Chapter 10 : Jelly?

4.4K 160 23
                                    

Soliel's POV

Pagkatapos nang tagpong iyon ay iniwasan ko lalo si Tita Alessia. Hindi na dapat maulit iyon mangyari ngunit ay katawan ko ay sinasabi ang kabaliktaran nito dahil gusto ko pa, isa pa Tita joke lang.

Lagi niya akong tinatawag sa recitation, mabuti nalang talaga at nag-aadvance reading ako kaya nasasagot ko ang mga tanong niya. Hindi mawawala ang oras na makikita ko siyang nakatitig sa akin ng malagkit, mabuti nalang at hindi iyon nakikita ng ibang estudyante.

Ngayon ay nagtuturo siya sa harap at nakasuot siya ng pormal na damit tulad ng ibang mga propesor ngunit noong siya ang nagsuot ay sobrang elegante at intimidating niyang tingnan.

Katabi ko ngayon si Aubrey, nakipagpalit siya sa isang nerdy na katabi niya rin dati dahil hindi niya maaninaw o makita ang sinusulat ni Miss Moretti sa board, malabo pala ang mata.

Nakita kong pasulyap-sulyap si Aubrey sa akin kaya tinanong ko na "Are you okay?"

"Yes, hindi ko lang makita yung sinusulat ni Miss Moretti" sambit nito ng hindi tumitingin sa akin at pilit na inaaninag ang board.

"Here, tapos ko na 'yan." Ibibigay ko na sana sa kanya ang notes ko, ngunit hindi pa man ito naaabot ng kamay niya ay may nagsalita na sa harap.

"Cordovez" masama agad ang pinupukol niyang tingin sa amin, or should I say sa akin. "Yes, Miss?"

"Rule number 1, 4 and 5." madiin nitong turan sa akin, yung dalawang rule lang nilabag ko pero hindi yung 5 ah.

"Ma'a—" balak ko sana pangtanggol ang sarili ko, ngunit nung nagsalita siya ulit ay nanahimik nalang ako. "Stay after class!"

Nagbago ang timpla nito, mas naging intense ang pagtuturo niya. Tuwing may tatawagin siyang pangalan ay halos mangatog ang mga ito bago makatayo.

"I will not accept late submissions; you will receive a zero if your assignment is not turned in by the due date and time. Class dismissed." dali-dali akong lumabas noong narinig ko ay key word na dismissal na.

"Cordovez, stay." shet bakit naalala niya pa!

"Una na kami" sambit ni Meghan sabay hila kay Aubrey.

Nang masigurado na wala ng tao sa loob ay tsaka ako pinuntahan ni Tita sa direksyon ko. "Rule number 1, 4 and 5." tumingin siya sa akin ng sobrang sama. "I didn't break the rule number 5, Miss Moretti"

Lalo niyang nilapit ang mukha sa akin na nagpahigit ng hininga ko, shet Tita!

"You did." may bahid ng pagkamuhi ang boses niya. "I didn't"

"Shut up, you're making me pissed!" shet ang sexy sumigaw.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa isang upuan na nakaharap sa mesa niya. Pagkatapos niya akong iupo ay siya naman ang umupo sa table, I suddenly crave for a desk crawl, joke.

Nagtagal ang limang minuto na hindi nag-uusap, she's giving me a deep long sigh while me, I'm just staring at the ceiling.

"Tit—" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Ma'am, call me Ma'am or Miss Moretti." tinitigan niya ako ng malalim. Ano na naman ba?

"Uhm..okay" tanging sambit ko nang bigla ulit itong bumuwelta ng salita. "Stop flirting inside my class." may inis niyang sambit but like I said, hindi ako nakikipaglandian.

"Stop accusing me, hindi ako nakipag-flirt kay Aubrey"

"Sinasabi mo bang bulag ako?" naningkit ang mata nito habang nakataas ang kilay.

"H-hindi, sinasabi ko lang naman e! I'm not f-flirting with her, hindi niya makita yung n-nasa board kaya I let her borrow my notebook, that's it" sinong hindi mauutal e sobrang sama niya tumingin.

"I don't believe you" edi wag, charot.

"Paano ba kita mapapaniwala? I'm sorry if you assume things" inirapan niya ako dahil sa sarkastik na sinabi ko, lumapit siya sa upuan ko at umupo sa arm chair na inuupuaan ko.

"Later sa bahay, leave now. Get ready, honey" mahinang sambit niya, parang malulusaw na ata ako rito.

Siguro ay magkukulong nalang ako sa kwarto mamaya.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

"Soleng, bakit ka namumutla?" bungad na tanong ni Meghan sa akin nang makita niya ako.

"H-huh?"

"Tanga, 'wag ka mamamatay sa school. Tara sa clinic, baka multuhin mo pa ako" hinila niya ako papunta sa clinic, shuta!

"Hoy, Meg! 'wag kang abno, nagugutom lang ako" totoo namang nagugutom ako pero hindi naman iyon ang dahilan ng pagkaputla ko, kinakabahan kasi ako kay Tita e. baka kung ano na naman gawin mamaya.

"Nge, sige na nga! Tara kain tayo, libre mo! Mauna kana sa cafeteria, hanapin ko lang si Aubrey" akmang aalis na ito ngunit pinigilan ko siya, hinarap ko siya sa akin at inilapit ang mukha ko rito.

"May gusto ka ba kay Aubrey?" mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya dahil sa tuwing ginagawa ko iyon ay hindi niya kaya magsinungaling.

"Ah, eh.." hindi makasagot meaning, tama ako ng hinala.

"Cordovez, Tuazon. Go to your respective rooms!" nakita ko kung paano nanlamig ang tingin niya sa akin, hindi ito tulad ng kanina na parang naiinis lang siya. Basta iba ngayon at mas ayoko yung ngayon.

"Good day po, w-what are you doing here po, Miss Moretti?" huwao, may gana pa talagang magtanong ang best friend ko.

"I have headache and you just make it worst, alis." grabe naman makataboy si Tita, at sobra siya sa YOU, sa akin talaga siya tumingin ng sobrang sama, amp.

"Tara na, Meg--" shuta nasan na yun? Bakit hindi ko naramdamang tinakasan ako, ampota.

"Let's go inside." loh, bakit nadamay ako? hindi naman masakit ulo ko e.

"Nagugutom na po ako, Ma'am" narinig niya rin ang pagkulo ng tiyan ko, shuta bakit ba ang patay gutom ko ngayon.

"K." sambit niya at pumasok na mag-isa sa clinic. Narinig kong may tumili sa loob noon kaya agad-agad akong napapasok sa loob.

Nakita ko si Ma'am at ang nurse na magkayakap. tanginang yan, natalikod lang ako saglit may kayakap na agad siyang iba? takteng yan!

"Cordovez" napansin ako ng nurse kaya bumitaw na siya kay Ma'am, ang haharot! dapat dito tanggalan ng lisensiya e.

"Nurse, can I get an ointment for my headache?" tanong agad ni Miss Moretti nang irapan ko ito. akalain mong tatalab naman pala irap ko sa kanya, magawa nga lagi.

"Sure, Miss Moretti" ang landi naman ng nurse na ito, papatanggal ko 'to sa pinsan ni Ma'am, tutal malakas ako kay Ma'am Raquel hehe.

"Thank you" agad na tinanggap ni Ma'am ang ointment na binigay ng Nurse, sarap itulak. Sobra himas sa kamay ni Ma'am, nagbibigay lang naman ng ointment.

"Miss Moretti, can I take a picture with you?" bakit ba ang sakit sa tenga ng boses ng lintek na nurse na'to, makairita!

"No, you can't. Can't you see? She have a headache for pete's sake!" I don't know why I burst out like that, naiinis lang kasi ako. Masakit na nga ang ulo nung isa, magpapa-picture pa.

Walang sabi-sabi kong hinila ni Ma'am papunta sa parking area. "Just go home" pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse nang tangkang isasara ko ito ay hinila niya rin ako papunta sa loob ng kotse.

"Let's eat"

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

sana sipagin pa ako mag-update hehe.

Loving, Tita AlessiaWhere stories live. Discover now