Chapter 23

12.7K 458 17
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©empresswinteroo

Chapter 23

I R I N E

NANDITO ako ngayon sa tapat ng guild na naghihintay magsimula ang Scission. Suot ko ulit ang formal uniform ko bilang parte ng ceremony.

Halos mahilo ako sa dami ng taong nakaabang sa mangyayari. Lahat ng mga ka-guild ko ay nakahilera na sa kabilang gilid ng daan para suportahan ako.

Pati ang mga scholars sa kabilang guild ay nandito para mag-abang.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Kanina pa ako kabado sa mga mangyayari mamaya.

Pinagmasdan ko si Red habang kausap si Sov at inaayos ang kurbata siya. Kaming dalawa lang ang nakasuot ng uniforms. Nakasuot siya ng black pants and shoes at white polo na natatakpan ng dark red coat. Ngayon ko lang napansin na magkasingtangkad din pala sila ni Sov at parehong…ayoko mang aminin...gwapo.

Napalingon siya sa 'kin kaya umiwas ako ng tingin.

Ginising ko sa reyalidad ang aking sarili. Focus, Irine. Focus.

"Ready?" Tanong sa 'kin ni Cyndel.

"Siguro. Kinakabahan ako."

"Ayos lang 'yan! Naniniwala kami sayo." Ngumiti sa 'kin si Nisha na sumunod kay Cyndel.

Masaya ako dahil lagi silang nandiyan para icheer ako. Ayokong sayangin ang lakas ng loob na binibigay nila.

"Orion Guild! Handa na ba ang lahat?" Rinig kong sabi ni Rocio.

Dumating na siya. Magsisimula na ang Scission.

Kinausap ni Rocio si Sov at Red nang panandalian bago naglakad papunta sa  direksyon ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Ito na, Irine. Magsisimula na!

Nang makaharap nila ako ay nagsalita si Rocio.

"Napag-alaman naming pinatira ka ni Doyen Blue sa inyong guild kahit na amateur ka palang. Labag ito sa 'ting patakaran at maaari kayong parusahang lahat. Ngunit bibigyan namin kayo ng pagkakataon." Panimula niya. "Papalampasin namin ito kung magtatagumpay ka sa Scission bilang gantimpala na rin sa determinasyong pinakita mo noon sa colosseum na naging dahilan kung bakit naging inspirasyon sa kapwa mo Amateurs."

Napalitan ng tuwa ang kabang nararamdaman ko at napangiti.

"Maraming salamat, Ginoong Rocio. Pangako, hindi ko kayo bibiguin."

Tumango si Rocio. "Mabuti kung ganoon. Magsisimula na ang Scission!"

Umalis muli sa tabi ko si Rocio at naupo sa isang magarbong upuan sa harap ng mga expectators. Tinapik ni Sov ang balikat ko bago sumunod kay Rocio.

"Galingan mo," sambit naman ni Red bago pumunta sa kabilang dulo mula sa 'kin para simulan ang Scission.

Humarap siya sa direksyon kaya tumapat din ako sa kanya. Malayo-layo kami sa isa't-isa pero nakikita ko parin siya nang malinaw at ang dark red coat niya.

Huminga muna ako ng malalim. Wala ng atrasan 'to.

"Scissio dividere!" Sumigaw na si Red. Lumabas ang logo ng Orion Guild sa taas kung saan siya nakatayo.

Nagulat ako nang nagpakita ang pula niyang kanang mata at nagkaroon ng kulay dark orange na apoy sa mga kamay niya na dumadaloy hanggang sa siko niya.

Pero naalis ang tingin ko sa kanya nang nagkaroon ng bilog na lining sa pwesto ko. Umilaw ito at pumataas kaya nagkaroon ng transparent barrier. Sunod namang umilaw ang dalawang straightline mula sa Scission Circle papunta sa pwesto ni Red.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon