Chapter 8 : First Day

4.1K 151 11
                                    

Soliel's POV

Two days passed it is already monday, meaning first day of school na. Umuwi rin si Meghan nung linggo ng umaga dahil mag-aayos pa raw siya ng gamit plus nahihiya raw siya kay Tita Alessia. Tinawagan ko rin si Mom at nalaman kong gusto lang pala niya akong inggitin amp.

College doesn't excite me anymore, pagod na kasi ako mag-aral-- joke.

Second year college palang ako pero parang mamamatay na'ko sa daming gawain. Naalala ko pa nung first year, sabi ko kay Mom maghihinto na ako ayun nadagukan "LANG" naman ako.

"Soleng!!!" sigaw agad ni Meghan nang makita ako, ang ingay. Napatingin din tuloy sa gawi ko ang ibang estudyante rito.

"Meg, tumahimik ka nga! Ingay mo" agad kong sabi nung makalapit ako sa kanya.

"Tara, kain muna tayo" yaya niya, nagugutom na rin naman ako kaya pumayag na ako. Hindi kasi ako nakakain ng breakfast kanina dahil baka traffic ay malate pa ako.

"Uy bff, grabe pa rin talaga 'yang ganda mo. head turner pa rin sa kanila, well, famous ka nga pala" agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya.

Hindi naman ako gaanong famous, siguro ay may ilan lang na nakakakilala sa akin dahil part ako ng Student Council.

"Order kana, I'll wait here" sambit ko, tamad kasi ako pagdating sa mga bagay na tulad nito.

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Meghan na may kasamang school staff. Dala niya ang ilang pagkain at yung tumulong ay ang ulam at kanin namin. Ano ba 'to? Fiesta?

"Apaka dami naman neto" reklamo ko dahil alam ko na agad na hindi naman iyon mauubos.

"Okay na 'yan, hoy alam mo ba narinig ko ron?" chismosa alert.

"Syempre hindi, tangi ka ba nandito ako e" hindi ko alam minsan kung bakit siya pa naging best friend ko sa lahat ng kaibigan ko.

"Sabi ko nga, so eto na nga. Wala raw si Ma'am Raquel kasi buntis nakaleave siya tapos sabi nila may papalit daw sa kanya mas maganda sa kanya, pinsan daw ata ni Ma'am" excited niyang turan, gayness overload hays.

Ma'am Raquel is one of my fave professors here, she was strict in class but jolly after class.

"Sino raw papalit? Nakuha mo name?" tanong ko sa kanya, hindi ko alam pero curious ako or sadyang chismosa lang din ako.

"Yun nga e, hindi rin nila alam pero excited ako maganda raw" ganyan kaibigan ko basta may marinig na word na "maganda"

"Mamaya ba may PE sa schedule natin?" tanong ko sa kanya, mas nauna niya kasing kunin ang schedule niya kaysa sa akin dahil pumunta siya last Thursday dito para kunin iyon.

"Actually first period natin yun kaya, lantakan na natin 'to!" sigaw niya pa sa huli, nakakahiya na dahil may mga tumitingin sa gawi namin lalo't pati din ang ibang professors ng University.

Lumamon kami, oo lumamon ang tamang word. Pinilit naming ubusin ang binili niya, nakakasuya tuloy kumain. "Ang dami nang estudyante sa loob, let's go na" Meghan said, dumungaw kasi siya sa pintuan bago pumasok.

"Kaklase pala natin si Miss Cheerleader"

"Halaa kaklase natin si Soliel"

"Ang ganda niya!"

"Kasama niya si Meghan, ang ganda rin!"

"Ang shoti naman nila!"

"Witwiw"

Nagpantig ang tenga ko nang makarinig ako ng cat call. Agad ko itong hinarap at sinamaan ng tingin kaya't napaiwas ito ng tingin. Aga aga ang bastos, nakakasira ng araw.

"Chill ka lang tanga" kurot sa akin ni Meghan, ayoko kasi sa lahat nagc-cat call mga kulang sa pansin.

Umupo kami sa likod upang hindi kami gaanong mapansin ng papasok sa loob. "Dito tayo" sambit ni Meghan at tinuro ang upuan sa sulok.

Tulad ng sabi ni Meghan ay doon kami umupo, naglaro muna kami ng online game dahil may twenty minutes pa naman kaming free time. "Tangina defeat!" sigaw ko nang madefeat kami ni Meghan, buwisit kasi kasama namin sa laro cancer!

"Cordovez!" nagulat ako nang may biglang sumigaw, muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko kung sino ang nagsalita. Nakataas ang kilay nito at ang sama tingin sa akin, shoot. Bakit nandito siya? Bakit nandito si Tita Alessia?

TITA ALESSIA?!?!!

"I'm sorry" napatingin kasi ako sa buong klase at nasa akin pala ang tingin nilang lahat.

"Give me your phone." inis niyang sambit na halos dumagundong sa buong silid. Sobrang dilim ng aura niya habang nakatitig sa akin na nalipat kay Meghan. "Now!" dali-dali akong tumayo at kinuha na rin ng cellphone ni Meghan upang dalhin sa harap.

"Get your bag with you!" pigil na sigaw niya, rinig ko ang inis sa boses niya. Agad inabot ni Meghan ang bag ko sa akin, shet pinalayas daw ba 'ko. Nakita niyang sinamaan ko siya ng tingin kaya't nagpeace sign siya sa akin.

"Faster, you're wasting our time!" sobrang authoritative ng boses niya ngayon ngunit hindi nakakaligtas sa akin ang Italian accent nito.

Agad akong kumaripas papunta sa unahan upang ibigay ang phone ko sa kanya. Kinuha niya iyon at inilagay sa bulsa. "Sit in front, Cordovez. Fuentes, change your seat with Miss Cordovez." agad ding tumayo ang sinabi niyang Fuentes, actually ang ganda niya. Pasok din ito sa modeling, matangkad, maputi, may itsura, at ang laki ng ano, pasok na pasok sa standard ko hehe.

"Eyes up here in front, everyone!" sigaw niya sa buong klase, ngunit sa akin siya nakatingin. What's her problem?

"I am Alessia Moretti, I know most of the students inside here know me but you don't know my attitude." paunang sambit nito at inilibot ang mata sa buong klase.

"Don't expect me to autograph a magazine, take a photo with you, or even smile at you. This isn't the digital industry for that. I'm here to teach you not to have a chitchat with any of you." nilingon ko ang mga kaklase ko hindi ko alam ngunit nasisindak din sila kay Tita Alessia tulad ko, akala ko ako lang ang kinakabahan dito.

"Do you understand?"

"Yes Ma'am!" sabay-sabay naming sagot, potek hindi naman ako nagcriminology e pero para kaming sumasaludo kay Tita Alessia—Miss Moretti pala.

"I have 5 rules in my class. Number 1, no talking. Avoid talking from my class or else you won't like what will happen to you." tumingin siya sa bawat estudyante sa loob.

"Number 2, no sleeping. Go to the clinic if you want to sleep, I don't care. Number 3, no cheating. If I caught one of you cheating, I'll expel you from this school." patuloy pa rin ang paglibot niya ng mata sa amin, halatang lahat kami ay kinakabahan sa presensya niya.

"Number 4, full ears and eyes on me. I want you to focus your attention on me, only on me, and lastly, Number 5, no flirting inside my class. Don't try to mess with me, you'll end up begging and crying. Any complaints?" sa huling sinabi niya ay tumitig ito sa akin ng malalim.

"No" sambit namin.

"Good. Now, introduce yourself Cordovez" what the hell, bakit ako agad?!

Loving, Tita AlessiaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz