Chapter 27 : Secret Lovers

3.2K 93 13
                                    

"Wake up, we're going to be late." may naramdaman akong mumunting tapik sa pisngi kom wake up? what is she saying? Minulay ko ang mga mata ko, nakita ko siyang nagre-retouch ng mukha. Agad akong tumingin sa labas, shit? Bakit nasa parking lot kami?

"Was that just a dream?" tumingin ulit ako sa labas, nandon pa rin talaga kami. Kinurot ko na rin ang sarili ko at shit! Ang sakit!

"What dream?" tanong ng kasama ko. Nabulalas ko pala yung dapat na sa utak ko lang. "Nothing."

PANAGINIP LANG?!?!??? 😭

"Faster!" inis niyang sabi kaya napatingin ako sa relo ko. Shemay, 5 minutes nalang. Agad kong inalis mga gamit ko at dali-daling umalis.

"Good morning, Ma'am Loreen." sambit ko at ngumiti ng sobra. Nakita ko kasi sa relo na kahit na nagmadali ako kanina ay late pa rin ako. Bakit ba kasi ang layo ng building namin argh!

"Aria, sweetheart. Why are you late?" sanay na ako kay Loreen, she's sweet and palagi siyang gumagamit ng endearments sa aming mga estudyante niya.

Her name is Loreen Beaumont, she's like Ma'am Soliel. She possesses an exquisite grace, with captivating eyes that reflect depth and warmth. Her radiant smile lights up the room, and her poise exudes confidence and charm.

Well, isa lang naman pinagkaiba nila. Ang sungit sakin ni Tita Alessia and si Ma'am Loreen sobrang bait ang sweet niya. She's so soft like a marshmallow. Aaminin ko na rin crush ko siya tulad ni Ma'am Raquel. Hindi ko siya palaging nasasabi dahil ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Traffic Ma'am, I'm sorry." sambit ko and sinabi niya lang na umupo na ako upang makapagstart na kami ng lesson.

Isang subject lang ang klase namin ngayong umaga kaya napagpasyahan kong tumambay nalang. Kakakain ko lang din naman kaya hindi pa ako gutom, binuksan ko nalang ang social media ko.

Meghan:
Tara rito, asa food park kami.

Me:
Kayo nalang. Antok ako.

Meghan:
K. Uunahin mo pa 'yang antok mo kesa samin, hmp!

Ang siraulo talaga ng babaeng 'to. Alam ko namang nagd-date sila bakit ako eeksena diba?

Wala namang bago, marami friend request, message request, meron ding mga post na kung sino-sino ang kasama ko, grabe talaga ang issue. Meron ding mga page na kumakalat na kung saan-saang babae o mapalalaki nila ako nili-link na naging normal na sa tuwing titingin ako sa social media.

Biglang nagpop up text ni Tita Alessia. Ang baduy, bakit text may socmed naman. kimi.

Alessia:
What time uwian mo later?

Me:
10am lang, why?

Alessia:
7pm pa ako, mauna ka na.

Me:
Okies, commute nalang ako.

Hindi na siya nagreply kaya pinikit ko na ang mga mata ko, medyo antok kasi ako pero ang panget naman kung dito ako matutulog sa bench. Pupunta nalang ba ako sa likod ng school or sa library?

Napagpasyahan kong sa sa likod nalang ng school para makaidlip. Nagising nalang ako sa tumatapat na sinag ng araw sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong may folder na sinusubukang takpan ang araw upang hindi siguro ako masilaw at magising ngunit gayunpaman ay nagising ako.

"Hello, Aria. Good morning!" sambit niya, isa lang naman tumatawag sa akin ng ganoon at siya lang yun. "Good morning, Ma'am Loreen!" agad kong sambit, tumayo na rin ako sa pagkakahiga ko para respeto sa kanya.

"What are you here, Ma'am?" Agad kong tanong, nanggugulat kasi eh.

"Just passing by then I saw you here, sleeping peacefully." sambit niya naman, shocks! Nahiya tuloy ako.

Tumingin ako sa relo ko and saktong 10am na actually 8:30am lang talaga ako ngayon pero mas pinili kong tumambay dito kahit konting oras lang.

"Ang haba ng tulog mo, Baby Aria" right, baby again. Hay bakit ba ang daming babae!

"Ah opo, sorry po. Hindi na po mauulit, pupunta na rin ako sa council ako na magrereport na natulog ako rito"

"Hey, hey, hey! Wala ka namang kasalanan, free time mo naman. It's okay to rest here." tama naman siya, bakit nga ba ako nataranta?

"Ah..sige po. Alis na po ako." paalis na ako nang nagtanong siya. "Where are you going?"

"Uuwi na po, kayo lang class namin ngayon eh. Ikaw po?" malay ko ba kung tatambay pa siya or what. "Uuwi na rin, tapos na class ko eh." sumabay na rin siya lumakad.

"Saan ka ngayon?" sambit niya nung nasa parking na kami. "Mag-aabang me ng grab, ingat ka Ma'am!"

She's about to get inside her car pero narinig niya siguro yung sinabi ko. "Come here, let me take you home."

Sumakay na rin agad ako, duhh sayang pa baon ko kung magcommute ako. Eh dito libre lang, aba! Tipid tipid din.

"Gusto mo ba maglunch muna? Alam kong gutom ka, bakulaw 'yang tiyan mo eh!" Oo nga pala. Bukod sa naging crush ko siya ay nagkaroon din kami ng secret relationship dati dahil first year palang ako non at siya naman ay Professor na sa paaralang ito.

Agad kaming pumasok sa restaurant at hinayaan ko na siyang omorder ng kakainin namin. "So..." panimula niya.

"How are you, Aria?" tanong nito. "I'm doing good, medyo stress lang sa school but naiiraos naman ng procrastination. How about you?"

"I'm fine, gusto ko lang malaman if may tampo ka pa sa akin? Before i share my story to you." she's trying to ask for assurance na okay na kami. "Yes, we're okay. Palagi naman gaga ka but yea, it's been a long time probably less or more than two years na."

"I miss you too but I know you are wondering kung bakit inaya kita ng lunch but this is really a treat, walang halong issue.." agad akong tumango. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na I have a girlfriend na tulad ng sinabi mo sa akin dati. As long as I'm happy, you'll be happy for me too. Until now, pinaninindigan ko iyong sinabi mo. Hindi lang naman tayo lovers dati e, we're also friends, scratch that, i mean "best friends".

"She's got a captivating smile, eyes that light up the room, and a natural grace that makes her stand out effortlessly. Lalo na sa akin, parang guguho mundo ko kapag nawala siya."

"Omg!!! I'm so happy for you girly!" totoo yun, I'm so happy na she found her soulmate na.

She hugged and kissed me sa cheeks, shit! Naexcite na ang gaga. "Oh, ayan na pala foods. I'll make kwento while we're eating nalang." I'm happy because hindi naging madali para sa aming dalawa ang nangyari pero natuto kaming i let go ang isa't isa para na rin sa ikakabuti namin at buti ang relasyon na iyon ay walang samaan ng loob.

Ma'am Loreen is telling their love story excitedly. Nadistract lang ako nang may biglang nagpop-up sa messenger ko. Yung babaeng strange yung profile, nagmessage.

Sia:
Flirt.

Loving, Tita AlessiaWhere stories live. Discover now