Chapter 15 : FLAMES

3.8K 126 16
                                    

Soleil's POV

Nagtago ako sa ilalim ng table ni Miss Moretti, takot na gumawa ng kahit anong ingay. Binuksan niya ang pinto at hinarap ang lalaki, "There's no notebooks here" dinig kong pagtataray niya. Marami pang sinabi ang lalaki at kalaunan ay lumisan na rin.

Nang masigurado kong wala na ang epal na nangbitin samin ay lumabas na ako sa tinataguan ko.

"He's fucking annoying!" inis na bulong ni Miss Moretti, tulad niya ay asar din ako sa lalaking yun. hays bwisit!

"Nagugutom na ako" sabi ko sa kanya.

"Go now, I don't want to pissed you off more"

"You're the one who needs to calm down" mas kalmado ako kaysa sa kanya, syempre ako na'to tsk tsk.

"I know, I know." sambit niya sabat hilot sa sintido niya.

"Eat now, I'll go to the bathroom and fix myself." she said and opened the door for me.

"Uhm..kay"

We go in different ways, she go in the faculty while me, currently walking to my next class. Hays, grabe naman ang araw na 'to, ang sakit sa puson!

"Saan ka na naman nagsusuot?" bungad sa akin ni Meg, shit ano na dadahilan ko rito.

"Nasaan si Aubrey?" pag iiba ko ng usapan.

"Nasa CR, nagkaron ang gaga e" shala bakit kelangan pang alam niya yun?

"Ay wow, updated naman ang beshy ko"

"Syempre, ako pa" sambit niya sabay irap sa akin.

Nanahimik siya ng ilang minuto bago nagsalita ulit. "Tara sa bar mamaya, nomnom!"

"Bakit, may ano?" hindi naman kasi siya nagyayaya ng walang ganap sa buhay.

"Crinushback na kasi ako ni crushiecakes ko!" pota? nagcrushback si Aubrey sa gagang 'to? bakit?

"Si Aubrey?" binatukan niya ako dahil sa tanong ko, hayp nagtatanong lang naman e!

"Malamang, alangan si Miss Moretti" inirapan ko siya dahil alam kong may crush talaga siya kay Tita at BAWAL YUN. akin lang siya. Ay!

"Whatever"

"Oo nga pala Soleng, susumbong kita kay Tita. Panay cutting ka today" anong cutting, hindi naman kayaaa.

"Tigilan mo'ko, ngudngud ko mukha mo diyan sa upuan mo sige ka" agad naman siyang tumahimik, nakita kong ginagawa niya yung FLAMES thingy.

Ang batang isip naman ng kaibigan ko! FLAMES ba naman gagi.

"WHAT THE FUCK!?" malakas na sigaw nito, nakuha niya ang atensyon ng ilan namin kaklase. Pati ang mga natutulog ay nagising sa matinis nitong boses.

"Maghunosdili ka nga! Amg ingay mo!" inis kong sambit, apaka talaga nito.

"FRIENDS!! beshy FRIENDS lang daw kami sabi ng FLAMES!!" lord, bakit ganto binigay mong kaibigan sakin? jusko!

"Laro lang 'yan, para kang bata! Tumigil ka nga d'yan at tumahimik" aangal pa sana ito nang makita niyang pumasok na ulit ng classroom si Aubrey, nakita ko si Meg na umayos pa ng upo at ng sarili bago siya makita ng crush niya.

Umupo si Aubrey sa tabi niya, kitang kita ko kung paano namula ang pisngi ng best friend ko ng sabihan siyang "ang ganda mo naman" ang cringe lang sa totoo lang. Napaisip tuloy ako kung ganoon ba ang actions ko kapag kasama ko si Tita.

Nagturo ang professor na nakalaan sa oras na iyon, naging chill lang ang klase dahil na rin sa sobrang bait niyang propesor, kaysa sa isang kilala ko diyan na ubod ng strict.

Natapos ang pagtuturo nito at sakto nagugutom na ako. "Meghan, tara kain tayo" yaya ko, hindi na kasi ako nakakain kanina paglabas ng room ni Miss Moretti kanina dahil muntik na rin ako malate.

"Ah..pwede kami muna?" sambit niya sabay turo kay Aubrey. Nagets ko na agad ang mensaheng sinasabi nito. Magd-date silang dalawa at kung pwede ay humanap muna ko ng kakainan ko mag-isa. Hays.

"Thank you, bawi ako mamaya" sambit nito habang may malapad na ngiting nakatingin sa akin, buti pa bff ko nacrushback na, ems.

"Ano bang masarap kainin?" tanong ko sa sarili at para namang may sariling galaw ang utak ko dahil biglang nagflashback ang mga ganap sa amin ni Miss Moretti. Shit brain, wag ngayon. Nagugutom ako seryoso.

Heavy meal dahil patay gutom ako, joke. Mas better kasi para sa akin kung heavy meal ang kinakain ko dahil na rin magugutumin ako.

Pagkatapos kong kumain ay mayroon pa akong 1 hour na natitira. Anong magandang gawin? Matulog. Yan ang nasa isip ko pagkatapos kumain at syempre bawal yun, baka makita ko agad si San Pedro niyan.

Pumunta ako sa likod ng school at doon tumambay, minsan masarap din talagang magkaroon ng moment kasama ang sarili mo lang. Doon mo mas maeenjoy ang peace, katahimikan lang naman ang gusto ko ngunit hindi yun natutuloy dahil sa asungot kong kaibigan na sobrang ingay. Mabuti nalang at meron na siyang ibang bubulabugin.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang iilan patak ng ulan, mabuti nalang at nasisilungan ako ng malaking puno. Pinanood ko lang ang pagpatak nito kasabay ng paglamig ng paligid. Hay, ang sarap sa pakiramdam lalo na ang matulog.

Kinuha ko ang notebook ko at ballpen, sinulat ko ang pangalan namin ni Tita Alessia.

Alessia
Aria Soleil

"Hmm... Five letters ang natira" sinulat ko rin dito ang FLAMES na word at nagsimulang bumilang ng lima. "Enemies" saktong doon tumapat ang pangalan namin. Shit hindi ako papayag nito. Bawal yun!

"Let me try this way" sinulat ko ulit ang pangalan niya at ang pangalawang pangalan ko.

ALESSIA
SOLEIL

Ginawa ko ulit ang pangcancel ng letters na may magkamukha kami at lumabas na five letters ulit. Nagsisimula na akong maasar sa larong ito, bakit palaging "Enemies" ang lumalabas. We're not enemies, well baka dati but hindi na ngayon!

"Argh!" inis na'ko ha!

Sinulat kong muli ang pangalan niya at ang unang pangalan ko. Kapag ito, enemies pa rin tangina nalang!

ALESSIA
ARIA

Inis kong binilang muli ang pangalan naming dalawa at potangina! Five na naman. Inis kong binalibag ang notebook ko at ballpen na hawak ko. Nakita ko kung paano natunaw sa ulan ang papel na tinapon ko.

Nakakaasar pala talaga ang larong ito kapag hindi mo makuha ang gusto mong kalabasan, kainis!

Bakit ba puro "ENEMIES" lumabas hays.

May babaeng biglang sumulpot sa harap ko, baka hindi ko lang napansin dahil naiinis ako. "I saw that" sabay turo sa papel.

"Stop it, Meg" sambit ko habang umuupo sa tabi ko.

"You have a crush on her" tinitigan niya ako sa mata na lalong naiwas ako sa pagd-deny.

"Yes and I hate it."

Loving, Tita AlessiaWhere stories live. Discover now