang tanong, halatang kinabahan si gaga.

"Bakit daw Sir Creamy Hottie?" Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig pa. "PUTANGINA??!" gago ampotek, kinurot ko siya dahil nasa faculty area pa rin kami"Charot lang, gagi tumahimik ka"

"Anong oras na?" Tanong ko agad sa kanya. "2:30" sabay kaming nagkatinginan dahil parehas naming hindi namalayan ang oras.

"Tara naaaa!!!" tumakbo kami pareho papunta sa room. "Teka laaaang, potangina hindi pa ako nagrereview!!" Sinong nagreview gaga 'to.

"Good morning Sir, sorry we're late" agad naming sabi ni Meghan ng makapunta kami sa room.

Nakarinig kami ng pitik ng takong napapalapit sa amin kaya sigurado akong maling tinawag namin siyang "Sir". Tumapat ito sa amin ni Meghan, naramdaman kong nanlamig ang kamay ni Meghan at kinurot niya pa ako.

Kahit hindi na niya sabihin kung sinong nasa harapan ko ay alam na alam ko kung sino siya. "What is the reason for your tardiness?"sambit niya saming dalawa ni Meghan ngunit nang nag-angat tingin ako ay sa akin siya nakatingin-titig.

"Your former instructor will no longer be guiding you. It is imperative that you adhere to the rules set forth for my previous subject. Any questions?" we answered "no."

"Get a paper. Answer what I say." Nagstart siyang magbanggit ng mga problem. Shit! Ito yung hindi namin naaral ni Meghan.

"Pst! Meg!" Mahinang tawag ko sa kanya. Kahit natatakot siya ay sinagot niya pa rin naman ako. "Ano?!" wow ha.

"Naaral mo ba 'to?" tanong ko sabay pinakita ang formulang natatandaan ko. "Hindi nga eh!" Shit. Mukhang babagsak na ako sa subject na'to.

Hinulaan ko nalang ang mga sagot ko kaysa stress-in ko yung sarili ko sa hindi ko naman talaga agad but of course, I try my best para masagot yun.

Pagkapasa ng lahat ay agad niyang pinamigay malayo sa may-ari ng papel, shit! Kelangan na talaga mag-aral para sa subject na ito. Hindi na makukuha sa mekus mekus namin ni Meghan 'to.

"Cordovez, 143" ha? Nag-i love you ba sa akin si Ma'am?

"I love you too, Ma'am" sagot ko, maging mga kaklase ko ay nagtawanan sa sinabi ko.

"Talking. Attention. Cheating." isa-isa niya pa, shit! Nahuli ako? Ang malas ko naman. "Stay after class." Seryoso niyang sambit at sobrang lamig ng mga tingin niya.

"Where is Cordovez's paper?" walang sumagot kaya nagtaka ako at binasa ko ang papel na hawak ko at lintek bakit nasa akin ang papel ko???

"Are you planning to cheat again?" nag-iba na ang aura nito at mas lalong nakakatakot siya tingnan ngayon. Tanging iling lang ang nasagot ko.

Kinuha niya ang papel ko at siya na mismo ang nagcheck, nakita kong kumunot ang noo nito ng may mabasa siya sa likod at binigyan niya ako ng "humanda ka sakin look." Napaisip tuloy ako kung ano yung nakalagay don.

Nakalagay? Doon? Sa likod? Shit!! yung dare!!!

Loving, Tita AlessiaWhere stories live. Discover now