Chapter 8

17.1K 515 24
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 8

I R I N E

Lumaki ako sa ampunan nang hindi man lang nakikita at nakikilala ang mga magulang ko. Naging masaya ako sa piling ni Sister Martha kaya naman hindi ko man lang naisip ang kalagayan nila. Kung wala na ba sila o nabubuhay pa.

Pero hindi parin nataanggal sa puso ko ang kagustuhang makita o makilala man sila at masabing hindi ako isang taong tinapon lang sa gitna ng madilim na daan.

Na hindi ako isang taong sinasabi nilang patapon at salot.

Naglalakad lamang ako sa dilim. Walang anumang liwanag na gumagabay sa 'kin.

Ang nakapagtataka ay parang alam ko kung saan ako pupunta kahit na wala akong makita.

"Kilthei..."

Tumaas muli ang balahibo ko. Siya na naman. Ang lalakeng bumubulong sa 'kin.

"Lumapit ka rito," usal niya.

"Sino ka?! Anong kailangan mo sa 'kin?!" Kinapa ko ang nasa paligid ko. Dilim. Dilim lamang ang nakikita ko pero nakakarinig ako ng bulong galing sa iba't-ibang parte ng lugar kung nasaan man ako.

Natigilan ako. Tila ba'y naulit na naman ang nangyari noon.

"Mamatay ka na, Irine!"

Umalingawngaw ang galit na boses ni Sam sa tenga ko.

"Mamatay ka na, Irine!" Paulit-ulit  kong naririnig ang boses ni Sam at paulit-ulit rin akong nasasaktan.

Napaupo ako sa sahig. Gusto kong umiyak pero hindi ko nararamdaman ang init sa 'king mga mata. Wala na akong mailuluha pa. Buong buhay ko lagi nalang akong umiiyak.

Walang tapang na lumaban dahil nabuhay ako sa kasinungalingan na kapag naging tahimik ako at sumunod lang sa may kapangyarihan, magiging tahimik din ang buhay ko. Walang kaguluhan o walang anumang alitan.

Pero nagkakamali ako.

Walang nanalo kung sa simula palang ay hindi na piniling lumaban para sa tama.

Hindi ako mananalo sa laban ng buhay nang nakatayo lang at hinahayaan ang ibang tao na apakan at apihin ako.

"Papatayin kita."

Para bang hindi na ako naaapektuhan sa sinasabi ni Sam sa 'kin.

Paulit-ulit nalang, Samantha.

"Irine?" Napalingon sa gawi ng nagsalita.

"Sister?" Hinanap ko siya.

Unti-unting nagkaroon ng liwanag at nagkokorteng tao sa 'king harap. Nakita ko ang buhok niyang kulay hazel brown at ang damit niyang puti na nagbibigay liwanag sa lugar. Natuwa ako nang makita ko na naman ang mga tingin niyang nakakapagpakalma sa 'kin tuwing umiiyak ako.

Si Sister Martha.

"Sister. Sister Martha!" Dahil sa sobrang tuwa ay tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya.

"Wag kang lumapit!" Napatigil ako. Halata sa mukha ni Sister ang takot at ang pagkalungkot.

"Bakit po?" Lumapit parin ako sa kanya ng unti-unti.

"Sumunod ka nalang sa akin, anak." Pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumakbo muli ako sa kanya pero unti-unti na siyang lumalayo.

"Sister! Hindi kita maabutan!" Tumakbo parin ako kahit hindi ko siya malapitan. Tila ba'y palayo siya ng palayo kapag lumalapit ako.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon