Chapter 1

39.7K 893 88
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter ⓒEmpressWinteroo

Roo's note: I have written this when I was 17 (2015). Currently editing and revising for consistency of the story. Endure chapters 1 - 3.

Chapter 1

I R I N E

"Hoy Irine! Linisin mo raw ang kwarto ni Sister Leyva!"

"Ang banyo pakilinisan."

"Huwag kang babagal! Magwalis ka raw sa garden mamaya!"

Linis. Linis. Linis. Wala na akong ginawa buong araw kundi maglinis. Maglinis ng sala, ng kwarto, ng bakuran, pati na rin ng banyo lalo na ang inodoro na sobrang baho!

Hindi naman talaga ito ang trabaho ko sa ampunan. Ang totoo niyan, lahat kami na nakatira dito ay may respective areas para sa paglilinis pero binibigay nilang lahat sa 'kin ang mga trabaho.

Araw-araw nalang inuutusan nila ako. Kahit na kapwa nakikitira lang kami dito, ang akala nila ay sila na ang mga reyna.

"Nakakunot na naman 'yang noo mo. Ayos ka lang?" Lumapit sa 'kin si Samantha gamit ang wheelchair niya. Hindi siya masyadong inuutusan dahil na rin sa kanyang kapansanan.

"Hindi ko alam, Sam. Wala naman akong magagawa hindi ba?" Ngumiti ako ng bahagya at inayos ang pagkakasuot ng shades ko bago ituloy ang pagpupunas ng bintana.

"Meron, Irine. Ang lumaban." Ngumiti siya na para bang sigurado siya sa mga salitang binanggit niya.

Tingnan mo ang isang 'to. Siya ang laging nagsasabi sa 'king lumaban daw ako. Hindi ko naman siya masusunod dahil kapag ako ang lumaban, baka siya ang pagbuntunan ng galit dahil best friend ko siya sa ampunan. Siya ang kahinaan ko.

Napabuntong-hininga ako. "Alam mong hindi ko magagawa 'yan, Sam. Madadamay ka."

Kinuha ko nalang ang nahulog na basahan kanina at nagsimulang maglakad papunta sa hallway para puntahan ang kwarto ng mahal na reyna.

"Kaya mo naman ah!" Sigaw ni Sam habang sinusundan ako.

Bigla ko siyang hinarap dahilan kung bakit napahinto siya sa pagtulak ng gulong. "Bumalik ka nalang sa kwarto mo Sam."

"Ayoko." Diin niya na parang isang batang matigas ang ulo. Leche naman. Mukhang mangungulit na naman ang isang 'to.

"Sam, bumalik ka na."

"A.YO.KO"

"Samantha."

"No."

"Kapag hindi ka pa babalik sa trabaho mo, maglalayas ako."

"Nasa ampunan ka kaya Irine."

"Edi pupunitin ko yung mga books mo sa kwarto."

"Oy!"

"Balik!" Nakipaglabanan siya ng titigan sa akin.

"Kainis naman e!" Pagdabog niya. Wala rin siyang nagawa kundi pumayag. Pinagmasdan ko nalang siyang inikot ang wheelchair niya at itinuloy ang pagtutulak ng gulong para makalayo. Lagi siyang ganyan, nangungulit sa mga bagay lalo na kung may kinalaman sa buhay ko.

Balik trabaho. Kailangan ko pa palang linisin ang kwarto ng nagrereynahan dito sa ampunan. Tumakbo ako para makahabol, mahirap na kapag pinag-antay siya. Sigurado akong sipa at kalmot ang aabutin ko.

Nang makarating ako sa harap ng pinto, huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Sana lang good mood siya ngayon, please.

"Sino 'yan?" Isang maarteng boses ang narinig ko mula sa kabilang pinto. I know, si Keith 'yun. Ang reyna "raw" ng ampunan.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon