Chapter 36

11.7K 402 113
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 36

I R I N E

"Sasabihin ko sa'yo.." Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa'kin. "Sa isang kondisyon."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Nakapinta sa mukha ni Tristan ang isang ngiti na hindi ko kayang paniwalaan. Nakangisi at tila nanloloko. Ano naman kaya ang pinaplano nito?

"Ano 'yon?" Tanong ko.

Tuluyan na siyang lumapit hanggang sa isang sentimetro na lamang ang layo. Napaatras ako at napalunok. Tumama sa mga mata ko ang madidilim niyang mga mata na mahirap basahin.

"Lumayo ka kay Red," seryosong sambit niya.

Napuno ako ng pagtataka. Ano raw?

"At bakit ko siya lalayuan?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Ngumisi si Tristan. "Para akin ka nalang."

Napaatras ako nang muntikan nang maglapit ang ilong naming dalawa. At tyaka ko nakita kung paano niya pinigilang matawa sa reaksyon ko.

"Pakiulit nga, Tristan."

"Akin ka nalang, Irine." Nawala ang ngiti sa labi niya at nagseryoso.

Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Alam niya ba ang sinasabi niya ngayon?!

Naramdaman ko na lamang na kumurap ang mga mata ko sanhi ng hindi makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon.

May sira na ang ulo ng isang 'to. Lumayo ako sa kanya at tinuro ang pagmumukha niya. Hindi ako basta magpapaloko.

"Hoy! Hindi pa nga kita masyadong kilala tapos sasabihin mong tayo nalang?! Ayusin mo nga yang turnilyo sa utak mo!"

Nanliit muli ang mga mata ko nang napagmasdan ko kung paano unti-unting kumurba ang mga labi niya hanggang sa makaporma ng ngiti at tuluyan nang natawa.

"Nakakatawa ka, Irine! Hahaha!" Halos hindi na siya makahinga.

Pinaglololoko talaga ako ni Tristan. Sabi ko na nga ba't hindi talaga marunong magseryoso ang lalakeng 'to na masayang pinapatay ang sarili niya sa kakatawa.

Minasahe ko ang noo ko.  "Lumayas ka nalang."

Napansin niya sigurong wala akong oras sa mga trip niya sa buhay kaya huminahon siya at nahimasmasan.

"Nagbibiro lang naman ako." Pinunasan niya ang mga luhang bumagsak habang natatawa pa.

"Kapag inagaw kita, baka bukas maabutan mo akong malamig na bangkay," dugtong niya.

Sa totoo lang, siya ang pinakamahirap basahing tao na nakilala ko. Hindi ko mawari kung ako ang pinaplano niya.

Napailing ako.

"Please lang, Tristan. Hindi pa ako nakakabihis mula sa hampas ng tubig na ibinato mo sa'kin kaya pwede ba–"

"Ang sabi ko sa'yo di kita pwedeng iwanan. 'Yun ang utos ni Red." Humalukipkip siya habang nakasandal sa pader.

Kilala ako sa mahaba ang pasensya pero pagdating sa kanya. Mukhang isang metro lang talaga ang haba ng pisi ko. Huminga ako nang malalim. Wala na akong magagawa kundi takutin ang isang 'to.

"Sige. Dito ka lang sa tabi ko at hahayaan kitang manatili habang nagpapalit ako ng damit. Pagkatapos ay sasabihin ko kay Red na sinilipan mo ako dahil manyak ka."

Nakita ko kung paano sumeryoso ang ekspresyon ni Tristan. Ngumisi ako. Kulang pa.

Nagsimula na akong kumuha ng damit sa closet. "Sayo parin nakasalalay ang buhay mo. Ikaw ang bahala kung aalis ka muna sa kwarto ko at masayang mamuhay o, sabi mo nga, maabutan nalang kitang isang malamig na–"

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon