Chapter 22

12.8K 441 31
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 22

I R I N E

Nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto niya at hawak ang bolang yelo na nagawa ko. Kinakabahan at nagdadalawang isip ako kung kakatok ba o hihintayin ko nalang siyang lumabas.

Bago pa man ako pumunta dito, gumawa muna ako ng mga plano kung paano ko siya makukumbinsing kausapin ako. Ang sabi kasi ni Sov, kapag minsan na nagtampo si Red, mahirap na siyang makausap ulit.

Plan A muna. Humingi ng tawad gamit ang salitang, sorry.

Magpractice muna kaya ako?

"Uh..Red, sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi ko. Ikaw naman kasi ang nauna eh!"

Ekis! Hindi pwede! Naninisi ka pa talaga, Irine? Huminga muli ako nang malalim.

"Hi? Ahm. Sorry?"

Ang simple naman.

"Red, I.am.sorry."

Gloria Arroyo lang?

Si Kathryn nalang.

"Red? Sorry poooo~"

Napahawak ako sa pinto at sumandal. Parang lahat ng paraan ko ang pangit pakinggan. Ngayon lang naman kasi ako hihingi ng tawad sa lalake. Hindi ko alam kung ano iniisip niya. Baka kapag nakita niya ako, bigla niya akong sunugin.

Ano bang magandang sasabihin? Sige. Magpapractice ulit ako.

"Uhm. Red.."

"Problema mo?"

"Ay pusang kulay pula!"

Bigla niyang binuksan ang pintuan at ngayon ay nasa harapan ko na siya.

Napalunok ako.

Bigla akong kinabahan. Nilaro ko ang bolang yelo sa mga kamay ko. Ano bang una kong sasabihin? Kung sasabihin ko yung unang napractice ko, baka lalo siyang magalit. Kung 'yung pangalawa naman, baka sabihin niyang hindi ako sincere. Kung 'yung pangatlo, pangit pakinggan sa 'kin dahil hindi naman ako cute.

"Red...kasi-"

Napatalon ako sa gulat. Ay ang bastos. Sinaraduhan ako ng pintuan.

Ano na? Kung hindi ko naman siya haharapin baka patayin na ako ng konsensya ko.

Katukin ko nalang kaya?

Aish! Bahala na!

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.

Naghintay ako.

Halos mabilang ko na ang bawat hibla ng buhok ko sa sobrang tagal.

Kumatok muli ako.

Naghintay ulit.

Isang minuto na ang nakalilipas pero hindi parin siya lumalabas. Minsan pa!

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon