Chapter 32

13.8K 433 32
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter

©EmpressWinteroo

Chapter 32

I R I N E

Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng kiliti sa tiyan ko na tila ba'y may nagwawala sa loob.

Napailing ako. Baka guni-guni ko lang 'yon. Walang ibig sabihin ang naramdaman ko sa sinabi niya.

Wala.

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Red nang pumasok kami sa pintuan. Tanging tunog lamang ng mga kuliglig at ang aming mga yapak ang naririnig ko. Pati ang malamig ng simoy ng hangin ay nakakadagdag sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Tanging ang ilaw ng balahibo ni Fiery ang nakikita ko sa madilim na paligid namin. Ito ba ang sinasabi sa akin ni Red na Night Market?

"Ayoko na sa Night Market, bumalik na tayo." Hinila ko si Red pero pinigilan niya ako.

Napalingon ako sa gawi niya. Hindi ko na maaninag ang mukha niya. "Sino ba kasing nagsabi na ito na ang Night Market?"

Bigla niya akong hinila papunta sa direksyon kung saan nakakakita ako ng liwanag. Dumikit sa kabilang tabi ko si Fiery kaya nabawasan ang kaba kong may biglang humablot sa akin.

Palapit nang palapit na kami sa liwanag at unti-unti ko ring naaninag ang kabilang dako ng pinuntahan namin. Pati ang mga boses na nagmumula sa mga nilalang na nag-uusap ay nakapagpakalma sa akin dahil hindi lang pala kami ni Red ang nandito.

Marami kami.

Napatulala ako sa tanawing nakikita ko ngayon.

"I-ito ba ang Night Market?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumingin ako kay Red kaya nagtama ang mga mata namin. Tumango siya. "Ito nga."

Napangiti ako at pinagmasdan muli ang Night Market na sinasabi niya.

Kung tanghaling tapat sa labas, sa loob ay aakalin mong gabi na talaga! Mistulang nakangiti sa 'min ang crescent moon na nasa itaas kasama ang mga kumikinang na bituin.

Malayang naglalakaran ang mga kasama namin dito sa iba't-ibang stalls na nakahilera sa gilid ng daan. Nakakadagdag din ng ilaw ang mga poste at lampara na nakasabit sa bawat kanto ng mga stalls. Kasama ang mga alitaptap na umiilaw habang lumilipad sa paligid.

"Arf!" Nagising ako sa katotohanan nang tumahol si Fiery.

Natuwa ako na tumingin kay Red. "Ang ganda pala rito, hindi ba pwedeng iba nalang ang daan papasok? Ayoko sa madilim."

Napailing si Red at bahagyang ngumiti na ikinagulat ko. Sinilip ko tuloy ang mukha niya. "Ngumiti ka?"

Umiwas siya ng tingin. "Ang lawak din ng imahinasyon mo."

Natawa ako. Nagmamaang-maangan pa ang isang 'to. Alam kong ngumiti siya. Masaya ako kapag nakikita siyang ngumingiti.

"Libutin na natin 'to!" Masiglang sambit ko at nagsimulang maglakad. Ngunit napatigil kaagad ako ng parang may pumigil sa akin.

Tumingin ako sa dako ni Red at nakita kong magkahawak pa pala ang mga kamay namin. Mukhang napansin din niya kaya umalis siya sa pagkakahawak at nagpamulsa bago tumingin sa malayo.

"M-maglilibot lang ako," Paalam ko.

Tumango siya nang hindi man lang tumitingin. Kaagad akong tumalikod at naglakad para libutin ang Night Market.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang hindi ko namamalayan. Napailing ako.

Narinig kong tumahol si Fiery at tinabihan ako sa paglalakad kasama si Red na walang emosyon sa mukha. Pumapagitna si Fiery sa 'min habang naglalakad at winawagayway ang buntot niya. Napangiti ako, mukhang masaya rin si Fiery ngayon.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon