Chapter 42

12K 352 57
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 42

I R I N E

IBINABA ako ni Red mula sa pagkakabuhat. Doon ko nakita ang kinatatayuan naming lugar ngayon.

Korteng bilog na espasyo ang kinalalagyan ng isang gate na pinagbagsakan ko. Gawa sa iba't-ibang uri ng bato ang mga pader na sinasabitan ng mga sulong may liyab na ng apoy.

"Saan mo nakuha 'to?" Hinawakan ni Red ang braso kong may mga kalmot ng Aperanto.

Inalis ko ang kamay niya at itinago ang sugat sa loob ng damit ko. "Kalmot lang naman mula sa Aperanto."

"Aperanto? Aperanto ang nakalaban niyo?"

Nabigla ako sa pagbabago ng ekspresyon ni Red.

"Oo, may problema ba?"

Napasabunot siya sa buhok. "May lason ang mga kuko ng Aperanto. At kapag nasugatan ka nila, magpapasa at mananakit ang iba't-ibang parte ng katawan mo."

Nagtaka ako. "Wala naman akong naramdaman na sakit sa katawan at wala rin akong mga pasa."

Tumingin ng diretsa sa 'kin si Red bago siya umiling. Kinuha niya ang braso ko at pinunit niyang bigla ang long sleeve na suot ko bago ibinalot sa 'king mga sugat.

"Sa susunod mag-iingat ka. Halika na."

Nagsimula siyang maglakad matapos niyang balutan ng tela ang sugat ko. Sumunod lamang ako sa kanya.

"Mukhang kailangan nating mamili ng daan," usal ko.

Dalawang mala-kweba kasi ang nasa tapat namin ngayon. Sa gawing kaliwa namin ay isang madilim na kweba at sa kabilang kweba naman ay may ilaw na nagmumula sa loob.

"Sa maliwanag na kweba tayo." Hinila ko si Red pero bigla niya akong hinila pabalik. "May problema ba?"

"Sa tingin mo bakit dalawa ang daan?"

Kumunot ang noo ko. "Malamang para lituhin tayo."

"Tama. Para nga lituhin tayo." Tinuro niya ang madilim na kweba. "Dito tayo."

"Sandali lang!" Hinila ko siya pabalik. "Sigurado ka?"

Tiningnan niya muna ako nang ilang segundo bago umalis sa tabi ko para lumapit sa maliwanag na kweba. Hindi ko makita kung anong nasa loob nito dahil tanging nakakasilaw lang na liwanag ang lumalabas.

Biglang ginising ni Red ang spirit niya dahilan kung bakit lumabas ang usok sa kanyang mga kamay. Pinitik niya ang mga daliri niya kaya biglang isang malaking bolang apoy ang nalikha na ngayo'y lumulutang sa ibabaw ng palad ni Red.

Tumingin siya sa 'kin. "Siguraduhin mo lang na kaya mong makadaan dito."

Bumwelo muna siya bago malakas na ibinato ang bolang apoy sa kweba.

Pinagmasdan ko lamang siya. Bumulusok ang bolang apoy papunta sa loob. Hindi nagtagal, isang malakas na tunog ang narinig ko na parang pinagbanggaan ng bolang apoy.

Napaatras ako nang yumanig ang lugar kung saan kami nakatayo ngayon nang dahil sa malakas na tunog. Parang isang ungol.

Isang malakas at malalim na ungol ang dumagundong sa buong lugar na kinalalagyan namin.

"Dito pa ba tayo?" Tanong ni Red na kalmado at nakapamulsa pa.

Magsasalita na sana ako pero bigla kong nahagip ang isang berde at magaspang balat mula sa dambuhalang namumulang matang sumilip sa kweba.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon