Chapter 33

11.8K 421 64
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 33

I R I N E

"Cyndel! Bakit ba kasi ayaw niyong magkwento sa'kin?!" Malakas na sigaw ang ibinigay ko kina Cyndel at Nisha na tumatakbo palayo sa 'kin.

Padabog akong naghumalukipkip at tiningnan ang daan kung saan tumakbo ang mga kaibigan kong parati akong tinatakasan.

Gusto ko talagang malaman ang naging kwento ni Loic at Amanda pero sa oras na babanggitin ko kina Cyndel at Nisha ang tungkol sa kanila, lagi silang umaalis.

Tuloy hindi nila maikwento sa akin.

Tinanong ko rin kay Prince pero ang sabi niya ay wala siyang alam tungkol doon.

Kaya wala akong nagawa kundi magbasa nalang ng libro na binigay ni Red at h'wag na silang tanungin pa.

Dalawang araw na ang nagdaan nang umalis si Red sa guild. Hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita dahil may training daw sila sa Stager Guild kasama ng ibang kalahok sa Locus Tournament.

At sa dalawang araw na 'yon, ilang beses kong naramdaman na may nagmamasid sa akin tuwing lalabas ako ng guild.

Ilang beses rin akong natigilan sa mga ginagawa ko dahil sa pakiramdam na may palaging nakalapat na mga mata sa direksyon ko.

Hinanap ko kung sino siya pero wala akong nakitang kahina-hinala. May pakiramdam ako na ang lalakeng nakacloak ang nagmamasid sa akin pero hindi naman na siya nagpapakita.

Mabuti na 'yon dahil nakikita ko palang siya ay nanginginig na ako sa takot.

Mabuti na nga lang at hindi ko naramdamang may nagmamasid sa akin ngayong araw dahil kung naulit pa 'yon, hindi na talaga ako lalabas ng guild.

Sinimulan ko muling magbasa ng huling libro na binigay ni Red habang nakaupo sa isang bench na nilagay sa harap ng guild kamakailan lang.

Mabuti nalang at nasa battle training ang halos lahat ng mga kasama ko ngayon kaya tahimik dito sa labas.

Mas mahirap pa palang mag-aral ng spells kaysa sa battle training. Mahirap na nga basahin ang mga ito, ang hirap pang kabisaduhin.

Kaya nga nagmukha na akong hindi naligo ng ilang araw dahil sa sobrang pagod na inabot ko sa pag-aaral.

Nabasa ko na ang dalawang libro na naglalaman ng basics tungkol sa Amaryllis at tungkol sa family at genus na kinabibilangan ko.

Masaya ako dahil marami akong nalaman tungkol sa mga Ice at Water Enchanters na katulad ko!

Kaya lang, nahihirapan ako sa huling libro na binabasa ko. Spell chanting. Napabuntong-hininga ako, wala pa akong maayos na tulog.

"Ayos ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Sa tingin mo? Ayos ba ang itsurang 'to?" Turo ko sa sarili ko.

Tumawa si Prince at pumunta sa tabi ko. "Maganda ka parin naman ah." 

"Sabihin mo 'yan sa buhok kong parang hindi nasuklay." Biro ko.

Tumawa nalang kaming dalawa at umupo siya sa tabi ko. Tahimik naming pinagmasdan ang langit. Dati ko pa kasi napapansin na lagi nalang kumukulimlim sa mga nagdaang-araw.

"Nakabisado mo na ba ang lahat ng spells?" Tanong niya habang nakatingin sa langit.

"Hindi pa. Ang hirap kaya. Ikaw ba? May alam kang spells?"

Nagkibit balikat siya at tumingin sa akin. "Isa lang ang alam ko."

Kumunot ang noo ko. Lumapit siya ng bahagya sa akin at inilapit ang bibig niya sa kanang tenga ko.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon