Chapter 23 : "Ate Sol"

2.7K 91 8
                                    

"Meghan, diba cup noodles gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Ha? diba ayaw mo non?"

"Tara na" hinila ko siya pabalik sa loob ng University. "What?!" naguguluhang tanong nito.

"Magcup noodles nalang tayo" ayoko na makita sila roon. "Eh? Anyare 'te?" sagot niya.

"Wala, nafeel ko lang gusto ko pala." ayokong tumuloy sa kotse ko dahil katapat ng kotse ko kung saan sila nag-uusap.

"Oh? Okay?" wala nang nagawa si Meghan kundi sumunod sa akin. "Saan tayo tatambay beh?" tanong pa nito. Hindi ko alam kung natutuwa siyang makatipid o maaasar kasi ito lang kakainin namin.

"Doon nalang sa likod ng library" sagot ko, meron kasing mga upuan sa likod nito at minsan dito pumupunta ang iba upang mag-aral.

"Okay, tara let's!" sambit niya pagkatapos na makuha ang cup noodles.

"Ano nga ulit rereviewhin natin?" tanong niya, hindi lang halata sa kanya na magaling siya sa acads pero sobra sipag niya rin talaga mag-aral.

"MMW" nakita kong nanlumo siya sa sinabi ko, bukod kasi sa akin ay ayaw niya rin ng subject na ito.

"WAAAAAAA!! I HATE THAT SUBJECT!" same, sinong hindi.

"May quiz ba later? Akala ko magdi-discuss siya?" yun ang alam ko e.

"No, gaga! Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Ma'am dati? Sabi niya may papalit na Prof sa kanya." right, bakit nakalimutan ko 'yon.

"Ano na ba topic natin don?" tanong niya sakin, siya 'tong nakikinig tapos ako patatanungin.

"As far as i remember, Slovin's Formula lang." may formula naman doon, kaya hindi ako bothered.

"Shet, alam ko nagawa ko na 'to dati e" sambit niya. "Yes, nagawa na natin before sa research."

"Bakit parang ang chill mo diyan, hindi ka mag-aaral?" tanong niya habang nagbabasa ng docx na binigay sa amin.

"Bakit pa mag-aaral kung babagsak lang din naman" kalmadong sambit ko.

"TANGINAMO! KAPAG IKAW NAKAPERFECT" pagbabanta niya. "Kapag ako nakaperfect, perfect ka rin kasi sa'yo lang ako mangongopya." yes, nagkokopyahan lang kami ni Meghan kapag MMW ang topic.

"Tanginamo talaga, malay mo strict bagong Prof natin?" tanong nito, hindi naman siguro.

"What if hindi?"

"Eh.. basta, mag-aral ka na." napakaserious naman nito.

"Anong oras na ba?" tanong niya. "10 palang" sagot ko naman.

"What time ba 'tong MMW?" tanong niya ulit.

"Wala ka bang schedule? kainis 'to!" sambit ko dahil kada tanong niya ay tinitingnan ko tuloy schedule namin.

"Meron pero ano ngaaa?" apaka kulit. "Alas dos pa"

"Ay weh? Tara 8 Ball Pool muna tayo." tingnan mo 'tong masipag mag-aral na 'to. Sorry guys, scam lang pala.

Binuksan ko rin naman agad ang app, "Kapag natalo, ano dare natin?" tanong niya. "Hindi ba pwedeng wala nalang dare?"

"BOOOOORING" kfine.

"Uhmm..ganto nalang" panimula niya, "Kung sino matalo ito lalagay sa test paper" pinakita niya yung nakasulat sa notes niya.

"math is easy, math is hard, honestly i think we should kiss"

"What the fuck? Saan mo nakuha 'yan?" ito talaga, kung ano-ano nakikita.

"Kanina nagscroll kasi ako sa TikTok" mali talagang may tiktok pa, charot.

"Plus..with kiss mark sa papel" what the fuck is she thinking?

"Gago! Anong klaseng pag-iisip meron ka?" ang lala niya, hindibata nakainom ng gamot.

"Deal? Deal." pagkasabi noon ay tinira na ang cue ball. Ang daya may nashoot agad, ang dami na agad niyang nashoot.

"Dinadaya mo ako eh!" sambit kong ikinatawa niya, edi wow!

"Patirahin mo naman ako, 'yang mga dare mo nakakabwisit!" sambit ko.

"Sige na nga" tumira ulit siya ngunit shoot pa rin ilang tira pa ay dumaplis na.

"Are you ready to lose?" yabang ko pa sa kanya. I'm about to hit the ball when someone tripped in front of me. Shit, yung chance ko nawala pa.

"Are you okay, kid?" tanong ko agad sa kanya pagkatapos siyang tulungang tumayo. Hindi ko rin kasi makita ang mukha nito dahil natatabingan ng mahabang buhok.

"Yes, thank you and I'm sorry." sambit niya, wait! familiar yung boses.

Hinawi ko ang buhok niyang tumatabing sa mukha and there she is, "Sian?" tawag ko rito.

Agad din naman siyang tumingin sa akin na kanina'y nagpapagpag ng sarili. "Ate Sooool!!!" sigaw nito sabay yakap sa akin.

Niyakap ko siya pabalik, nakakamiss din kachikahan 'tong batang 'to. Hinintay ko siyang alisin ang pagkakayakap sa akin bago ako nagtanong. "What are you doing here?"

"I'm waiting for my Mom and Dad" sambit niya, tinapik ko ang space sa tabi ko upang makaupo siya.

"Wow, may plus one na" asar ko sa kanyang tinawanan niya lang.

"Ehem!" pag-agaw ng atensyon ng kaibigan ko. "Pakilala mo naman ako sa pretty girl na 'to."

"Ayoko, baka turuan mo pa ng masama yan" biro ko sa kanya.

"Sian, meet my best friend" hindi na pinalagpas ni Meghan at siya na ang nagpakilala ng sarili. "I'm Meghan and you can call me Ate Meg."

"I am Sianna" sambit niya. Ang tipid naman ata niya sa words ngayon.

"Have you eaten?" Pagkuha ko ng atensyon ulit ni Sian. "Not yet, I am waiting for my Dad"

"Are you hungry?" She nodded. "Why don't you eat something?" tanong ko ulit. "Daddy is busy." right, new professor.

"Wait, ayusin ko lang 'to" sambit ko at sila naman ang nag-usap ni Meghan.

"Ate Meg, paano mo naging best friend si Ate Sol eh ang sungit niya?" halata ang gulat ni Meghan nang magtagalog ito.

Natawa ako sa reaction nito, "Paanong??" iyon palang ang sinasabi niya ay bumulong na akong " I know."

"She's nice naman. Medyo serious lang siya but if you get to know her better, mas makaros pa siya sakin." Aba, binash ako sa bata.

"Really? So pwede pa kaming maging close like close close?" bago pa sumagot si Meghan ay sumingit na ako sa usapan nila. "Let's go"

"Ate Sol, hold my hand please" hindi na ako tumanggi at kinuha ang kamay niya ngunit sumingit naman ang best friend ko.

"She can carry you if you want to." sambit ni Meghan, nilakihan ko siya ng mata ngunit huli na. "Is it okay, Ate Sol? My foot hurts na kasi eh" ano pa nga bang magagawa ko.

Loving, Tita AlessiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora