Chapter 14

16.7K 486 41
                                    

ENCHANTED: The Enchanted Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 14

I R I N E

"Halika na, Irine!" Hinila kaagad ako ni Cyndel papasok sa loob. Hindi naman siya excited.

"Anong building ba 'to?" Tanong ko sa kanila. Napansin kong naiwan na 'yung mga kawal sa labas. Kami nalang ang nandito sa loob.

"Amaryllis Storehouse. Dito pumupunta ang mga scholars ng camp para bumili ng gamit," sagot ni Cyndel.

"Dito? Sa maliit na kwarto na ito?" Nilibot ko ang tingin ko. Nakatayo kami sa isang maliit na kwarto na naiilawan ng isang chandelier na nakasabit sa pinakagitna ng ceiling.

Walang anumang bagay. Paanong magiging storehouse ang kwartong 'to?

"Hindi naman ito ang mismong storehouse, Irine." Paliwanag ni Eoin.

Pumunta si Eoin sa isang pintuan na nasa harap namin. Pinindot niya ang isang button sa gilid at naging dahilan upang mabuksan ang pinto na parang isang elevator. Nakita ko ang loob nito.

"Kalansay!" Napatakbo ako sa isang sulok. May kalansay na nakaupo sa loob ng elevator. "May kalansay sa elevator!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umilaw ang mga mata ng kalansay. Namumula na parang papatay ng tao. Pero wala siyang mata! Sa loob ng bungo ay lumiwanag ang pulang ilaw habang nakatingin sa 'kin ng masama.

"Uh—tulong?" Tumingin ako kila Cyndel.

"Eoin, pigilan mo siya. Pakalmahin mo siya dali!" Tumabi sa 'kin si Cyndel na parang natatakot na rin sa nangyayari.

Napasabunot si Eoin sa buhok niya. "Diyan lang kayong dalawa. Walang gagalaw."

Wala talaga!

Isinangga ni Cyndel ang katawan niya sa 'kin na para bang pinoprotektahan niya ako.

Tumakbo si Eoin at may binigay sa kalansay na isang chip. Lumapit si Eoin sa tenga ng kalansay—basta 'yung buto sa tenga—na para bang may binubulong.

"Anong nangyayari?" Bulong ko kay Cyndel.

"Ginalit mo siya." Kumunot ang noo ko. "Binibigyan siya ni Eoin ng Crasnip para kumalma."

"Talaga? Paano?" Napahawak ako sa braso niya.

"Tinawag mo kasing—basta 'yung sinigaw mo kanina. Ayaw niyang tinatawag siya ng mga nakakainsultong pangalan dahil nilalang din siya dito sa Amaryllis na kailangang respetuhin."

Napalunok ako. Akala ko ay may nabulok na bangkay sa loob ng elevator at mga buto niya nalang ang natitira. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang hindi normal sa kabilang dimension ay pwedeng normal sa mundo kung nasaan ako ngayon.

Tumayo si Eoin at tumingin sa 'min. Sinenyasan niya kaming lumapit kaya hinila ako ni Cyndel at dahan-dahang naglakad papunta sa kanya.

Wala nang pulang ilaw sa kalansay na ngayon ay nakatitig sa 'min ni Cyndel. Mistulang minamasdan ang bawat galaw naming dalawa.

"Hindi na ba galit ang kalan—"

"Sssssh!" Tinakpan ni Cyndel ang bibig ko.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon